Chapter 16

1.2K 47 1
                                    

Nagbabasa ako ng libro dito sa living room kasi nasa kwarto si Andria may zoom meeting siya. Nang bigla ako naghahanap sa luto niya na waffle strawberry fillings.

" Andria..." Tawag ko.

Naisip ko na hindi niya ako  maririnig mula dito dahil sound proof iyong kwarto namin.

Napilitan pa ako tumayo para puntahan pa ito sa kwarto.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko siya na hindi pa din tapos nasa meeting pa din siya.

" Andria..." Tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako napapansin o naririnig kahit na wala naman siyang suot na earphone dahil nga naka focus ang atensyon niya sa meeting.

Nakaramdam ako ng pagkairita.

Nilapitan ko siya para mapansin niya ako.

Natigil naman ito ng makita niya ako na tahimik lang sinamaan siya ng tingin.

She stares at me like saying ' What do you want?'

I walk out without saying anything.

Pag hindi niya ako sinundan talagang hindi ko siya kakausapin.


" Hey..." 

Hinawakan niya ako sa braso ko bago pa ako makalabas sa kwarto.

Napangiti ako kasi hindi din pala niya ako matitiis.

Humarap ako sa kanya na masama ang loob.

" What's wrong with you?"

" I want you to bake waffle with strawberry filling,"

" Okay... I'll bake after this zoom meeting,"

" No, I want now." Reklamo ko.

Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.

" I'm in the middle of my meeting," she explain.

I cross my arms looking at her with my bored look face.

" Seriously?" Tinaasan ko siya ng kilay.

" O-Okay..." Napakamot na lang ito sa ulo at mukhang  nalugi.

Ngiting tagumpay lumabas  ako ng kwarto.

Ilang sandali pa ay nakita ko siya lumabas at dumiretso sa kusina. Hindi ko maiwasan hindi mapansin iyong suot niya kahit pa nasa bahay lang ito nagtatrabaho naka business attire pa din siya.  Never ko pa ito nakikita hindi nakaayos. Everyday she looks very presentable and proper. Now, she's wearing a black blazer, white tshirt and black shorts pero hindi siya naka heels kundi naka slippers ito na may unicorn design. Cute!

Actually, Ako ang nagbigay sa kanya niyan.

Pinagmamasdan ko lang siya habang busy siya sa pagluluto.

' You are straight, Paige '

I'm straight as a ruler! Hindi pa ako nakakajowa ng babae sa buong buhay ko. Hindi din ako attracted sa babae. I haven't seen myself with a woman before.

But when it comes to Andria parang nag-iba na ang usapan.

Napahawak naman ako sa mga labi ko. Nang maalala ko iyong mga halik namin. Bumilis na naman itong tibok ng puso ko.

Napadako naman ang mga  tingin ko sa mahabang legs niya. Napapalunok tuloy ako wala sa oras.

Shocks!

My gahd! Ano ba itong iniisip mo Paige!? Pinagnanasaan mo na ba si Andria ngayon? Isa ka na din bang lesbian?

" It's done!"

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now