Chapter 11

1.2K 48 2
                                    

Nauna ako nagising kesa kay Andria. Tulog na tulog pa din siya hanggang ngayon kaya naisipan ko na lang maligo. Nakakatamad pa naman maligo lalo na sa ganitong kalamig na lugar.

Nakabihis na ako pero siya tulog pa  din. Lumabas ako ng kuwarto namin ng mapansin ko wala pa din sila ante Myrna, hindi pa sila umuuwi hanggang ngayon kaya naisipan ko na magluto.

Magsisimula na kasi iyong klase ko mamaya.

Nang matapos ako magluto kumain na ako. Hindi ko na hinintay pa si Andria para sabay kumain dahil mamaya pa iyon magigising kasi bawal magutom ang buntis dahil dalawa na kami kumakain ngayon.

Bumalik na ako sa kuwarto ko. Tahimik lang ako habang sineset-up ko iyong laptop ko dito sa table ko. May sarili akong table, hindi kami share ni Andria ng mesa. Ang kinaganda non, sa umaga ang klase ko at siya naman sa gabi nagtatrabaho kaya hindi kami nag-aabot kapag may gagawin kami at hindi ko din siya maiistorbo.

One on one kami ng American teacher ko. Hinihintay ko pa ito mag-online. Excited ako sa unang klase ko.

I flinched ng mag-online na ito.

" Good morning, Miss Paige Salvador."  Bati sa akin ng foreign teacher ko. Medyo bata pa ito at gwapo.

" Good morning sir," Magandang ngiting bati ko.

" I'm Finn Logan, your professor."

Naagaw ang pansin ko ng makita ko nagigising si Andria. Nakapikit ang mga mata nito bumangon at nag-iistrecth ng mga braso.

Hanggang sa napansin niya ako. Nakakunot ito tumingin sa akin. Then she realized what I was doing.

Binalik ko na yong attention ko sa laptop.

" What is your expectation on your first day of home schooling?"

" Amh, I can learn a lot more." I answered.


Pumasok ito sa banyo.

Nakikinig lang ako sa Prof ko kahit na straight english parang dudugo na din iyong ilong ko kasi kapag nagsasalita ako ng english need ko pa iyon itatranslate sa utak ko. Need ko na din sanayin iyong sarili ko.

Nagtake down notes ako dito sa tablet. Apat na oras pa naman iyong klase ko ngayon.

Nahagip ng mata ko ang paglabas ni Andria at nakatapis ito ng tuwalya. Katatapos lang nito maligo.

Ewan ko ba hindi matanggal iyong tingin ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng magtanggal siya ng tapis sa katawan. She forgot to lock the door.

Mabilis ako nag-iwas ng tingin na kinakabahan. Hindi kasi ako pwede umalis dito sa klase para ilocked iyong pintoan baka sabihin pa ng prof ko na ma attitude ako pero hindi ko pa din maiiwasan na hindi ito nakawan ng tingin.

I can see her side body towards here.

Napalunok ako She's naked! pero pinipigilan ko pa din iyong sarili.

" Miss Salvador?"

" Yes sir?"

" Do you hear me?"

" Y-yes sir!" Nabubulol pa ako.


Huminga ako ng malalim pilit na kinakalma iyong sarili ko kasi malaki siyang distraction sa akin pero iyong mata ko talaga pilit din bumabalik doon.

Hindi ko na ito nakita.

Nagulat naman ako ng bigla ito lumabas sa wardrobe area na nakabihis na. Agad ko binalik iyong atensyon ko sa klase. Baka ano pang sabihin niya na sinisilipan ko siya habang nagbibihis.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon