KABANATA 3

16 3 0
                                    

Scarf

"Sora, anak gumising ka na." Rinig kong sambit ni mama. Iminulat ko ang akin mata at ikinusot kusot gamit ng akin daliri. "Okay po mommy." Sagot ko ng malumanay.

Napaupo ako sa'kin kama at hihikab hikab pa ako. Inaantok pa talaga ako. Napatingin naman ako sa may bintana at kita kong madilim pa. Inilihis ko ang tingin sa may bintana at ngayon na kay mommy na ang akin tingin. Nakaupo  ito habang nakatingin sa'kin. Tila malalim ang iniisip nito.

"Kailangan mo nang mag-asikaso. May dadating tayong bisita mamaya anak." Utos nito na nag-aalala.

Hindi ko alam kung anong iniisip ni mommy, at bakit parang nag-aalala siya. Sa kuryosidad ako'y nagtanong na.

"Bakit po mommy mukhang malungkot ka?" Takhang tanong ko.

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga niya. At tama ako ng hinala. Talagang may iniisip siyang malalim.

"Nagtalo kami ng daddy mo." Sagot nito ng seryoso. Ako'y tahimik lang at atat sa susunod niyang sasabihin. Nagbuntong hininga na naman ito nang malalim. "Ipagkakasundo ka niya sa anak ng  kasosyo niya sa negosyo na ikasal kayo pagdating ng tamang panahon.  Iniisip niya na para din daw iyon sa'tin at lalo na sa'yo. Alam kong ayaw mo. Ngunit wala akong nagawa,...pasensya na Sora anak." Dagdag na sambit nito at tumulo na ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi.

Parang ako naman ngayon ang nag-alala para sa'kin sarili. Hindi ko akalain na mapapagaya ako katulod ng ibang pelikula sa tv na ipinagkakasundo ang anak sa kung kanino. Hindi ko akalain na pati tungkol sa pag-aasawa ay wala akong kalayaan at karapatan, hindi  parin pa ako ang magdesisyon para sa'kin sarili. Tumulo na rin ang akin luha sa'kin pisngi dahil sa naiisip.

"P-pasensya na talaga Sora anak." Sambit ni mommy na naiyak.

Lumapit si mommy sa'kin at umupo sa may kama. Pinunasan niya gamit ng sarili niyang kamay ang luhang pumapatak sa'kin pisngi.

"M-mommy, M-makakabuti po ba talaga para sa'tin ito?" Naiyak kong tanong kay mommy.

"Makakabuti, para lang sa daddy mo." Sagot niya naman na mahinahon na. "Hindi niya na iniisip ang mararamdaman natin dalawa, dahil sarili niya na lang ang iniisip niya." Dagdag na sambit niya pa ng mahinahon.

Umiyak lalo ako sa narinig  kay mommy. Kung dati hindi ko iniisip ang tungkol sa pag-aasawa ko dahil wala pa naman akong balak para doon. Ngunit ngayon, kailangan ko nang isipin.

Umalis din si mommy sa kwarto ko at hinabilin niya na maligo na at maghanda para mamaya. Magluluto pa daw kasi siya, kung kaya't hindi niya ako maasikaso.

Kahit na wala akong gana maligo at mag-asikaso para lang mamaya ay nag-asikaso pa rin ako. Wala naman akong magagawa. Malalagot lang ako kay daddy, at sa huli ay masasaktan.

Sana maaga din umuwi ang magiging bisita namin mamaya. Kailangan ko pang sumaglit sa mansion ng Cerna para hanapin ang scarf ko. Hindi pwedeng hindi ko makuha iyon.

Naligo ako ng mabilis, kung kaya't ngayon ay tapos na ako. Naghahanap na lang ako ng akin maisusuot.Hindi ko nga alam kung maglalagay pa ako ng scarf sa'kin mukha. Nasa loob lang kasi kami ng bahay, ngunit ako'y nahihiya, mas mabuti na lang siguro na magsuot ako para komportable pa rin ako habang nasa hapag. Sa isip-isip ko pa. Ang napili kong susuotin para sa'kin pang itaas ay high neck sando na kulay puti, wala itong disenyo. Para naman sa'kin pang baba ang akin napili ay paneled skirt na kulay itim at wala rin itong disenyo. Ngayon ay nagsusuklay na ako ng akin buhok. Nagpisik rin ako sa'kin leeg ng pabango at nang makuntento sa may sarili, kinuha ko ang isang scarf na kulay puti at inilagay ko muna ito sa'kin leeg, tiyaka lumabas na ng kwarto.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now