Chapter 21

1.3K 52 4
                                    

Nang malaman ko na inatake pala ang ama ko ay hindi na ako mapakali sa sobrang pag-aalala ko. Ang layo-layo ko sa kanila hindi ko sila agad mapupuntahan.

" Paige... Don't overthink too much, your father will be okay." Sabi sa akin ni Andria. " Tatawagan na lang  natin sila ulit."

" Uuwi ako ng Pilipinas," sabi ko. Iyon ang gusto kong gawin.

Medyo nagulat siya sa sinabi ko.

" Paige... he will be okay."

" Hindi mo ko naiintindihan, Andria. Inatake sa puso ang ama ko. Hindi ko kaya ang maghintay na lang dito sa isang balita. Paano na lang kung malala pala ang kalagayan ng ama ko?" Naiiyak na ako.

" Calm down," Pag-aalo niya sa akin.

Hinawakan ko iyong kamay niya.

" Please Andria, wala akong pera para makauwi ng Pilipinas. Gusto ko ng umuwi, pauwiin mona ako. Gusto ko makita ang  ama ko," Humagolgol na ako sa pag-aalala ko. Kung anu-ano na kasi pumapasok sa isip ko na hindi maganda.

Hindi ito umimik.



Buong maghapon ako nagmomokmok sa kwarto. Hinihintay ko iyong tawag ng kapatid ko. Hindi ko na nga naaalagaan si Letitia dahil nawawalan ako ng gana kumilos.

Natigilan lang ako ng pumasok si Andria karga-karga si baby.

" Let's go out," Aya niya sa akin.

" I'm not in the mood to go out,"

" Ipasyal natin si Letitia,"







Nasa Boston Public Garden kami naglalakad lang pinasyal si Letitia. Ewan ko kung ano ang nakain ni Andria hindi naman siya pumapayag na ilabas si Letitia sa madaming tao.

" Gusto mo ba mag coffee tayo?"

I shook my head. Iyon ang bonding time namin ni Andria ang mag coffee pero ngayon wala ako sa mood mag coffee.

" Ang ganda ng panahon ngayon noh, dapat pala mas madalas natin ipasyal si Letitia dito,"

Ako tahimik lang ako at himala siya iyong masalita ngayon.

" Pwede ba na umuwi na tayo?" Paki-usap ko sa kanya.

Nakita ko naman iyong lungkot sa mukha niya at bigla naman tuloy ako nakaramdaman ng guilt.

" Hindi ko kasi magawang mag-enjoy dahil lumilipad iyong utak ko sa Pilipinas," sabi ko kahit naman siguro sino kapag nakatatanggap ka ng hinding magandang balita ay hindi mo maisipan na mamasyal o mag-enjoy.

" Alam ko, kaya nga pinasyal kita dito para maaliw ka pero hindi naman pala nakakatulong,"

Lalo lang nadagdagan iyong guilt ko.

" Dinala kita dito para ma realized mo na kung ano ang iiwan mo kapag umuwi ka ng Pilipinas. A peaceful life here in Boston na wala sa Pilipinas,"

" Andria..."

Bakit ba pakiramdam ko pinapapipili niya ako? Sa pagitan nila at ng pamilya ko.

" You won't leave us, right?"

Iyon na naman ang tanong niya sa akin.

" Andria..." Mahinang sambit ko.

She hold my hand.

" You won't leave us. Letitia needs you! She needs you!" Pagmamakaawa niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Letitia na mahimbing na natutulog sa mamahaling strollers nito.

Napayuko ako dahil naiiyak ako.

" Andria... kailangan ako ng pamilya ko sa Pilipinas." Sagot ko, kailangan ko maging totoo sa kanya.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon