KABANATA 16

3 1 0
                                    

Bago

Limang taon ang nakalipas.....................

Napabuntong hininga ako nang malalim habang nakaharap sa'kin bintana. Sa limang taon na lumipas ay madaming nangyari. Umalis ako sa bayan ng Laguna, na ngayon ay nasa probinsyang Bicol na ako. Nakapag tapos ako ng pag aaral at ang kursong tinapos ko ay teacher. 

"Hi po Teacher Sora." Aniya ng estudyante ko.

Ngumiti ako dito. "Hello Coby." Tugon ko.

May inabot siyang bondpaper na may drawing. Kinuha ko naman ito sa kamay niya at nagulat ako sa nakita. Babaeng may peklat na nakasuot ng uniform ng pang teacher at may scarf na kulay puti. Mukhang ako ito.

"S-salamat." Aniya ko habang nakangiti.

Ngumiti ito sa'kin ng malake. Nilapitan ko ito at niyakap. Ang swerte ko din talaga sa mga estudyante ko dahil kahit bata pa sila ay naiintindihan nila ang peklat ko sa'kin mukha. Hindi ko man lang naranasan sa kanila ang pang tutukso.

Lumipas ang mag hapon na nag turo ako. Ngayon ay tapos na ang klase ko. Bali elementary ang tinuturuan ko. Masaya akong nag tuturo sa mga bata dahil pure pa ang mga puso nila na sana'y hindi mag bago. Simula sa nangyari sa nakaraan ko ay hirap na talaga akong mag tiwala sa iba, kung kaya't no'ng nag aaral ako ng college ay mag isa lang ako pa lagi, at wala rin akong kinakausap na kapit bahay ko man. Hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit ganoon ako, dahil mas mainam iyon para hindi ko makilala ang tunay na anyo nila.

Pagod akong umuwi sa bahay. Tulad nang nakasanayan mag isa lang ako sa'kin bahay. Nakakatuwa lang dahil sa limang taon na lumipas ay nakapundar ako ng sarili kong bahay at nakapag tapos ako ng pag aaral.

Nag half bath na muna ako at tiyaka nang matapos ay humiga na ako sa'kin higaan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako ng umaga na. Tulad nang nakasakayan. Mag aasikaso ako para pumasok sa school.

"Kaya may meeting tayo ngayon para ipaalam sa inyo na may malakeng donation para sa school natin at ipapakilala ko kung sino." Aniya ng principal.

Ngayon ay nasa may faculty room kami dahil pinatawag kami ng principal para sa meeting.

Magandang balita. Kung malake ang donation mas mapapadali ang renovation sa school. Sa katunayan niyan ay pangit na talaga karamihan ang ibang room sa katagalan ng school at kulang-kulang sa gamit.

Magsasalita pa sana ang principal namin nang may tumawag sa cellphone niya. "Excuse me." Aniya ng principal.

Habang abala sa pakikipagusap ang principal sa kung sino man ang kausap niya ay abala rin ang mga kapwa ko guro sa pakikipag usap. Samantalang ako ay abala sa pag tingin ng lesson plan habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila.

"Grabe Ma'am Christine balita ko ang gwapo no'ng nag donate tiyaka engineer ito." Rinig kong saad na tila kinikilig ng isang guro.

"Ayan din ang balita ko Ma'am Sofi. Jusko kaya pala ang lake ng donate." Tugon naman ni Ma'am Christine.

Madami pa akong naririnig na mga kapwa guro ko na ang pinag uusapan ay yung nag bigay ng donation dito sa may school. Ako naman ay walang pake.

Agad naman din bumalik ang principal namin at malungkot itong tumingin sa'min. Nabanggit niya kasing hindi daw makakapunta yung lalaking nag donate ng school dahil busy ito, pero susubukan daw nun bukas pumunta dito sa may school. Napapairap nga ako. Kung tunay talagang tulong iyon, kahit hindi na siya magpakilala pa.

Bumalik din naman kami sa kaniya-kaniya namin room para mag turo.

"Ikaw anong pangarap mo Jared?" Tanong ko sa estudyante ko.

"Gusto ko po maging mangingisda." Sagot nito na siyang pinagtawanan ng kaniyang mga kaklase.

Sa tanan ng buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig ng pangarap na ganiyan. Alam kong may rason itong batang ito kaya gusto niya paglake ay maging isang mangingisda.

"Quite class." Utos ko.

Tumahik din naman ang mga estudyante ko at may iilan ilan pa akong nakikitang nakangisi at ang iba naman ay pigil sa pag tawa.

"Bakit gusto mo maging mangingisda Jared?" Tanong ko.

Ngumiti ito sa'kin at tila ba wala sa kaniya iyong pinagtawanan siya kanina ng mga kaklase niya.

"Kasi po ang mangingisda ay responsable, tulad po ni papa. Napabangon siya sa umaga para mangisda kasi responsable niya po iyon bilang trabaho niya." Nakangiting saad nito.

Humanga naman ako sa sagot ng bata. Hindi ko man lang maisip na may ganitong mag isip na bata.

"Palakpakan natin si Jared. Very good." Puri ko.

Muli ay bigla kong naalala si daddy, kung kaya't nakaramdam ako ng lungkot. Hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang hustisya dahil sa takot na nararamdaman ko. Hanggang kailan ko ba matatakasan ang takot ko?

Hindi din kalaunan ay natapos na ang klase sa umaga at ngayon naman ay lunch break na. Dito ako kumakain sa mismong room ko. Hindi na ako nalabas pa, dahil may baon naman akong pagkain.

"Ma'am Leil pinapatawag po kayo sa faculty room." Aniya ng estudyante.

Tumango naman ako dito. Tumalikod naman ito sa'kin. Tinapos ko ng mabilis ang akin kinakain at nang matapos ay pumunta rin ako sa may faculty room.

Nang makarating ako sa may faculty room agad kumalabog ang akin dibdib at para bang ako'y nababalisa, dahil nakita ko si Lid na prenteng nakaupo katabi ng principal namin. Sumulyap naman ito sa'kin at blangko lamang ang kaniyang reaksyon na pinapakita sa'kin. Sa limang taon na lumipas inaamin kong mas gwapo siya ngayon dahil nag matured ito, at lalo na ang kaniyang katawan. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang white t-shirt——teka ano bang ginagawa niya dito?

"Ms. Valencia maupo ka na po." Utos ng principal.

Kahit na narinig ko ang principal ay hindi ako sumunod. Para bang nasemento ang paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatingin pa din kay Lid na hanggang ngayon ay  nakatitig pa din sa'kin.

Huwag niyang sabihin na siya ang nag donate? At kung oo bakit?

Habang nag sasalita ang principal namin dahil sa meeting ako naman ay nakakaramdam ng kaba na hindi ko alam kung bakit. Para bang may bumalik sa loob kong kiliti na hindi ko maunawaan. Hindi din kalaunan ay natapos din ang meeting. Agad akong tumayo para makaalis sa faculty room.

"Sora." Marahang tawag ni Lid.

Para bang may kung ano akong naramdaman sa loob-loob ko dahil muli ay narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Sa kinatagal tagal ng panahon.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Ang pogi niya talaga. Hindi na ako nakatingin ng ayos sa kaniya kung kaya't tinuon ko na lang ang tingin ko sa baba.

"Mag usap tayo." Utos niya.

Hindi pwede. Sa isip-isip ko. Imbes iyan ang akin sabihin ay hindi ako kumibo. Kailangan kong labanan ang gwapo niyang mukha. Kailangan mag sungit ako sa kaniya, tutal naman hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan ang pang ta-traydor niya sa'kin, pero sa kabila nun aminado akong may ginawa din akong mali sa kaniya.

"Ayoko." Sagot ko.

Parang may dumaan na lungkot akong nakita sa kaniyang mata 'o nag kakamali lamang ako.

"Please." Marahang saad niya.

Tila nahahabag naman ako sa kaniyang itsura, no Sora Leil Valencia, huwag kang maawa.

"Wala tayong dapat pag usapan at kung mayroon wala akong pake." Pag tataray kong sambit.

"Nag bago ka na talaga." Malungkot niyang sambit.

Nag buntong hininga naman ako sa kaniya.

"Limang taon ang lumipas. Hindi na ako yung Sora na nakilala mo no'n." Matabang kong saad.

Agad ko siyang tinalikuran ng walang pasabi. Lid. Hindi na ako yung Sora na kaibigan mo no'n. Madaming nag bago sa'kin dahil ako'y binago.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now