KABANATA 4

15 2 0
                                    

Gagawin?

Ang sama-sama pa din ng loob ko dahil sa nangyari ka hapon. Hindi ko na  nahanap ang scarf ko.

Ano bang problema ng lalaking iyon pati ang scarf ko ay pinagdiskitahan?

"Sora." Tawag ni daddy.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko dito sa may kwarto para pagbuksan ng pintuan  si daddy.

"Maghanda ka may pupuntahan tayo." Aniya ng seryoso.

"Saan po?" Tanong ko.

"Basta. Kumilos ka na. Hihintayin kita sa baba." Aniya ng seryoso.

Napatango na lamang ako at walang nagawa. Wala akong idea kung saan kami pupunta ni daddy.

Nag tungo na ako sa may banyo para maligo. Ilan oras pa akong nasa loob ng banyo dahil lumilipad ang isipin ko tungkol sa kasal.

Kaya ko ba talagang maikasal sa taong hindi ko naman mahal? Hindi ko nga kilala ng lubos ang taong ipapakasal sa'kin. Napapahinga na lamang ako ng malalim.

"Mommy saan po ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko.

Ngayon ay nasa loob na kami ng kotse. Magkasabay kami ni mommy sa pupuntahan kuno na sinasabi ni daddy. Hindi namin kasabay si daddy dahil susunod na lang daw may aasikasuhin pa daw siya.

"Kala Tito Imes mo." Sagot ni mommy ng mahinahon. "Hindi ba nasabi iyon ng daddy mo sayo?" Tanong pa niya.

Umiling naman ako kaagad. Nasabi lang naman kasi ni daddy na mag asikaso dahil may pupuntahan. Tinatanong ko naman ngunit hindi niya sinabi.

"Ano po bang gagawin natin kala Tito Imes?" Tanong ko.

"Birthday ni Liam." Sagot niya habang nakangiti. "Tuwang tuwa ako sa batang iyon. Magaling humawak ng pera, biruin mo sa edad na iyon kumikita na siya ng milyon-milyon na pera. " Puring dagdag niya.

Pumasok naman sa isipan ko yung sinabi ni Liam. Talaga naman pa lang pera lang ang mahalaga sa kaniya.

"Magandang umaga Adriana." Bati ni Tito Imes habang nakangiti.

"Magandang umaga din Imes." Pabalik na bati ni mommy.

Ngayon ay nandito na kami sa bahay nila Tito Imes. Talaga naman pa lang napakayaman nila. Ang ganda ng kanilang mansion. Sinauna ang disenyo.

Ngayon lang ako nakapunta sa mansion nilang ito. Yung una kasi na pinupuntahan namin nila daddy ay simple lang, ngunit makikita mo pa rin ang karangyaan  dahil sa disenyo.

"Maupo ka na muna dito iha at kumain baba na din si Liam maya-maya may inaasikaso lang kasi siya sa kaniyang office." Sambit ni Tito Imes ng mahinahon.

Tumango na lamang ako at napangiti ng bahagya.

"Mommy hanggang anong oras po tayo dito?" Tanong ko.

"Hanggang gabi na daw." Sagot niya ng seryoso. "Mamaya pa naman talaga ang party ngunit itong si daddy mo gusto nang mauna tayo dito." Dagdag na sagot niya ng mahinahon.

Napatango na lamang ako. Nandito kami ngayon sa may dinning table. Madaming nakahain na pagkain na ibat ibang putahe. Madami din prutas. Inilibot ko naman ang akin paningin sa mga kasambahay na abala sa kani kanilang mga ginagawa.

"Magandang umaga po tita." Rinig kong sambit ni Liam.

Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti na itong nakatingin kay mommy at maya-maya pa ay sa'kin naman.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now