KABANATA 14

4 1 0
                                    

WARNING MATURED CONTENT R-18

•Contains brutal scenes, violence, blood and torture.

•Young audiences, particularly minors and those who find this type of content uncomfortable, should not read this sensitive material.

(READ YOUR OWN RISK)
-----------------------------------------------------------

Patay

Ilang araw ang lumipas. Nasasanay na ako sa lugar dito. Madaming taong lumapit sa'kin na sa palagay ko'y mabuti ang hangarin at kutob ko ay sa una lang. Tulad ng sabi ko, mag babago din at lalabas ang tunay na kulay. Kaya ang hirap mag tiwala. Nakahanap rin ako ng trabaho hindi kalayuan sa inuupahan ko, at ito ay sa may bakery. Tindera ako.

"Magandang umaga, may ulam pala akong niluto."Nakangiting saad ni Camilla habang hawak ng kaniyang kamay ang dala niyang mangkok na ang laman ay ulam.

"May ulam na ako." Malamig kong tugon.

"Ay, ganoon ba sayang naman." Malungkot niyang tugon. "Sige, uwi na ako." Dagdag niya.

Napabuntong hininga ako nang tumalikod na siya. Ayokong mag bago ang tingin ko sa kaniya, dahil alam kong darating ang araw na kapag pinatulan ko ang pakikitungo niya sa'kin ay malalaman ko ang tunay niyang ugali, ayoko ng ganoon mas mainam ng ganiyan ang image ko sa kaniya para hindi masama ang loob ko sa kaniya sa oras na malaman ko kung masama talaga siya.

"Sora mag kano ang benta mo ka hapon?" Tanong ng amo ko.

"Three thousand po ma'am." Sagot ko.

"Mabuti naman." Tugon niya. "Oo pala kailangan mong mag duty ng madaling araw. Wala si Janina, patay ang magulang niya, uuwi siya ng probinsya. Nakakaawa nga ang batang iyon, naulila ng maaga." Malungkot niyang dagdag.

Naalala ko naman si mommy at daddy. Kumusta na kaya sila? Sana ayos lang sila. Alam kong kapag nag kita kaming muli ay masama ang loob nila sa'kin at galit. Kahit anong paliwanag ko alam kong si mommy lang ang makakaintindi sa'kin. Masakit man isipin at tanggapin na pera lang talaga ang mahalaga kay daddy.

Nag paalam din naman ang amo ko sa'kin. Kung kaya't ako ang naiwan sa may tindahan. Hindi naman gaano kalaki ang pera na kinikita ko sa may bakery, pero sasapat na ito sa'kin pangangailangan. Sosobra pa nga dapat kung hindi lang malake ang upa ko. Hayaan na. Hahanap rin ako ng mura na mauupahan.

"Kuwawa naman pala nangyari sa magulang mo Janina." Aniya ni Mean na katrabaho ko sa bakery.

Tahimik akong nag aayos ng tinapay, habang nag uusap ang dalawa. Paalis na si Janina. Inaayos niya lamang ang kaniyang gamit samantalang si Mean ay pauwi din dahil nag paalam na siya sa amo namin matagal na. Siya ay uuwi din sa probinsya.

"Hindi ko din inaasahan iyon." Maluha luhang sambit ni Janina. "Mag babayad sila, sa kung sino man ang gumawa nun sa magulang ko." Dagdag na sambit nito.

"Sayang, huling pagkikita ninyo ay limang taon na ang nakakalipas. Kaya ako'y uuwi din sa probinsya namin ayoko mag sisi sa huli, na hindi naman natin inaasahan ang lahat, baka huling pagkikita ay patay na. Kaya hangga't may pagkakataon na buhay pa ang magulang sulitin." Paliwanag ni Mean.

Tila natamaan ako sa kaniyang sinabi. Umalis ako ng walang paalam. At hindi ko alam kung nasa tamang kalagayan ba sila at sana. Parang gusto kong sumaglit sa bahay para matignan kung ayos ba sila. Pero hindi sa ngayon, walang mag babantay sa bakery.

Lumipas ang mag hapon na nag bantay ako sa may bakery. Bali ang out ko ay alas singko ng hapon at ang pasok ko naman ay alas kwatro ng madaling araw, na dapat ay duty ni Janina.

Ngayon ay nasa may bayan ako para mamili ng makakain. Abala ako sa pag tingin-tiningin ng gamit nang mapatigil ako dahil may pamilyar na lalaki akong nakita.

Si Lid ba iyon?

Ngunit anong ginagawa niya dito? Abala itong nakatayo sa may tabi ng kotse na kulay brown. Namamalikmata lang siguro ako, hindi iyan si Lid. Ngunit bakit ako nakakaramdam ng kaba? Lumayo na ako sa'kin tinitignan at balak na sana umuwi nang may kumuwit sa likod ko.

"Sabi na nga ba ikaw yung anak ni Sir Valencia." Aniya ng matandang babae.

Hindi ko siya kilala at kahit kailan ay hindi ko man lang nakita ang mukha nito sa bahay namin. Naka scarf itong kulay itim, kulubot ang kaniyang mukha sa kantandaan at mapayat ang pangangatwan.

Bakit ako kilala ng matandang babaeng ito? At bakit kilala niya si daddy.

"B-bakit po?" Kinakabahan kong tanong.

"Sumunod ka sa'kin iha." Aniya nito.

Hindi ko alam kung bakit nag lakad ang mga paa kong nakasunod sa may likuran niya. Kailangan ko ba siyang pagkatiwalaan? Pero marahil oo dahil mukhang kilalang kilala niya ata ang pamilya ko. Sa isip-isip ko.

Sumunod lamang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa maliit na kubo na mukhang kaniyang tirahan. Kinikilabutan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"Maupo ka iha." Alok nito.

Umupo ako sa tinuro niyang upuan na gawa sa malakeng puno ng katawan na hinati lamang sa may gitna.

"Hindi mo ako kilala, pero kilala kita at alam kong nag tatakha ka kung bakit." Aniya ng matandang babae. "Gusto ko sana malaman kung bakit umalis ka sa inyo?" Tanong na dagdag niya.

Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Kung sasabihin ko ang totoo? Sa isip-isip ko pa. Mukhang kilalang kilala niya talaga pamilya ko at ako, bakit alam niyang umalis ako sa bahay?

"Kung hindi ka pa handa, ayos lang naman. Ako talaga ang may sasabihin sa'yo tungkol sa magulang mo." Marahang niyang sambit.

Tila kumalabog naman ang akin dibdib sa kaba na kaniyang huling sinabi.

"S-sino ka po ba? At bakit kilala mo ang magulang ko?" Kinakabahan na tanong ko.

Tumingin sa'kin ang matanda ng seryoso. Nag buntong hininga ito at tila ba mabigat ang susunod niyang mga sasabihin na lalong nag papakaba sa'kin.

"Katulong ako nila Imes dati." Tugon niya ng seryoso.

Napalunok naman ako sa'kin laway at lalong kinabahan sa kaniya. Isusumbong niya kayang nandito ako sa Laguna kala Liam?

"Huwag kang mag alala hindi ako kalaban." Paniniguradong saad niya.

"A-ano po ba K-kailang niyo sa'kin?" Nanginginig kong tanong.

"Wala akong kailangan sayo, ikaw ang may kailangan sa'kin. " Tugon niya ng seryoso.

Hindi ako kumibo at mag hihintay na lang ako sa mga susunod niyang sasabihin. Kinakabahan pa din ako.

"No'ng ilang araw na hinahanap ka sa inyo, pinagplanuhan nila Imes at Liam ang pag dispatya sa magulang mo. " Paliwanag niya ng seryoso. Tila nanlamig ako sa'kin narinig at hanggang ngayon ay hindi ako kumikibo." Malake ang utang ng daddy mo, kung kaya't sa kabayaran nun ay ang buhay niya at damay din ang mommy mo. " Dagdag na sambit niya.

Tila hindi na ako makalunok sa sarili kong laway dahil sa nalaman. Pumatak na din ang luha ko na umagos sa'kin pisngi.

"Nandoon ako no'ng gabing pinapahirapan ang papa mo. Tinorture siya, pinutulan ng dila, pinugutang ulo at ang mommy mo naman ay pinagahasa sa tauhan ni Imes bago ito patayin." Madiin niyang sambit.

Hindi ako makakibo at parang nang hihina ako sa nabalitaan. Dahil sa padalos dalos kong desisyon ay namatay ang magulang ko at pinahirapan.

"B-bakit mo ako tinutulungan?" Napapipiyok kong tanong.

Nakakapagtakha na sinasabi niya ito sa'kin, pero naninilbihan siya sa pamilya nila Liam.

"Dahil pinatay din nila ang asawa at anak ko." Madiin niyang sambit.

Nakatulala akong nakaupo ngayon sa'kin higaan at hanggang ngayon ay hindi matigil ang akin pag luha. Nag sisi ako, pinagsisihan kong umalis ako sa bahay. Ako ang dahilan kung bakit namatay sila daddy at mommy.

Sana pala hindi ko umalis, tunay nga ang dahilan ni daddy ako ang solusyon talaga sa problema namin, edi sana kung hindi ako umalis hindi sila mamatay.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now