KABANATA 18

4 2 0
                                    

Tiwala

"Huwag kang matakot Sora nandito ako." Sigurado niyang saad.

Sa isip ko ayaw siyang pagkatiwalaan pero sa puso ko ay gusto siyang panigan. Hindi ko maramdaman ang takot sa mga yakap niya.

Ako din mismo ang nag bitaw ng yakap sa'min dalawa. May kaunti pa din sa loob ko ang hirap mag tiwala. Ngunit bakit hindi ko muna bigyan ng pangalawang pagkakataon? Worth it ba talaga ang second chance?

Inaya din naman ako ni Lid na sumakay sa kaniyang kotse. Bali dinala ko na din ang mga bagahe ko.

Nilamon kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag tingin sa paligid. Ilang oras pa ang binayahe namin bago niya ihinto ang sasakyan. Agad bumaba si Lid at ngayon ay nasa tapat na ng pintuan ng kotse kung saan ako nakatapat.

"Salamat." Aniya ko.

Tumango ito sa'kin. Ngayon ay nasa may mansion kami. Hindi ko akalain na taga dito talaga si Lid sa Bicol dahil may mansion pala siya dito. Mukhang ang tagal na ng mansion dahil sa itsura nito, pero ang desenyo ay ang ganda at sumisigaw ang karangyaan.

"Sora anak." Aniya ni mommy.

Napalingon ako kay mommy. Punong puno na ng luha ang mata nito habang nakatitig sa'kin. Hindi ko na din napigilan ang pag luha ng akin mata. Mukhang maayos naman si mommy. Tunay talagang nag sinungaling sa'kin si Aling Perla, at hindi ko alam kung bakit.

"K-kumusta ka na po mommy?" Tila mapipiyok kong tanong.

"A-ayos lang anak ikaw?" Nanginginig na tanong nito.

Habang nag tatanungan kami ni mommy sa isat isa ay mag kayakap kaming dalawa. Hindi na Ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko na may kasamang konsensya. Masaya ako kasi ayos lang sila at ngayon ay mag kakasama na muli kami. Nakokonsensya ako sa pag iwan ko sa kanila no'n.

Pinakalma mo muna ako ni mommy bago pumasok sa kwarto kung nasaan si daddy. Hindi din naman kalaunan ay pumasok na kami ni mommy, Lid at ako sa may kwarto. Pagkapasok ko pa lamang ay nakita ko si daddy na nakahiga sa may kama, may nakakabit sa kaniyang oxygen. Muli ay tumulo ang akin luha, ang bigat ng akin nararamdaman, nanginginig akong lumapit kay daddy habang si mommy naman ay nakaalalay sa'kin at hinihimas himas ang akin likod.

"D-daddy." Nanginginig kong tawag.

Nag mulat naman ang mata nito at nakita kong tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang mga mata.

"S-Sor—" tawag niya sa pangalan ko.

"Hirap pa sa pag sasalita ang daddy mo dahil sa  tinamo ng kaniyang utak at katawan." Narinig ko marahang saad ni Lid.

Naguguluhan ako. Talagang tama pala ang nangyari kay daddy ayon sa sinabi ni Aling Perla. Pero kay mommy hindi dahil mukhang ayos naman si mommy. Gusto ko na malaman ang totoo.

Nag paalam na muna ako kay daddy na babalik ako sa kaniya. Naiyak ito at ayaw akong paalisin sa tabi niya. Mabuti na nga lang at tumigil na siya sa pag luha. Ngayon ay nakatulog na siya kung kaya't nakaalis ako sa tabi niya.  Inaya ko naman si Lid at mommy sa labas. Gustong gusto ko malaman ang totoo.

"Mommy ano po talagang nangyari no'ng umalis po ako sa bahay?" Marahan kong tanong.

Napabuntong hininga na muna si mommy bago ito sumagot.

"Ilang araw na talagang nakikiusap ang daddy mo kay Mr. Herman bago ka pa umalis ng bahay." Tugon ni mommy. "Malake ang utang ng daddy mo kay Mr. Herman. Ngunit hindi mabayaran ito ng daddy mo dahil kulang ang pera niya. Kung kaya't nakikiusap siya kay Imes na pahiramin siya ng pera. Pumayag naman si Imes pero sa isang kondinsyon kailangan ikasal kayo ni Liam. Pumayag naman ang daddy mo. Kapag kasi naikasal kayo ni Liam lalong lalake ang negosyo ni Imes at ang daddy mo, kung baga mag sasanib pwersa sila. Para hindi sayang yung partnership nilang dalawa kailangan hanggang sa dulo ay hindi mawawala ang last name ng daddy mo at Imes na siyang hahawak ng negosyo at iyon ay ang magiging anak niyo sana ni Liam." Mahabang paliwanag ni mommy.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ka desperada ang dalawa at lalo na si Liam na maikasal kami dahil sa negosyo na kami-kami lang din ang makikinabang hanggang sa susunod na generation ng pamilya namin.

"Ano naman po ang ginawa sa inyo nila Liam, bakit naging ganoon si daddy?" Tanong ko.

Sinagot agad ako ni mommy at sa mga salaysay niya ay tama naman ang sinabi ni Aling Perla sa tunay na nangyari kay daddy at nag sinungaling lang siya tungkol kay mommy. Nasabi ko nga din kay mommy tungkol kay Aling Perla. Sagot naman ni mommy ay pinatay naman talaga ang asawa at anak ni Aling Perla, at gustong mangyari ni Aling Perla ay mag tulungan kaming dalawa na pabagsakin ang pamilya nila Liam. Kaya pala ganoon na lamang kadesperada ang anak ni Aling Perla na makuha ang hustisya.  Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

"Anak bakit hindi na lang kayo ni Lid. Ang bait-bait ng batang iyon." Panunukso ni mommy.

Napangiti naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sa panunukso ni mommy ay hindi ako mainis, aminado akong natutuwa pa nga ako.

Nalaman ko din na si Lid ang nag bayad ng utang ni daddy, hindi kasi tumupad sa kasunduan si Tito Imes dahil hindi din tumupad si daddy dahil sa pag takas ko. Ang.lake ng tulong ni Lid sa pamilya namin na sana ay masuklian ko sa tamang panahon.

"Kailangan mo bang ibigay ang buong pag titiwala mo sa taong hindi ka sigurado kung totoo?" Tanong ko kay Lid.

Ngayon ay nasa may veranda kami ni Lid habang nag memeryenda.

"Ibigay mo man ang buong pagtitiwala  at least nag tiwala ka at nakilala mo siya." Tugon niya ng seryoso.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Nakilala mo siya dahil sa pagtitiwala na ibinigay mo sa kaniya. Sa pag titiwala ay naging sigurado ka kung anong ugali ang mayroon siya at hindi lang siguro." Seryosong tugon ni Lid.

Napangiti naman ako sa kaniyang sagot. Tama naman siya. Kung sa pagtitiwala na ibibigay mo sa taong hindi mo lubos na kakilala, makikilala mo siya at doon magiging sigurado ka. Kung niloko ka man niya, at least natuto ka. At nasa sa'yo na nakadepende kung pag kakatiwalaan ko mo ba siya ulit.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat