Chapter 20

1.2K 44 1
                                    

Tinulongan ako ni Alexa na ipasok si Andria sa loob ng condo dahil lasing na lasing ito. Hindi na nito kaya ang magmaneho pa.

Maingat namin siya inihiga sa sofa. Hindi ko siya pwede ipasok doon sa kwarto namin dahil baka magising pa si baby.

" Maraming salamat, Alexa ha,"

" No problem, ikaw na ang bahala sa kanya."

I nodded to her.

Hindi ko na siya inihatid pa sa pintoan.

Pinuntahan ko mona si ante Myrna sa kwarto. Pagpasok ko nakita ko mahimbing na sila natutulog.

I miss my baby.

I gently kissed her small head.

" Paige..." Nagising ko si ante.

Alam naman niya na late kami makakauwi buti na lang talaga na andiyan siya dahil ito lang ang pinagkakatiwalaan ni Andria mag-alaga kay baby Letitia.

" Sa living na po kami matutulog. Magpahinga lang po kayo diyan."

Tumango lang ito.

Tahimik ko lang isinarado iyong pintoan.

Binalikan ko si Andria sa sofa. The liquor knocks her down. Inayos ko iyong magulong buhok niya dahil hindi pwede matakpan iyong magandang mukha niya.

Naisipan ko na hubarin iyong white longsleeves nito para kumportable ito sa pagtulog.

Naamoy ko iyong baho ng alak sa kanya habang tinatanggal ko sa pagkakabutones iyong damit nito.

" Hmm..."

Hindi ko na nagawa pang hubarin ang longsleeves niya. Hahayaan ko na lang ito nakabukas.

Napatitig ako sa magandang mukha niya. Nakangiti ako pinapanood siya habang natutulog.

" Hmp!" Nanggigil ako pisilin ang namumulang pisnge niya. Alam ko mahirap na itong gisingin dahil sa sobrang kalasingan kaya kahit anong gawin ko dito ay hindi ito magrereklamo.

May naisip naman akong kalokohan gagawin ko sa kanya.

Kinuha ko iyong make up ko saka ako bumalik para lagyan  ito ng mga kolorete sa mukha.

Natatawa ako ng kinapalan ko iyong pag eyebrow niya sa dalawang kilay niya saka nilagyan ng makapal na lipsticks iyong labi niya.

Dali-dali ko kinuha ang cellphone ko para ma capture ito.

Naku! Kapag makita ito sa social media siguro ito iyong kauna-unahang meme niya.

Kapag malungkot ako pwede ko na ito tingnan at magiging okay  na ako.

" Cute!" Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi.

Hindi na ako makapaghintay na makita niya ang kanyang itchura bukas.





Kinabukasan pinadede ko mona si baby at umuwi na din si ante Myrna hindi na nito na gawa pang makapagpaalam kay Andria dahil mahimbing pa din ang tulog nito sa sofa.

Si Letitia na ata ang pinakamagandang bata nakita ko. Syempre may bias na iyon dahil anak ko ito pero kahit walang bias napakacute na bata ni Letitia iyong gusto ko na lang titigan ito buong mag hapon. Gaya ng mommy niya.

Sabay sulyap ko kay Andria.

Ang sarap-sarap pisilin ng pisnge nito talaga parang marshmallow na nakakagigil.

" Good morning,"

Bati ni Andria sa akin. Gising na pala siya at pinipigilan ko iyong sarili kong tumawa dahil sa itchura niya ngayon   na wala pa din siyang kaalam-alam.

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon