KABANATA 19

6 2 0
                                    

Nakilala ko

Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nandito pa din kami sa mansion ni  Lid. Mas mainam daw kasi na nandito kami dahil baka patayin pa kami nila Liam. Bali dito na din ako nauwi galing school. Malayo man ang biyahe pero ayos lang naman. Hatid sundo din ako ni Lid. Sinabihan ko nga siya na baka nakakaabala na ako sa kaniya at ayos lang naman na mag commute na lang ako, ngunit itong si Lid ay makulit talaga, kaya ayon pumayag na lang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa din okay si daddy pero sabi ng doctor mahabang gamutan pa talaga bago gumaling si daddy dahil na stroke ito. Si mommy naman ang taga bantay palagi at nag aalaga kay daddy. Madami nga na body guard ang nag kalat sa mansion para daw safe. Swerte talaga ako kay Lid dahil nakilala ko siya.

Ngayon ay nasa may school ako at nag che-check ng notebook ng mga bata. Recess time ngayon. Napapangiti nga ako sa'kin sarili dahil ang alaga ni Lid. Hindi ba naman ako hinahayaan magutom. Ang daming pagkain na nakalagay sa mesa ko. Binigyan ko nga yung mga bata.

Nag simula na ang klase at mabuti na lang din na natapos ako sa pag checheck. Hindi din kalaunan ay natapos na ako pagtuturo. Bali lunch break na.

"Mukhang nawiwili na si engr.  sa pag punta dito." Puna ni Ma'am Macaraeg.

"Correct ka diyan Ma'am Macaraeg." Sabat naman ni Ma'am Jimenez.

Nandito ako ngayon sa may canteen para kumain. Hindi kasi ako nakapagdala ng pagkain. Puro pang himagas naman ang binigay sa'kin ni Lid.

"Hindi mo ako hinintay." Reklamong saad ni Lid.

Ngayon ay nasa may lamesa ko siya habang nakaupo. Nakasimangot ang mukha nito. Ako naman ay nag tatakhang nakatingin sa kaniya.

"Bakit kita hihintayin?" Nag tatakhang tanong ko.

"Syempre para sabay tayo kumain." Nag rereklamong tugon niya.

Napairap naman ako sa kaniya at hindi ko na napigilan ang aking ngisi. Para siyang batang nag mamaktol dahil inagawan ng lollipop.

"Pwede ka naman bumili na lang doon at tiyaka hindi pa ako tapos kumain." Suhestiyon ko.

Nakita ko naman ang pagnguso nito.

"Sige. Hintayin mo ako bibili lang ako pagkain." Paalam niya.

Pagkatalikod niya ay napangiti ako sa'kin sarili. Hanggang ngayon talaga hindi siya nag bago.

"Huwag mong sabihin na nililigawan siya ni engr. " Rinig kong saad ni Ma'am Macaraeg.

Sinulyapan ko naman sila. Napatigil sila sa pag uusap. Inirapan ako ng dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin hindi ko naman sila inaano, at wala akong ginagawang masama.

"Nakita ko na kaya ang mukha niyan may peklat, kaya pala pa laging naka scarf." Rinig ko saad ni Ma'm Jimenez at sabay silang tumawa.

Napairap naman ako sa kanila. Sa ilang taon na lumipas talagang tinatanong ko araw-araw bakit ganito ang nangyari sa mukha ko.  Takot din akong umibig talaga dahil baka hindi matanggap ang pagkatao ko. Pero ngayon dahil sa mga batang tinuturuan ko hindi ko naranasan sa kanila na iba ako. Akala ko huling pang lalait na sa'kin no'ng kala Kia at sa kaibigan niya, hanggang ngayon pala may lalait pa  din sa'kin.

"Kain na tayo." Nakangiting anyaya ni Lid.

Nawalan naman ako ng gana. Tumayo ako na siyang nakapagpakunot ng kaniyang noo.

"Busog na pala ako." Malamig kong saad.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumalikod na ako habang nag lalakad. Narinig ko pa ang pag tawa ng dalawa kong kapwa guro. Hindi ko akalain na kung sino pa ang matanda iyon pa ang hindi makakaunawa sa sitwasyon ko.

Pinigilan ko ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa narinig habang nag tuturo ako sa mag hapon. Ayokong madamay ang mga estudyante ko sa galit ko, kailangan maging professional pa din.

"Sora  ano bang problema?" Marahang tanong ni Lid.

Ngayon ay nasa labas kami ng mansion. Sinundan niya ako. Gusto ko sana magpag isa at mag pahangin sa labas.

"Wala naman." Seryoso kong tugon.

"Hindi mo pa din ba ako pinagkakatiwalaan?" Tanong niya.

Napatingin naman ako sa kaniya. Kahit na takipsilim ay kitang kita ko ang seryoso niyang mukha. Kahit ano talaga ang maging reaksyon niya nanalaytay pa din ang gwapo niyang mukha. Nakakalambot ng puso sa tuwing titigan ko siya at hindi ko maipagkakaila iyon.

"Sora pa lagi mong tatandaan na hindi basihan ang mukha para lang tratuhin ka ng tama." May diin na sambit niya.

Tila kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ako nakakibo. Tumalikod ito at nag lakad, hanggang sa pumasok na siya sa loob ng mansion.

Nakakabasa ba siya ng isip? Bakit alam niya ang problema ko.

Hanggang sa makabalik ako sa'kin kwarto ay hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Lid. Para bang tinanim sa isip ko ang sinabi niya, kung kaya't hinding hindi ko malilimutan.

Kinabukasan. Ngayon ay nasa may school na ako at abala akong nag wawalis sa may room nang napatingin ako sa may pintuan dahil nakita kong may nakatayo dahil sa anino. Nakita ko naman si Ma'am Macaraeg at Ma'am Jimenez na nakatayo sa may pintuan habang nakapamaywang.

"Nililigawan ka ba ni Engr. Cerna?" Pambibintang na tanong ni Ma'am Macaraeg.

Inayos ko na muna ang walis sa may gilid bago ko sila hinarap.

"Hindi." Seryosong tugon ko.

Oo mabait si Lid sa'kin at sa pamilya ko pero hindi ko naisip na kaya niya akong ligawan. Ako yung babaeng alam kong hindi niya magugustuhan. Kaibigan lang ang turing niya sa'kin panigurado. At kahit na mag kagusto pa ako sa kaniya.

"Huwag ka na nga mag maang maangan pa." Pag tataray na saad ni Ma'am Macaraeg.

"Oo nga huwag na. Kita naman namin kung paano ka niya i-treat." Sabat naman ni Ma'am Jimenez.

Napairap naman ako sa dalawa. Totoo naman talaga ang sinasabi ko at iyong treat na sinasabi nila ay dahil kaibigan ko siya. Ganoon naman talaga ang kaibigan kapag kailangan ng tulong, tutulungan.

"Ang panget mo at mukha kang halimaw, ginayuma mo iyon panigurado." Iritableng saad ni Ma'am Macaraeg.

Nahihibang na ata talaga itong si Ma'am Macaraeg.

"Pwede ba tantanan ninyo ako." Iritable kong saad.

Tinawanan ako ng dalawa na tila nang iinsulto. Lalapitan na sana ako ng dalawa ngunit nakita ko ang pag sulpot ni Lid sa likuran nila.

"Tigilan ninyo ang girlfriend ko." Malamig na sambit nito.

Napanganga naman ang dalawa at para bang nahiya sa sarili kung kaya't tumalikod na ang mga ito at kumaripas ng takbo palabas.

Ano? Nahihibang ba ako? Anong girlfriend ang narinig ko.

"Hindi basihan ang mukha para mahalin ka ng isang tao Sora. Pa lagi mong tatandaan na kung mahal ka, mananatiling mahal ka." Madiin niyang saad.

Mag sasalita pa sana ako pero tinalikuran na ako nito. Tila lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Tama naman siya.

Dahil kay Lid nakilala ko ang tunay na ako. Hindi dapat ako matakot makihalubilo sa ibang tao at mag tiwala dahil lang sa itsura at dapat hindi ako matakot sa pagmamahal dahil lang sa istura ko. Walang kapalit kung talagang totoo ang trato at tao sayo.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon