Chapter 8

1.2K 39 0
                                    

Sa haba-haba ng biyahe ay nakarating na din kami sa Boston pero nawala iyong pagod ko ng makarating na kami sa magiging bahay namin dito. Namangha ako sa sobrang ganda ng lugar. Tahimik ang paligid at ang maganda pa doon ay natatanaw ko iyong dagat.

Paglabas namin sa kotse. Sumalubong na sa akin ang malamig na lugar. Hindi pwede dito ang mag jacket ka lang ng sobrang nipis.

" It's freezing, let's go inside." Sabi ni Andria. Tumango lang ako dito.

Pagpasok namin sa bahay di pa din nawala iyong lamig pero hindi kasing lamig sa labas.

" Maligayang pagdating sa Boston!" Bati sa amin ng isang babae siguro nasa mid 50's na ito at may kasama itong batang babae naalala ko naman iyong kapatid ko si Pat sa kanya.

" Si Ante Myrna, Uncle George at ito naman iyong apo nila si Jam. Sila ang magiging kasama natin habang andito tayo sa Boston,"

" Hello po," Bati ko sa kanila.

" Ate Andria, sino po siya?"

Napatingin naman ako kay Andria at nakatingin din pala siya sa akin.

" Siya? Ahm, Si Paige... M-My wife,"

" Huh?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinakilala niya ako bilang asawa niya.

She clears her throat.

" Whoa, hindi namin alam na ikinasal ka na pala."

" And we're having a baby,"

" Wow! Congratulations sa inyong  dalawa."

" Please... Take care of her while I'm not around. I don't want anything bad to happen to her to our baby,"

" Wag kang mag-aalala, Andria. Aalagaan namin si Paige." Uncle George assured Andria.

Tumango lang ito.

" Maliligo lang kami saglit,"

" Oh sige, tatawagan na lang namin kayo kapag luto na itong pagkain."

Hinawakan niya ang kamay ko sabay  na kami umakyat sa taas.


Pagkadating namin sa kwarto saka ito naghubad.

" Bakit sinabi mo sa kanila na mag-asawa tayo?" Tanong ko sa kanya.

" You are pregnant, sooner or later  lalaki iyang tiyan mo  and I don't want them to think the baby is not mine."

May ponto naman siya pero nag-aalinlangan pa din ako.

" Don't worry, I trust them. They are like my family here."

Ang problema ko lang ay kung magsasama ba kami sa iisang kwarto?

" Aren't you tired?" Curious na tanong sa akin.

" Nasaan iyong magiging kwarto ko?"

" This is our room," Simpleng sagot nito.

" O-Our room?"

" Are you scared of me?"

" H-Hindi naman sa ganoon," I said while shooking my head.

" Look, they  knew we were married. They would be suspicious of us if we didn't share in the same room,"

Mahirap makipagtalo kay Andria kasi lagi ito may rason.

Tumango na din ako. Wala naman akong choice kesa naman uuwi ako sa Pilipinas.

" I'll take a shower first,"




Pag-alis niya ay naiwan ako mag-isa. Lumapit ako sa bintana mula dito ay nakikita ko ang labas ng bahay at magandang dagat.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now