KABANATA 7

7 1 0
                                    

Kaibigan

Tatlong araw ang nakakalipas.

"Ang hirap naman nito." Reklamo ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Austin. Lumapit ito sa'kin at umupo sa may tabi ko habang nakarahap kami parehas sa may piano.

"Kailangan mong damhin ang tunog ng piano para maganda ang kalabasan nito." Sambit niya.

Tinititigan ko lamang ang mabilis niyang daliri sa pagtipa sa may piano tiles at pinapakinggan ko ang napakagandang tunog na kaniyang tinutugtog. Papikit na sana ako nang bigla kong maramdaman ang kaniyang kamay na dumapo sa kamay ko at hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng hiya at kaba. Inalalayan niya ang aking kamay sa pagtipa sa may piano tiles na siyang dahilan nang mabilis na pagtibok ng akin puso.

"Pakinggan mo at damhin." Aniya.

May sinasabi pa siya ngunit ako'y tila walang marinig, basta ang tanging naririnig ko lamang ang malakas na pagkabog ng akin dibdib.

"T-tama na." Nautal kong sambit.

"Bakit?" Sagot na tanong niya.

"G-gutom na ako." Rason ko.

Mabuti na lang at tumayo na siya sa tabi ko. Para akong aatakihin sa nararamdaman ko kanina. Hinipo ko ang akin mukha na mainit. Ngayon ko lamang naramdaman ang ang bagay na ito.

Phone ringing..............................

Agad kong kinuha sa loob ng akin bag ang cellphone ko nang marinig kong tumunog ito. At nakita ko ang pangalan ni Kia.

"Hello Kia?" Sagot na tanong ko sa kabilang linya.

"Tapos na ba klase mo? May lakad tayo. Deserved mo ang gumala." Sagot niya sa kabilang linya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Basta. Tapos na ba?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Patapos na." Sagot ko.

"Okay sige. Hintayin na lang kita papunta na kami diyan." Sagot niya.

"Kayo?" Takhang tanong ko.

"Ay oo kasama friends ko na friend mo na din." Sagot niya.

Napatango na lamang ako sa'kin sarili. At tiyaka nag paalam na ako na ibaba ko na ang tawag.

Ang lake ng pasasalamat ko kay Kia sa totoo lang dahil yung mga hindi ko pa nararanasan ay pinaparanas niya sa'kin. Tulad na lamang na magkaroon ng kaibigan, kahit kailan hindi ko iyon naranasan simula bata pa lamang ako dahil nilalayuan ako ng karamihan. Kung kaya't hindi rin din ako napasok sa school dahil ako'y tinutukso. At ngayon dahil sa plano ay nagkaroon pa ako ng kaibigan ito ay si Austin. Natuto rin ako ngayon  makisalamuha sa ibang tao.

Natapos rin din kami sa pag-pa-practice ng piano kung kaya't ngayon ay nasa labas na ako ng building para hintayin si Kia. May biglaan kasi siyang aasikasuhin kung kaya't natagalan siya.

"Bukas ulit Sora." Aniya ni Austin.

Tumango ako dito at ngumiti. Nagpaalam na ito sa'kin at tiyaka sumakay na sa kaniyang motor hanggang sa pinaandar niya at tuluyan na itong umalis. Hindi sila masyadong magkasama ni Lid. Dahil gusto ni Lid mapag-isa. Hindi ko alam kung bakit basta parang may  away sa pagitan sa kanilang dalawa.

Hindi din kalaunan ay dumating na si Kia kasama ang lima niyang kaibigan.

"Oh, her?" Aniya ng isa niyang kaibigan.

"Yes Stacey. By the way guys, her name is Sora." Pakilala ni Kia.

Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sarili ko dahil para bang nandidiri sila sa'kin. Marahil sa peklat ng akin mukha?

"Guys." Aniya ni Kia.

Nakita kong nilapitan ni Kia ang kaniyang mga kaibigan at dumistansya sa'kin. Kinausap niya ito nang masinsinan hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan. Nakaramdam naman ako ng  hiya para sa'kin sarili.

"Oh, hi Sora I'm Stacey."

"Hi Sora I'm Veronica."

"Hi Sora I'm Katy."

"Hello dear I'm Pathy."

"Yow I'm Catherine."

Bati nila sa'kin. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila at nakipag beso. Kahit hindi nila sabihin ang totoo alam kong napipilitan lang sila para kay Kia.

Niyakag na kami ni Kia sa loob ng kotse niya. Nasa may bandang likod ako at katabi ko si Kia.  Nagmaneho na ang kaniyang driver. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid na dinadaanan namin. Ang mga kaibigan niya naman at si Kia ay abala sa kanilang cellphone. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa tumigil sa pag drive ang driver ni Kia.

"We're here." Aniya ni Stacey.

Isa isa kaming bumaba sa may kotse. Iginala ko naman ang paningin ko sa paligid. Nandito kami sa may salon, nabasa ko kasi ang pangalan. Beauty Salon.

Hinawakan ni Kia ang kamay ko habang kami'y papasok sa loob ng salon.

"Good afternoon girls." Aniya ng babae.

May edad na ito pero ang fresh niya pa din tignan. Ang kapal ng make up niya na bumagay naman sa mukha niya at ang ganda ng kaniyang katawan na akala mo'y dalaga.

Bumati din ang mga kasama ko sa may matandang babae, at kahit nahihiya bumati rin ako. Mukhang close na close sila sa babae.

Pinaupo kami ng babae at tiyaka tinawag niya ang kaniyang mga assistant. Ayoko pa sana patanggal ang scarf ko ngunit huli na ang lahat dahil tinanggal ito ng babae. Nagulat siya, ngunit kalaunan ay nabawi ang pagkagulat tiyaka sinuklayan ang buhok ko, hanggang sa maya-maya ay may nilagay siya na kung ano. Nakita ko din mismo sa may salamin na ganoon din ginagawa sa mga kasama ko sa kanilang buhok. Nag uusap usap sila at ako rin ay tinatanong nila kung saan restaurant kami kakain pagkatapos daw kasi namin mag palinis ng kuko at mag pa treatment ng buhok ay kakain. Ako naman ay kahit ano, kahit saan walang problema.

Hindi din nag tagal ay nakalabas na kami sa may salon. Hindi ko na nasuot ang scarf ko ayaw pasuot ni Kia, ayos lang daw iyon at ganoon din mga kaibigan niya. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil sa mga oras na ito parang malaya ako. Nahihiya talaga ako sa'kin peklat sa mukha kung kaya't hindi ko tinatanggal ang scarf ko no'n pa man, dahil iniisip ko kaagad ang sasabihin ng ibang tao.

Nag punta kami sa may restaurant na hindi din kalayuan sa may salon. Kumain kami at nag kwentuhan. Hindi ko maipagkakaila na gumaan ang loob ko sa kanila. Mababait pala sila. Pagkatapos namin kumain ay nag tungo kami sa may bar. Pinainom lang sa'kin ni Kia ay juice baka daw mayare siya sa Kuya Liam niya. Hinatid din naman ako ni Kia sa bahay at humingi ng pasensya kala mommy at daddy dahil gabi na kami nang makauwi. Sobrang saya ang akin nararamdaman na may kasamang pagod. Ito pala ang pakiramdam ng may kaibigan.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now