Chapter 26

1.3K 55 12
                                    

Nagkukwentohan pa din kaming dalawa ni Belle sa pool habang umiinom ng wine. Hindi ko namamalayan na napapadami na pala iyong nainom ko.

" Sa tagal niyo nagsasama ni Andria sa bahay ni minsan ba may nangyari sa inyo?" Interesadong tanong ni Belle.

" Huh? Amh..." I stutter.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Belle.

" Oh? Bakit ka nauutal? May nangyari na sa inyo noh?"

" Huh? W-Wala ah!" Agad kong tanggi.

Syempre di ko pwede sabihin sa kanila na isang beses meron nangyari sa amin ni Andria.

I lower my head to hide my red face.

" Do you have feelings for Andria?"

Bukod kay Mia siya iyong pangalawang nagtanong tungkol sa nararamdaman ko para kay Andria.

" Hindi ka naman siguro mananatili dito sa bahay niya kung wala kang naramdaman na kahit na ano sa kanya,"

" Espesyal siya para sa akin, pero... pwede ba iyong magmahal ka sa kapwa mong babae?"

" Are you kidding me? Look at Jazmine and Mia, are their love impossible?"

" Hindi pa kasi ako nagkaroon ng encounter na nagkagusto ako sa isang babae,"

" You already did,"

" Huh?" Hindi ko siya maintindihan.

" Andria is a girl, and you like her. Kaya wag mong sabihin na hindi ka pa naka encounter na nagkagusto sa isang babae,"

Natahimik naman ako.

Tama si Belle, ibang usapan na kapag tungkol na sa nararamdaman ko kay Andria na ang pag-uusapan. Iyong hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko.

" H-Hindi naman kasi siya mahirap--"

" Mahalin!"

Belle cut my words.

" We know! Yeah,  she's hard to understand but she's really cute."

" Pero di ko naman alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin,"

" She likes you!"

" Paano mo naman nasabi? Sinabi niya ba sa inyo na gusto niya ako?"

" She don't have to say anything. She's very obviously head over heels for you,"

Napapansin ko na patingin-tingin sa gawi namin si Andria.

" We are all rooting for you and Andria."

Tumango lang ako.

" Cheers,"

[ Glass Clinks ]

" Ahh!" Malakas na tili ni Belle.

Nagulat ako ng biglang nahulog  si Belle sa pool. Iyon pala ay tinulak siya ni Lalliana na tawang-tawa ngayon.

" How dare you!" Galit na sigaw  ni Belle.

[ Big Splash ]

Sumunod tumalon si Lallaina sa pool. Natatawa lang ako sa kanilang dalawa.

Natigil naman ako sa pagtawa ng magtama ang mga mata namin ni Andria habang dahan-dahan niya hinubad ang suot na robe. Napalunok naman ako ng makita siya nakasuot na one piece.

Nag-iwas ako ng tingin hindi ko kasi kaya iyong mga titig niya sa akin  pero nang binalik ko iyong tingin ko sa kanya ay nakatingin pa din siya sa akin.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now