KABANATA 11

5 2 0
                                    

Saktan

"Anak, Sora  ano ba talagang nangyayari sa iyo? No'ng isang araw ka pa hindi nalabas ng kwarto." Rinig kong sambit ni mommy.

Nasa loob ako ng kwarto habang si mommy naman ay nasa may pintuan. Tama siya no'ng isang araw pa ako hindi nalabas ng kwarto. Ang bigat kasi ng nararamdaman ko, hanggang ngayon ay dinadamdam ko ang nangyari sa'min ni Kia, feeling ko trinaydor nila akong lahat. Simula no'ng nangyari iyon ay wala na ako sa kanilang balita kahit kay Austin at Lid. Galit ang nararamdaman ko para sa kanila, parang pinag laruan nila ako. Tama nga, mas mabuti na lang mag isa kaysa mayroon kaibigan. Bakit ko pa kasi hinahangad magkaroon ng kaibigan, wala naman tatanggap sa'kin ng buo.

Mabuti na lang din at wala si daddy sa bahay, bumiyahe ito sa Cebu no'ng isang araw.

FLASH BACK

"Kailangan maging malapit kayo ni Liam sa isat isa, Sora, tulungan mo ako." Marahang sambit ni daddy.

Tulala lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Pamilya lang nila ang makakatulong sa'tin, kaya nag mamakaawa ako sayo anak." Dagdag na sambit pa nito.

Sa muling pag kakataon na marinig ko muli na tawagin niya akong anak. Napatango na lamang ako ng hindi ko namamalayan. Ngumiti ito sa'kin at niyakap akong mahigpit.

"Babalik ako." Nakangiting sambit nito.

Nag paalam din siya kay mommy at tiyaka sumakay na ito sa sasakyan na siyang mag hahatid sa may airport.

Maganda ang pakikitungo niya ngayon, hindi ko naramamdaman yung ugali niya no'n na kulang na lang ay patayin kami ni mommy.

END OF FLASH BACK

Bumangon ako sa'kin higaan kahit na parang nang hihina ang akin tuhod. Ito na siguro ang tamang araw para harapin ko si mommy at ano man ang kaniyang katanungan ay sasagutin ko ng buong lakas.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko agad ang mukha ni mommy na nag aalala. Agad akong niyakap nito. Dinama ko ang kaniyang yakap na siyang dahilan nang pagpikit ng mata ko. Bumitaw din siya sa yakap at inaya ako sa loob ng kwarto ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo talaga Sora, anak?" Nag aalalang tanong nito.

Ngayon ay parehas na kaming nakaupo sa may higaan ko.

Napabuntong hininga na muna ako bago ko siya sinagot. Kailangan kong maging malakas. Hindi pwedeng idamay ko sa nararamdaman ko si mommy na totoong may pake sa'kin.

"Hangad ko lang naman ay magkaroon ng kaibigan, sobra po  ba iyon mommy." Tugon ko.

Narinig ko naman ang buntong hininga ni mommy. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatingin ako sa may sahig.

"Kung ano man iyan anak, alam kong makakaya mo. Hindi ko na dapat tanungin iyan alam kong sasama lang loob mo." Rinig kong tugon niya.

Sinulyapan ko siya at hilaw akong ngumiti dito. Nag aalala pa din itong nakatingin sa'kin. Muli ay niyakap niya na naman ako at yumakap naman ako pabalik.

Nag usap pa kami ni mommy tungkol no'ng bata pa ako. Mga alaalang masasaya, marahil ay gusto niyang pagaanin ang loob ko. Hindi din kalaunan ay nag paalam din siya. May pinapatapos pa daw kasi sa kaniya si daddy.

Ngayon ay naliligo ako at binababad ko ang aking sarili sa may tubig. Isa din kasi ito sa dahilan na nag papakalma ng isipan ko. Ilang oras na ang lumipas bago ako natapos sa paliligo.

Mag sisimula muli ako at babalik sa dati kong pamumuhay mga panahon na hindi ko pa sila nakikilala. Marahil ay hindi mabubura sa isipan ko ang alala nila ngunit pipilitin kong baunin sa limot.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz