KABANATA 1

54 6 0
                                    

Painting

Gumising ako ng maaga para makapaghanda papunta sa mansion ng mga Cerna. Atat akong pumunta doon kahit hapon pa naman talaga dapat ako pupunta.

Sabi kasi ni daddy hapon ako pumunta yung tipong takipsilim para walang makakita sa'kin. Hindi nila ako ka sabay papunta doon at ipapahatid na lang ako sa bodyguard namin mamaya.

Matagal na din ng huli akong napasyal sa mansion ng mga Cerna at ito ay no'ng ako'y bata pa. Atat talaga akong bumisita sa mansion nila dahil madami silang ibat-ibang painting na napakaganda talaga, yung tipong hindi mo pagsasawaan na titigan. Ang husay kasi ng pamilyang iyon sa arts kung kaya't madaming napunta sa mansion nila kapag mayroon painting exhibition.

"Daddy hindi po ba talaga ako pwede sumabay sa inyo?" Tanong ko na nagmamakaawa.

"Sora napagusapan na natin ito uulitin ko pa ba?" Sagot ni daddy na tila iritable.

"Iha don't be sad makakapunta ka naman." Sabat naman ng stepmother ko.

Simula nang pagkamulat ng akin mga mata ang stepmother ko na ang kinalakihan kong ina. Wala akong alam tungkol sa tunay kong ina dahil sa tuwing ako'y nagtatanong kay daddy nagagalit ito sa'kin, kung kaya't para hindi na kami mag-away ni daddy nanahimik na lang ako kahit na gustong-gusto ko malaman tungkol lahat sa'kin tunay na ina.

"But...dad---" Pagmamakaawang sambit ko na kaagad niyang pinutol.

"Sora matigas na ba ang ulo mo?" tanong niya na pagalit.

Hindi na lang ako umimik at nakayuko na lang ang ulo ko sa may dinning table. Kakatapos lang namin mag-breakfast.

"Go to your room now Sora or baka gusto mong hindi kita payagan pumunta sa painting exhibition!" Sigaw ni daddy at nanlilisik na nakatingin sa'kin.

"Felix." Pagmamakaawang sambit ni mommy.

Umagos ang akin mga luha sa'kin pisngi at dali-dali akong tumayo sa'kin kinauupuan at tumakbo para makapunta sa'kin kwarto. Kapag kasi ganitong galit na si daddy pagbubuhatan niya na ako ng kamay. Pa lagi nila iyon pinag-aawayan ni mommy about sa pananakit sa'kin ni daddy ngunit nadadamay lang din si mommy at sinasaktan din siya nito.

Hindi matigil ang akin luha dahil iniisip kong paano kung totohanin ni daddy na hindi ako payagan papunta sa mansion ng mga Cerna, edi hindi ko makikita ang mga painting. Nanlulumo ako naiisip ko pa lang.

Humiga na lamang ako sa malambot kong kama at dinama ito. Kapag mabigat ang akin nararamdaman isa ang akin kama na nagpapagaan sa'kin nararamdaman.

Sana talaga payagan pa rin ako ni daddy kahit na ginalit ko siya kanina. Alam kong mali ako dahil napag-usapan na namin iyon. Sana hindi na ako nangulit pa, kaya kailangan kong humingi ng tawad.

Hindi ko namalayan sa pag-iisip ko tungkol sa mga painting at paghingi ng tawad kay daddy ay nakatulugan ko na pala ito at nagising na lang ako ng takipsilim na. Dali-dali akong bumangon sa'kin kinahihigaan at binuksan ko ang ilaw sa'kin kwarto, sakto naman ng may kumatok sa may pintuan kung kaya't agad akong nagtungo doon para pagbuksan kung sino man iyon.

"Ma'am gumayak ka na po utos ni sir kapag takipsilim na." Bungad na utos ni yaya.

Tumango na lamang ako at hinintay ko itong  tumalikod bago ko isara ang pintuan. Gusto kong tumalon sa tuwa at sumigaw dahil hindi ko akalain na papayagan pa rin ako ni daddy kahit na ginalit ko ito kanina. Mamaya talaga hihingi ako ng tawad sa kanya alam kong mali ako dahil napag-usapan na namin iyon ngunit nangulit pa rin ako kaya mali talaga ako.

Dahil sa atat na nararamdaman dali-dali akong pumunta sa'kin banyo para maligo. Binilisan ko lang ang paliligo kung kaya't agad rin akong lumabas sa banyo. Ang napili kong susuotin ay long dress na kulay black. Plain lang ito at  tiyaka may dala  rin akong scarf na kulay black  para pang takip sa'kin mukha.

Tinititigan ko ang akin sarili  sa may salamin. Sa tuwing makikita ko ang peklat sa'kin mukha naalala ko yung nakaraan na nangyari kung bakit ako may ganito. Napailing na lamang ako sa'kin sarili at lumayo na sa may salamin dahil baka sumama pa ang akin nararamdaman. Lumabas na ako sa kwarto at dali-dali pababa sa may hagdan hanggang sa makarating ako sa may labas. Nakita ko naman na nakahanda na ang gagamitin namin sasakyan at nakatayo doon si Mang George na bodyguard namin.

"Hi po Mang  George." Maligayang bati ko.

Nakita ko ang pagngiti nito sa'kin kung kaya't nakangiti rin ako dito.

"Hi Sora." Maligayang bati niya din.

Matagal ng bodyguard si Mang  George sa'min bata pa lamang ako. Mabait siya pati na rin ang kaniyang anak na si Chescah. Matagal ng byudo si Mang George kung kaya't silang dalawa na lamang ng kaniyang anak ang magkasama sa buhay.

Ngayon ay nasa loob na ako ng sasakyan habang si Mang George ay nagmamaneho.

"Mang George nasaan po pala si Chescah?" Tanong ko dito ng mahinahon.

"Nasa bahay." Sagot naman nito ng mahinahon na akin kinatango. "Malamang sa malamang tulog iyon  Sora dahil pagod sa eskwela." Seryosong dagdag niya pa.

Hindi na lang ako kumibo at tinignan ko na lamang ang bawat dadaanan namin. Hindi din kalaunan ay nakarating na kami sa may mansion ng mga Cerna. Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang malake dahil sa atat na nararamdaman. Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse at agaran akong bumaba.

"Dahan-dahan lang Sora mapano ka pa niyan." Seryosong suway ni Mang George.

"Pasensya na po Mang George atat lang po talaga akong makita ang mga painting at mansion po ng  mga Cerna." Maligayang paliwanag ko naman.

Napakamot na lamang sa ulo si Mang George at napapailing na lang sa'kin, na akin kinangiti na lamang  at nagpaalam na akong papasok sa loob.

Kitang-kita ko ang daming tao sa loob. Kahit nakataklob ang kalahating mukha ko ng scarf. Nakakamangha pa din tignan talaga ang mansion ng mga Cerna. Nakaka-relax tignan ang mga halaman sa labas at matatayog na puno. Hindi din kalaunan ay nakapasok na ako sa may loob at tila mapapasukan ng langaw ang akin bunganga dahil sa pagkakanganga. Ang ganda ng mga painting na nakahanay. Agad akong nagtungo sa mga painting at ino-obserba ang mga ito. Grabe ang ganda talaga. May napansin akong isang painting na hindi ko maunwaan kung ano iyon. Parang scarf ito na kulay white na may halong red na hindi ko alam kung anong pine-present ng painting. Aalis na sana ako at hahayaan na lang sana ang painting ngunit pagkatalikod ko  saktong nabangga ako kung sino na siyang dahilan nang pagkalaglag ng akin scarf sa sahig. Agad kong tinakpan ang akin mukha at dali-dali tumakbo kung saan para walang makakita sa'kin. Hindi na ako sanay nang lumabas ng walang scarf at makita ang akin mukha ng walang takip.

"Miss yung scarf mo." Seryosong sambit nito.

Rinig ko pang tawag sa'kin ng boses lalaki. Hindi ko na lang ito pinansin pa. Sobrang kaba ang akin nararamdaman at parang nang hihina ang akin mga tuhod.

Gusto ko pa sanang maglibot sa mga painting ngunit wala na akong scarf  na tatakip sa'kin mukha. Wala pa naman akong dalang extra scarf.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now