Chapter 17

1.2K 49 2
                                    

Niluto ko iyong mga paboritong pagkain ni Andria. Sa loob ng halos siyam na buwan na magkasama kami ay lalo ko nga siya nakilala at mas lalo din kami napapalapit sa isa't-isa.

[ Incoming text Notification ]

I read her text.

' Baby I'm coming home. Can't wait to see you.'



Napangiti ako sa sweet na text niya. Isang linggo din kasi ito sa Pilipinas na kinakailangan niya talaga umuwi dahil may inaasikaso siyang napakaimportante.

Hindi naman ito iyong first time niya umuwi ng Pilipinas pero iyong pag-uwi naman niya doon ay puro trabaho lang. Hindi naman nagtatagal ng dalawang linggo ay bumabalik din agad siya sa Amerika kaya sobra akong excited na uuwi na siya ngayon dahil nalulungkot ako kapag wala ito sa tabi ko.

I miss her so much that's why I'm cooking her favorite dish right now.

Ang dami na din namin pinagdadaanan dalawa. Siya iyong kasama ko sa mga pinaka importanteng araw ng buhay ko ng maka graduate ako.





< Flashback >

Nagmimake-up ako sa sarili ko. Nang pumasok si Andria sa kwarto.

" Congratulations, Baby."

Nakita ko siya may dala-dala bouquet of flowers.

" Thank you..." Tinanggap ko iyong pa bulaklak niya. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kaganda at kadaming bulaklak.

" And... for you,"

She gave me a beautiful gold necklace.

" Hmm, this is too much."

" I'll put this on you,"

Siya iyong nagsuot sa akin ng kwentas.

" It's beautiful,"

Humarap ako sa kanya matapos niya isuot sa akin ang kwentas.

" And you are the most beautiful," Hawak niya sa mukha ko at mariin niya ako binigyan na isang matamis na halik sa labi. She also never forgot to kiss my 5 months old tummy after she kissed me.

I smiled at her.

" Are you ready?"

Excited na tumango lang ako.

Siya na ang nagdala sa toga ko.

Medyo malaki na konti iyong tiyan ko pero nakasuot naman akong ng toga hindi na siguro iyon masyado halata.

Ito iyong pinakahihintay ko ang maka graduate ako ng college kaya halos maluha luha ako ng umakyat ako sa stage at tanggapin iyong diploma ko.

Tumingin ako kay Andria, todo ang palakpak sa kinauupuan niya. She is my comfort zone and my supporter. Kitang-kita ko sa itchura niya iyong sobrang proud na proud siya sa akin.









Nakangiti na nakatingin lang ako doon sa graduation picture ko na kasama ko si Andria.

Hindi lang iyong masasayang araw namin ni Andria meron din kaming pinagdaanan na halos sumubok sa pagsasama namin. Noong anim na buwan bigla ako nagbleeding.







< Flashback >

Lumabas ako ng CR ng magulat ako makita may dugo sa hita ko.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now