KABANATA 20

10 1 0
                                    

Pag amin

Ilang araw ang lumipas na pinanindigan talaga ni Lid ang panliligaw sa'kin. Kailangan daw na girlfriend niya talaga ako. Nahihibang na talaga iyon. No'ng mga araw na hindi siya nanligaw alaga niya na ako, ngayon na nanliligaw na siya ay doble-doble na ang pag aalaga niya sa'kin.

"Kahit gaano pa katagal Sora mag hihintay ako." Seryosong saad niya.

Ilang linggo ko siyang nakasama ay aminado akong may pag tingin ako sa kaniya. At napagtanto ko din sa sarili ko na kaya pala no'n kinakabahan ako, bumibilis ang pintig ng puso ko dahil no'n pa man ay may gusto na ako sa kaniya.

"Hindi muna kailangan mag hintay ng matagal." Nakangiting saad ko.

Tila nag pipigil naman siya ng ngiti sa narinig.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang notebook ko at ballpen.

"Pumikit ka muna." Utos ko.

Tumango naman siya at nag pipigil pa din ng ngiti.

Sinulat ko sa may papel ang ang dalawang letrang O. "Mulat ka na." Utos ko muli. Iminulat niya naman ang kaniyang mata kasabay ng pagtawa ko sa hawak kong notebook. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa at hindi niya na napigilan ang pagngiti. Agad niya akong niyakap at ibinaon sa mga bisig niya. Ngayon ay natatawa na kami parehas. Sobrang saya ang akin nararamdaman na kahit kailan hindi matutumbasan na kahit ano man halaga.

Mabuti na lang at sabado ngayon, tiyaka wala akong masyadong gagawin kaya ayos lang na gumala ako. Inaya kasi ako ni Lid na lumabas. May pupuntahan daw kami.

"Kailangan may tawag ka sa'kin." Nakangiti niyang saad habang nag mamaneho.

Ngayon ay nasa biyahe na kami at papunta sa kung saan man yung sinasabi niyang pupuntahan namin.

"Lid." Tugon ko.

Nakita ko ang pag nguso ng labi niya.

"Syempre boyfriend muna ako at kailangan may tawag tayo sa isat isa, kagaya ng ibang mag kasintahan." Reklamo nito.

Natawa naman ako sa sinabi nito. Parang siya pa yung babae. Sa isip-isip ko.

"Huwag mo akong tinatawanan Sora." Reklamo niya.

Natawa lalo ako sa kaniyang sinabi. Napahampas ako sa matigas niyang balikat.

"Sige na, ano ba ang gusto mong itawag ko sa'yo asawa?" Pang asar kong sambit.

"Anong sabi mo Sora?" May diin na tugon niya.

Tila kinabahan naman ako sa tugon niya. Agad niyang hininto ang kotse sa may tabi. Lalo akong kinabahan at bumilis na din ang pintig ng puso ko.

"Tama, dapat asawa kasi pakakasalan na kita ngayon na." Madiin niyang saad.

Lumapit ito sa'kin at tinuon niya ang dalawang kamay niya sa kinasasandalan ko. Tila mauubusan na ako ng hininga. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at tiyaka tinanggal ng isa niyang kamay ang scarf ko, hanggang sa naramdaman ko na lamang na dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. Hindi din nag tagal ay siya din ang huminto sa halik.

"I love you asawa." Madiin sambit nito.

Naramdaman naman ng mukha ko ang mainit niyang hininga sa lapit niya. Naramdaman ko ang pag halik nito sa'kin noo na kinapikit ko. Agad din naman siyang umalis sa pwesto niya at umayos sa kinauupuan niya. Tila kailangan ko ng oxygen!

Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi naman ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya na nararamdaman. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon yung labi niya ay nakadikit pa din sa labi ko. Ano ba itong iniisip ko! Ganito pala ang halik. Hindi din kalaunan ay nakarating na kami at ito ay sa mansion ng Cerna. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now