KABANATA 8

7 1 0
                                    

Impormasyon

"Ang ganda ata ng gising mo Sora anak." Puna ni mommy.

Napangiti ako sa kaniya ng malake. Tama ang kaniyang puna maganda talaga ang gising ko, dahil iniisip ko yung nangyari kahapon. Ang sarap magkaroon ng kaibigan.

"Dahil ba ito sa gala ninyo ni Kia kahapon?" Tanong niya pa.

Napatango naman ako habang nakangiti pa din.

"Mabuti at mayroon ka ng kaibigan Sora anak, masaya ako para sa'yo." Sambit niya habang nakangiti.

"Salamat po mommy." Tugon ko.

Nag almusal  kami ni mommy. Wala si daddy dahil may inaasikaso pa siya sa kaniyang office.

Nang matapos kami sa pag aalmusal agad rin ako tumaas sa may kwarto para maligo. May practice pa kasi ako sa may piano. Habang naliligo ako ay naglalaro sa isip ko na kailangan kong gantihan si Kia sa kaniyang kabutihan. Kailangan ko nang magbigay sa kaniya ng impormasyon tungkol kay Lid. Ngunit napapaisip din talaga ako, kung bakit gusto niya malaman ang impormasyon ni Lid, may gusto  kaya siya dito? Hindi ko naman siya masisi kung may gusto siya kay Lid ang professional gumalaw, makisalamuha at manamit ni Lid.

Hindi din nag tagal ay natapos na ako sa paliligo. Ang sinuot kong pantaas ay black t-shirt at sa baba naman ay maong pantalon, tiyaka ang kulay na scarf na haharang sa peklat ko ay kulay green.

"Hindi ka ba dito manananghalian?" Bungad na tanong ni mommy.

Kababa ko pa lamang sa hagdan.

"Hindi na po mommy." Sagot ko.

Malungkot na ngumiti siya at tumango. Marahil ay namimiss niya ako dahil simula no'ng nag enroll ako sa piano ay bihira na lang akong nasa bahay, kung nasa bahay man ako aayain ako ni Kia lumabas, kaya wala na talaga akong time para kay mommy.

"Sige mag iingat ka." Paalala nito.

Tumango ako dito at ngumiti, Lumapit ako sa kaniya para yakapin ito at nang makalapit ako ay niyakap niya rin ako pabalik. 

"Salamat mommy." Tugon ko.

Ako din mismo ang unang bumitaw sa yakapan  namin dalawa. Nag paalam muli ako sa kaniya na aalis na ako. Nag pahatid ako kay Mang George.

"Pa lagi ka atang wala sa inyo Sora." Puna ni Mang George.

"May piano lesson po kasi ako." Tugon ko.

"Mabuti rin iyan, makakatulong sa'yo dati kasi pa lagi kang nasa kwarto mo at lalabas lang kapag may exhibit sa mansion ng Cerna." Sambit niya.

Nag buntong hininga ako nang malalim. Malake pala talaga ang tulong sa'kin ni Kia dahil sa kaniya ay may dahilan na ako para lumabas.

Hindi din kalaunan ay nakarating na ako sa may building. Agad akong nag paalam kay Mang George at ganoon din siya sa'kin.

"Again bibigyan ko kayo ng time, para mas alam niyo sa sarili ninyo ang tumugtog." Aniya ni Mr. Fladeu.

Napahinga ako sa'kin sarili. Hindi pala talaga ganito kadali mag piano. Sobrang hirap. Sa isip-isip ko pa.

"Ano bang gusto mong lunch isasabay ko na sa'kin." Alok ni Austin.

Nandito kami ngayon sa may cafeteria hindi kalayuan sa may building.

"Huwag na, nakakahiya sayo." Tugon ko.

Napangisi naman siya sa'kin. Hindi ko maipagkakaila na mabait naman talaga si Austin, ayon lang mayabang talaga.

"Sagot ko." Alok niya.

Napahinga ako nang malalim at hindi na sa kaniya nakipagtalo pa. Sinabi ko sa kaniya ang pagkain na o-orderin niya para sa'kin at agad naman itong tumungo sa may nakapila para bumili. Iginala ko na lamang ang akin paningin sa paligid. Nakita ko si Lid na papasok sa loob ng cafeteria. Nakaisip agad ako ng plano para makausap ko siya. Agad akong tumayo at nilapitan ko siya kahit na nakakahiya.

"Lid." Tawag ko.

Nakakunot naman ang kaniyang noo habang nakatingin sa'kin. Hindi siya kumikibo.

"Doon ka na lang sa table namin ni Austin." Anyaya ko sabay turo sa may table.

Kumunot lalo ang noo nito na para bang may mali sa sinasabi ko.

"May gagawin pa ako." Tugon niya.

Tinalikuran na ako nito. Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim. Sa kanilang dalawa ni Austin si Lid talaga iyong hindi palakibo.

"Salamat." Sambit ko.

Agad ibinaba ni Austin ang mga pagkain na binili niya.

Si Austin na lang talaga siguro ang tanging makukuhanan ko ng impormasyon tungkol kay Lid.

"May tanong pala ako sayo." Sambit ko sa kalagitnaan habang kami'y nakain.

Napatigil naman sa paghiwa si Austin sa kaniyang steak at tumingin ito sa'kin ng masinsinan. Ngayon ko lang ata siya nakitang seryoso, kung kaya't napalunok ako sa sarili kong laway. Inabala ko na lang ang akin paningin sa kinakain para mawala ang kabang nararamdaman na hindi ko alam kung bakit.

"Gaano mo kakilala si Lid?" Lakas loob kong tanong.

Kumunot naman ang noo nito at kalaunan ay humagalpak ng tawa. Ako naman ngayon ang nakakunot ng noo sa kaniya.

"Si Lid?" Nakangisi niyang tanong.

Napatangong naguguluhan naman ako sa kaniya dahil sa tawa  niya. Seryoso naman ako.

"Kilalang kilala ko syempre." Tugon niya.

"Gwapo siya." Sambit niya.

Gusto ko naman siyang hampasin, syempre common sense na iyon. Gusto kong malaman yung specific information tungkol kay Lid.

"Teka——may gusto ka ba sa kaniya?" Nakangising tanong niya.

Napairap naman ako sa kaniya na kaniyang kinanguso.

"Wala, masama bang magtanong?" Tugon ko na naiinis.

Kating kati na talaga ko tungkol kay Lid para naman may impormasyon akong masabi kay Kia, kahit papaano ay masuklian ko ang mga kabutihang ginagawa niya sa'kin.

"Umamin ka na." Nakangising sambit niya.

Napairap muli ako sa kaniya at umiling. Mukhang wala akong matinong impormasyon na makukuha sa lalaking ito.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagkain samantalang siya ay patuloy pa din sa pangungulit sa'kin, napapailing na lang ako habang nakain. Hanggang sa matapos kami ay kinukulit niya pa rin ako, nag seryoso lamang siya ng kami ay mag pa-practice na.

Wala akong impormasyon na masasabi kay Kia kung kaya't bukas siya na lamang ang makakatuklas, maganda rin iyon. Sa isip-isip ko pa. Plano ko kasi na ipag date ang dalawa.

Nag practice lang kami sa mag hapon. Inaaya nga ako ni Kia na lumabas ngunit tinanggihan ko na muna dahil ako'y pagod, mas gusto ko muna mag pahinga kaysa lumabas.

Ngayon ay nakahiga na ako sa may higaan ko. Gabi na at tapos na rin akong kumain ng gabihan. Hanggang ngayon ay hindi namin kasabay si daddy dahil busy pa rin ito.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa hindi kalayuan sa may higaan ko. Ite-text ko si Kia.

Me: Good evening Kia. Bukas libre ka? Kung libre ka may date kayo ni Lid.

Nag hintay pa ako ng ilang oras ngunit hindi ito nag send. Wala na ata akong load sa isip-isip ko pa. Napapakamot ako sa'kin ulo. Bukas ko na lang sa kaniya sasabihin.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now