Chapter 6

1.2K 37 0
                                    

Pauwi  na sana ako ng biglang may tumawag sa akin from an unknown caller. Nevertheless, I answer it.

" Hello?"

" It's me, Andria."

Nanlaki ang mga mata ko ng tumawag ito.

" I'm here, outside  your school."

" Huh?" 

Ano na naman kaya ang ginagawa niya ngayon dito?

Dali-dali naman ako lumabas. Buti na lang talaga na di ko kasama ngayon sina Anne at Maya.

Palingon-lingon ako sa labas at doon ko nakita iyong kotse niya na agaw pansin sa mga tao. Lumapit ako doon sa kotse niya nakapark sa gilid ng daan. Hindi siya lumabas pero pinagbuksan niya ako ng pinto habang nasa loob siya. Agad naman ako  sumakay sa kotse nito bago pa may makakilala sa akin.

" Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa akin?"

Bigla ito lumapit sa akin. Napakalapit ng mukha niya kaya ako napapikit. Kinakabahan sa maari niyang gawin.

Napadilat  ako ng marinig ko ang tunog ng  locked ng seatbelt sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Naamoy ko iyong pabango niya na super bango.

Bumalik agad ito sa kinauupuan ng matapos niya ako lagyan ng seatbelt.

" Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

" You'll see," She wears her expensive shades and then she start the car engine.





Dinala niya ako sa isang mamahalin na condominium sa Metro Manila kahit sa panaginip ko hindi ako makakapunta sa ganitong mamahalin na lugar.

Nakasunod ako sa kanya the whole time. Siya lang naman din nakakaalam kung saan kami pupunta.

Sumakay kami kanina sa elevator saka naglakad lang ng konti at pumasok sa isang silid.


Nakatayo lang ako dito sa gitna sa malaking living room nito. Habang siya ay dumiretso siya sa kitchen para kumuha ng wine.

" Do you drink?" 

" No," Tanggi ko.

" Good, avoid alcoholic drinks and caffeine because it's bad for the baby." Paalala niya sa akin, bumalik  siya may dala-dalang baso may laman wine.

" Kaninong condo ito?"

" You are in my condo." Sagot niya.

" Condo niya ito?" Mahinang  sabi nito.

Wow!

Napakaganda ng kanyang condo sobrang lawak pa nito para sa isang condo unit.

Knowing her social status kabilang sa upper class maari niyang bilhin ang buong building na ito.

" Sit,"

Umupo naman ako gaya ng kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito.

Napatayo ako ng makita ko kung sino iyong pumasok. Si Atty. Alexa Montreal. Naistar struck ako ng makita ito. Lagi ko ito nakikita sa balita, lalo na sa mga sikat na kaso hinahawakan nito sa bansa lahat iyon ay pinapanalo niya. Napakagaling niyang abogada.

Anong ginagawa ng isang  Attorney Alexa Montreal  dito? Magkakilala ba sila?

May dala-dala siyang briefcase as if she is to present to a court.

" I'm attorney Alexa Montreal the legal attorney of Miss Henry, nice to meet you Miss Salvador." Pormal na sabi nito.

Nahiya naman ako nakipag kamay sa kanya.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now