KABANATA 12

4 2 0
                                    

Layuan

Kinaumagahan. Hanggang ngayon ay nasa may higaan pa ako. Wala pa akong balak na bumangon tila lalo akong pinanghinaan ng loob.

Kahit tanghaling tapat na ay feeling ko gabi pa din. Mas gusto kong matulog na lang para kahit papaano ay makalimutan ko saglit ang problemang nakadaghan sa isipan ko.

Ibang iba si Liam sa ngayon no'ng una ko siyang makilala. Hindi ko akalain na magagawa niya pala akong pag buhatan ng kamay.

Paano si daddy? Ang problema ng pamilya namin. Gusto kong layuan si Liam ngunit kailangan siya ni daddy.

Napasulyap ako sa may pader at napapikit ako ng aking mata. Hindi pala pwedeng matulog ako mag hapon dahil may klase ako kay Ms. Jody.

Bumangon ako sa'kin higaan at tiyaka nag lakad papunta sa may banyo para maligo. Ibinabad ko ang sarili ko sa tubig tulad ng kinagawian ko sa tuwing ako'y may problema. Ilang oras ang itinagal ko sa loob ng banyo bago ako natapos.

"Ang putla ng itsura mo Sora may problema ba?" Puna ni Ms. Jody.

"W-wala naman po." Tugon ko.

Kahit gusto ko man sabihin kay Ms. Jody ang lahat ngunit hindi pa sa ngayon dahil nasasaktan pa ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi na nag tanong pa si Ms. Jody tulad ng sinasabi niya ay mas sabi lang daw ako kung talagang may problema ako, uunawain niya naman.

Ilang oras kaming nag klase ni Ms. Jody. Natapos na kami ng alas kwatro na ng hapon, para matapos na kaagad ang lesson.

"Sora, anak hindi ka ba sasama sa'kin sa bayan?" Tanong ni mommy.

Umiling ako kaagad. Napabuntong hininga naman siya. Mas gusto kong mag pahinga na muna sa ngayon kaysa lumabas. Wala talaga akong gana sa lahat.

Hindi nag pumilit pa si mommy, nag paalam na itong pupunta sa bayan. Ako naman ay nasa kwarto at nakahiga sa'kin higaan. Kahit wala naman akong ginawang mabibigat ay sobra ang pagod na akin nararamdaman.

Papikit na sana ako ng akin mata para matulog nang may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa hita ko. Agad akong napaupo at tinignan ang bagay na iyon, isang bato. Napasulyap naman ako sa bintana ko na bukas, nakalimutan kong isara. Nag tungo naman ako sa may bintana para tignan kung sino ang nang bato sa kwarto ko 'o nag kataon lang ba ito.

"Sora!" Sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki.

Napakunot naman ako ng akin noo. Shit si Austin ba iyon? Ay si Lid pala. Muli ay naalala ko na naman ang pang tatraydor niya sa'kin.  Anong ginagawa niya dito. Hindi ko kasi maaninag masyado ang itsura niya  dahil madilim na sa labas.

Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan siya sa may labas. Anong trip nun gabi na. Sa isip-isip ko pa.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit kong tanong.

Hanggang ngayon ay hinding hindi ko malilimutan ang ginawa niyang ka trayduran sa'kin. Sa kanilang lahat at lalo na kay Lid.

"Na kwento sa'kin lahat ni Austin." Seryosong tugon nito.

"Sagutin mo ang tanong ko bakit ka nandito,...layuan niyo na ako nanahimik na ako." Diretsyahang sambit ko.

Nag buntong hininga ito at seryoso akong tinitigan. Para naman may dumaan na galit sa kaniyang mga mata na hindi ko alam kung bakit. Wow, ako dapat ang magalit hindi siya.

"Totoo ba na ginamit mo lang ako kasi akala mo si Austin ako Sora?" May diin na tanong nito.

Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Kaya ba parang galit ang titig niya sa'kin dahil nalaman niyang ginamit ko siya? At sino naman ang nag sabi nun?

"Ganiyan ka ba talaga, pag katapos mong gamitin kakalimutan mo din?" Seryoso niyang tanong.

Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil totoo naman talaga ang sinasabi niya.

Nakaramdam ako ng konsensya para sa kaniya. Ako pala talaga ang may kasalanan kung kaya't ganiyan ang kanilang trato sa'kin.

Mag sasalita pa sana ako ngunit tumalikod na ito. Wala akong lakas ng loob para tawagin siya. Nang hihina ang tuhod ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala akong plano kumain ng gabihan kung kaya't kahit na alam kong tinatawag ako ni mommy ay nag tulog tulugan ako. Inaaya kasi ako nitong kakain na. Mabuti na nga lang at hindi na nangulit sa'kin, hinayaan na lang ako.

Napagtanto ko na kung bakit masama ang trato nila sa'kin dahil ako rin ang dahilan. Nagsisi ako, pinagsisihan ko ito ng sobra. Kung alam ko lang mangyayari ito edi sana hindi na ako pumayag kay Kia na makipagtulungan sa kaniya.

Ayoko ng maulit pa ito kung kaya't ako na mismo ang lalayo sa kanila at sa ibang taong dadating pa lamang sa buhay ko. Ayoko na makasakit pa ng iba at ayoko ng masaktan pa.

Ako talaga ang puno't dulo nito kaya mas mainam na talagang lumayo sa kanila.

Gusto ko man sundin ang gusto ni daddy na pakasalan ko si Liam ay hindi ko magagawa, ayoko sa kaniya, hindi ko siya minahal at lalong lalo na hindi ko kayang mag mahal ng taong ganoon. Mabuti na lang din at nakilala ko ang tunay niyang ugali ng maaga, dahil kundi baka pakasalan ko pa ang klaseng taong ganoon dahil wala akong kaalam alam.

Ilang oras pa akong tulala habang nakaupo sa'kin kama dahil iniisip kong tumakas sa bahay, lumayo, mamuhay mag isa at napagdesisyunan ko na aalis ako mamayang madaling araw. Nag impake na muna ako ng mga gamit at hinintay ko mag madaling araw.

Ayoko mag paalam kay mommy dahil hindi iyon sang-ayon sa plano ko. Wala na siyang magagawa pa, sa ngayon ako naman dapat ang magdesisyon sa sarili ko.

Hindi din kalaunan ay madaling araw na. Dahan-dahan akong bumaba sa may hagdan para tumakas, hanggang sa makarating ako sa labas ng bahay.

Sorry daddy hindi ko matutupad ang gusto mo para sa'kin, para masolusyunan ang problemang kinakaharap ng atin pamilya, aminado akong makasarili at ngayon lang naman ako nagdesisyon para sa sarili ko. Alam kong kaya mo iyan daddy kahit wala sila Liam. Sa isip-isip ko pa. Tuluyan ng bumagsak ang akin luha sa'kin pisngi na kaagad kong pinunasan ng akin daliri.

Kahit saan pa ako mapadpad, tatanggapin ko ang mahalaga ay nakalayo ako sa kanila.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon