KABANATA 6

5 2 0
                                    

Plano

Kinabukasan. Kanina pa ako nandito sa may labas ng mansion ng Cerna para mag abang kay Lid. Napag usapan kasi namin ni Kia na ngayon ko susundan si Lid sa kung saan man siya napunta. Gusto ko na nga sumuko ngayon  dahil ang init-init sa labas lalo na't naka scarf pa ako. Umayos ako sa pagkakatayo ko sa may pinagtataguan  ng makita ko si Lid na palabas sa may mansion.

Isa din kaya siyang Cerna?

"Manang pasabi po kay mommy na mamayang gabi pa ako makakauwi." Sambit nito sa kanilang katulong.

"Saan ba ang punta mo iho?" Tanong ng kasambahay.

"Practice po ng piano." Sagot nito.

Tumango na lamang ang kasambahay. Mukhang mayordoma ang kausap ni Lid iba kasi ang uniform nito sa ibang kasambahay at may katandaan na din ito.

Nakita ko naman sumakay na sa kotse si Lid. Marahil pupunta siya doon sa pinuntahan namin ni Kia na music room na puro piano, sana nga. 

Agad kong kinuha ang cellphone sa may bag ko para ma text ko si Kia ng sa ganoon ay malaman niya na Ang nangyayari.

Me: Kia paalis si Lid papunta sa lugar na pinuntahan natin ka hapon.

Hindi ko kasi alam kung anong lugar iyon. Agad naman nag vibrate ang phone ko na ang ibig sabihin ay may nag text. Agad kong binuksan ito at nakita ko ang reply ni Kia.

Kia: Okay, hintayin mo ang driver ko papunta na diyan para sunduin ka. =)

Agad naman akong nag tipa sa keyboard ng cellphone ko  para replyan siya.

Me: Sige.

Hindi na nag reply pa si Kia kung kaya't agad kong ipinasok ang cellphone ko sa loob ng bag.

Ang ganda talaga ng mansion. Wala akong alam masyado sa pamilyang Cerna, masyado kasi silang misteryoso. Ang alam ko lang ay magaling sila sa painting at sobrang yaman nila. Tungkol naman kung sino-sino sila ay hindi ko kilala talaga. Napahinto ako sa pagmasid sa mansion ng marinig kong may bumusina.  Napalingon ako kung saan bumusina ang  motor. Kulay white ito.At tinaasan ko ang kilay ko nang makita kung sino ang nakasakay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Pake mo ba." Sagot ko.

"Ang sungit mo naman Ms. Scarf." Natatawang sambit nito.

Inirapan ko siya ng dalawang beses. Hindi lang pala magnanakaw ng scarf ang lalaking ito malakas din mang asar.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong nito.

Hindi ako kumibo at iginala ko na lang ang aking paningin sa paligid. Sana umalis na siya. Nakakasira ng araw.

"Siguro pinuntahan mo ako ano?" Tanong nito.

Pairap akong lumingon sa kaniya. Nakangisi na ito sa'kin na para bang nasisiyahan siya na naiinis ako.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo." Sagot ko.

"Aminin mo na. Hindi lang naman ikaw ang ganito sa'kin, madami kayo." Natatawang sambit nito.

Napataas ang kilay ko dahil sa kayabangan ng isang ito. Grabe! Napangiti din naman ako kalaunan nang may plano akong naisip. Mukhang close sila ni Lid so, siya kaya ang gamitin kong daan para mapalapit ako kay Lid?

"Paano kung totoo nga na ikaw ang dahilan ng pagpunta ko?" Nakangising sambit ko.

"Hindi na ako nag tatakha pa." Sagot niya.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now