KABANATA 17

7 1 0
                                    

Huwag kang matakot

Ilang araw na ang nakakalipas pero buhay pa din sa isipan ko ang tagpuan namin dalawa ni Lid.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Parang sa loob-loob ko ay namiss ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Tiyaka bakit nandito siya sa probinsya ng Bicol? Thankful ako na may nag donate sa school, ngunit sa dinami daming mag do-donate bakit siya pa? Ito ba ay nag kataon lang 'o sinadya.

Abala ako sa pag gawa ng lesson plan ko sa loob ng room. Bali lunch break na. Tapos na akong kumain. Hinihintay ko na lang mag bell para mag simula na ang klase.

Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko sa may lapag kung kaya't kinuha ko ito, sakto naman na sumulyap ako sa may bintana. Nanlaki naman ang mata ko at parang kabayong nag hahabulan ang pag pintig ng puso ko nang makita ko si Lid na nasa labas at nakatingin sa'kin.

Ha? Anong ginagawa niya na naman dito sa school.

Agad kong ipinatong ang ballpen sa may lamesa at dali-dali akong pumunta sa may bintana at sinara ito. Mag titiis na lang ako sa init kaysa naman parang nababalisa ang puso ko sa tuwing makikita ko siya.

"Palakpakan natin si Biana class." Aniya ko.

Habang nag papalakpakan ay napasulyap ako sa may bintana na bukas na. Start na kasi ng klase at kung hahayaan kong nakasara, maiinitan ang mga bata at madilim din. Wala pa kasing electric fan. Bali hindi pa bayad ang ibang parents para sa ambagan na bumili ng electric fan. Kaya ngayon umaasa na lang kami sa hangin. Mabuti na lang at wala na siya.

Natapos din ang klase ko sa mag hapon kung kaya't ngayon ay uwian na. Abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko sa lamesa. Hindi din kalaunan ay natapos na ako sa pag aayos.

Palabas na sana ako sa may pintuan ng room nang makita ko ang sampung lalaki na buhat-buhat ang nakakahon na sampung electric fan. Bali kaniya-kaniya sila ng bitbit. Nag tatakha akong tumingin sa sampung lalaki.

"Kanino po iyan?" Tanong ko.

"Sa masungit daw pong teacher." Tugon no'ng pinakamatangkad sa kanila.

Napangiwi naman ako sa narinig.

"Kanino galing?" Tanong ko.

"Doon po kay Engineer." Tugon muli no'ng pinakamatangkad sa kanila.

Nanlaki naman ang akin mata at napakagat ako ng labi. Panigurado at sigurado akong si Lid ang tinutukoy niyang engr.

Agad akong lumabas ng room para hanapin si Lid. Hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap dahil nakita ko itong prenteng nakaupo isa sa mga upuan ng school sa may labas. Nakangising sumulyap ito sa'kin at para bang alam niya na ang pakay ko.

"Bakit mo ako binilihan ng sampung electric fan?" Galit kong tanong.

Sumeryoso naman ang mukha nito ngunit kalaunan ay ngumisi muli. Para namang may kiliti akong naramdaman sa loob-loob ko. Sa ilang taon na lumipas ay aminado talaga akong namiss ang ngisi niya-buong siya.

"Nakita kasi kitang naiinitan." Tugon niya ng marahan.

Tila nalaglagan ako ng panga sa sagot niya. Seryoso ba siya 'o laro-laro lang ito sa kaniya?

Tiyaka paano niya ako nakita, hindi ko naman siya nakita sa labas ng bintana na nakatingin sa loob ng room.

"Tigilan mo nga ako." Iritable kong saad.

"Bakit ako titigil?" Nakangising tanong niya.

Napairap naman ako sa kaniya at nauubusan na ako ng pasensya. Imbes patulan ko siya sa kasutilan niya ay tinalikuran ko siya. Kung iyan ang trip mo ikaw ang bahala. Sa isip-isip ko pa.

Dumaan ang ilang linggo na pangungulit ni Lid. Naiirita na ako ngunit wala naman akong magawa. Ang kulit-kulit niya talaga. Hindi ko siya mapigilan at kung pagsasbaihan ko man siya ay hindi ako manalo nalo.

Napapairap akong tumingin sa may lamesa kong madaming pag kain. Ang nangyari doon sa sampung electric fan ay ibinigay ko na lang sa ibang room. Tuwang tuwa nga ang principal namin. Sinabihan ko din si Lid na kung ipagpipilitan niyang sampung electric fan ang nasa'kin ay mapapagalitan ako ng principal, ngunit ang sabi niya ay siya na daw bahalang mag bayad ng bill sa kuryente. Nahihibang na talaga.

Mabuti na lang at sabado ngayon. Walang mangungulit sa'kin. Ngayon ay nasa may palengke ako para mamili ng pagkain. Ubos na kasi ang stocks kong pagkain sa bahay. Ayoko naman yung pabalik balik ako sa tindahan, mas gusto ko iyong isang bagsakan lang hindi pa nakakaubos ng oras.

Hila-hila ko ang cart ko at papunta na dapat ako sa may counter para mag bayad pero ako'y napatalikod sa kaba. Parang si Liam ang nakita kong lalaking kinakausap iyong cashier. Nababalisa akong sumilip muli sa may counter at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na ito.

Ilang oras akong nag aba abalahan sa pagtingin habang mahigpit kong hinahawakan ang scarf ko. Naisip ko kasing mag tagal sa store para sigurado akong wala na si Liam sa labas ng store. Wala akong idea kung anong ginagawa nun dito, pero kutob kong ako ang dahilan.

Nang maramdaman kong ligtas ako ay agad akong pumunta sa labas ng store. Hindi ko na binayaran ang pinamili kong pagkain, iniwan ko na lang ito sa takot na baka mag kita kami ni Liam. Ayokong mag kita kaming dalawa 'o kahit na sino pang miyembro ng pamilya nila na nakakakilala sa'kin. Naisip ko kasi kung mapapatay nila ako, hindi ko makakamit ang hustisya nang pagkamatay ng magulang ko, kung sakali man na makuha ko ito.

Takot at nangangamba ako habang nasa bahay na ako. Hindi ako mapakali. Gumugulo na din ang isipin ko. Bakit sila nandito? No'ng una si Lid ngayon naman si Liam. Nagpakalayo layo na ako hindi ba ito ay nagkataon lang 'o sadya talaga?

Umalis ako sa Laguna para maiwasan sila. Pero ngayon nandito sila at mukhang delikado na naman ang buhay ko, tatakas ba muli ako? Pero paano ang nasimulan ko? Nababalisang sa isip-isip ko pa.

Hindi ako makatulog sa pag iisip ko kay Liam. Alam kong sa oras na makita niya ako ay papatayin niya din ako.

Kinabukasan. Sa magdamag na lumipas ay napagdesisyunan kong umalis ng Bicol. Kung kaya't ngayon ay paalis na ako sa bahay.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lid.

Hindi ko siya napansin na nasa harap pala siya ng bahay ko. Hindi na Ako mag tatakha na inaalam niya talaga ang lahat sa'kin, pero bakit gaanon hindi ko maramdaman ang takot. Feeling ko ligtas ako kapag kay Lid.

"Wala ka na doon." Malamig kong tugon.

"Tatakas ka na naman at mag tatago?" Diretsyahang tanong niya.

Hindi ako makakibo. Totoo naman talaga ang sinasabi niya. Seryoso itong nakatingin sa'kin.

"Alam ko kung bakit ka nag tatago, dahil kay Liam." Madiin niyang saad.

Mukhang alam na alam niya talaga ang lahat.

"Natatakot ka na baka makita ni Liam dahil baka patayin ka." Seryoso niyang saad.

Hindi ako makakibo at tanging pag lunok ng laway ko na lang ang nagagawa ko. Gusto kong maiyak dahil akala ko ay nag iisa lang akong iniisip ang bagay na iyan.

"Gusto kitang makausap para sabihin sa'yo kung nasaan ang magulang mo." Sambit niya ng marahan.

Kumalabog naman ang akin dibdib sa kaba dahil sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? Buhay pa sila mommy at daddy?

"A-anong ibig mong sabihin?" Nanginginig kong tanong.

"Nasa akin sila Tita Adriana at Tito Felix." Seryoso niyang tugon. Hindi ko na napigilan ang luha ko na bumagsak sa mga pisngi ko."Ilang taon kitang hinanap Sora Leil Valencia." May diin dagdag niya.

Tila nang hihina ang mga tuhod ko at pakiramdam kong babagsak na sana ako ngunit sinalo niya din kaagad ako.

Totoo ba ang sinasabi niya. At kung totoo ibig sabihin sinungaling sila Aling Perla? Sino ba ang dapat kong panigan sa dalawa, dahil hindi ko malaman sino ba talaga ang tunay. Parehas silang tao, kahit ako kaya kong mag panggap, tulad no'n.

"Huwag kang matakot Sora nandito ako." Sigurado niyang saad.

Sa isip ko ayaw siyang pagkatiwalaan pero sa puso ko ay gusto siyang panigan. Hindi ko maramdaman ang takot sa mga yakap niya.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon