Chapter 30

1.6K 58 19
                                    

Nasa living room kami ni baby Letitia vinevideohan ko ito dahil pinipilit nito ngayon gumagapang para abotin iyong laroan niya.

" Go baby..." I cheer for her.

I immediately send the video to Andria.

" Ang galing naman ng baby ko,"

[ Telephone ringing ]

May tumawag sa bahay at si yaya iyong sumagot.

" Po!?"

Nagtataka naman ako sa reaksyon nito ng makita ko may pag-alinlangan iyong mukha niya.

Sino naman kaya iyong nasa kabilang linya?

" Maam, sabi po nung guard sa gate meron daw nagwawalang lalaki sa labas hinahanap po daw kayo?"

" Nagwawalang lalaki?" Napakunot noo naman ako.

" Sinabi ba kung anong ang pangalan?"

" Noah po,"

Napatayo ako ng marinig ang pangalan niya.

Anong ginagawa niya dito?

" Yaya, pakibantayan mo si baby."

" Opo, maam."


Nagmadali ako lumabas ng bahay at nagpahatid kay Joem sa Forbes park gate.

Malayo palang ay kitang-kita ko na si Noah na kinakalangpag ang gate. Pilit naman siya pinipigilan ng mga securities on duty.

Bumaba ako ng sasakyan.

" Noah!?"

" Paige!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagugulohan naman ako sa mga kinikilos nito.

" S-Sandali, A-Ano ba ang nangyayari saiyo? A-Anong ginagawa mo dito?"

" Totoo ba?"

" Ang alin?"

" Hindi ka nagtatrababo bilang secretary sa Metro Manila. Binabahay ka dito ng hayup na iyon para gawing kabit!" Nanggagalaiti ito sa galit.

" Ano!?" Bulalas ko.

Nagugulat ako sa mga sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang maling balita iyon.

" Sinabi ni Anne sa akin na binuntis ka ng hayup na iyon!"

Ito nga ba talaga sinasabi ko eh! Nadulas na naman sila kay Noah. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi sa kanila ang totoo.

" Noah! H-Hindi ako--"

" Iuuwi na kita," He cut my words.

Hinila na niya ako.

" S-Sandali makinig ka sa akin," Pakiusap ko dito.

" Okay na, magiging okay na din ang lahat. Ilalayo kita sa lugar na ito," Hawak niya sa kamay ko." Paige! Andito ako para iuwi ka. Hindi mo kailangan matakot sa kanya. Andito ako para protektahan ka."

" Maam!"

Dumating si Joem para sunggaban sana si Noah ng suntok.

" Sige subukan mo! Nang makukulong iyang Pontio Pilato mong amo! Ilalabas ko sa media ang ginawa nila sa girlfriend ko."

" Noah!?" Nagulat ako sa sinabi nito.

Nag-aalala naman ako para kay Andria kapag kumalat ang balita na ito masisira ang reputasyon niya. Hindi ko hahayaan mangyari iyon.

" Ano ba ang gusto mo?" I raised my voice at him.

" Uuwi tayo sa inyo, sasabihin mo sa mga magulang mo ang lahat ng nangyari saiyo."

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now