KABANATA 10

3 1 0
                                    

Tunay

Nagdaan ang dalawang araw............

Hanggang ngayon hindi pa din kami nag uusap ni Kia. Nakailan text na ako sa kaniya pero wala man lang akong natatanggap na message mula sa kaniya. Gusto ko siyang kausapin, nakokonsensya ako.

"May problema ba Sora anak?" Tanong ni mommy.

Ngayon ay nasa may hapag kainan  kami at nakain ng tanghalian. Kami lang dalawa ni mommy dahil busy si daddy sa kaniyang office.

"Mommy nagkatampuhan po kasi kami ni Kia at ako po yung may kasalanan." Pag amin ko.

Lumapit si mommy sa may tabi ko at naramdaman ko na lamang ang mainit na yakap nito. Yumakap rin ako pabalik at napapikit ng akin mata.

"Bakit hindi kayo mag usap?" Tanong ni mommy.

Bumitaw na siya sa yakap. Napamulat ang akin mata, kitang kita ko sa mga mata ni mommy ang pag aalala.

Hilaw na ngumiti ako sa kaniya. Gusto ko man kausapin si Kia ngunit mismo siya ay ayaw akong kausap.

"Ayaw niya po ako kausap mommy." Tugon ko.

Napabuntong hininga si mommy nang malalim.

"Tampo talaga siya sa iyo kung ganoon." Sambit ni mommy. Ako naman ngayon ang nag buntong hininga. "Bakit hindi mo siya puntahan at personal na humingi ng tawad?" Suhestiyon ni mommy.

Napangiti naman ako sa suhestiyon ni mommy. Tama siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na puntahan na lang si Kia, marahil ayaw niya ako kausap pero, siguro, kapag nakita niya ako ay kakauspain niya naman ako dahil no choice na siya?

"Salamat po mommy, mamaya po pupuntahan ko siya." Tugon kong nakangiti.

Napatango si mommy nang dalawang beses. Muli ay pinagpatuloy namin ang pagkain ng tanghalian. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko siya pag liligpit, at tiyaka umakyat na ako sa taas para mag asikaso. Tama si mommy, puntahan ko dapat si Kia para makahingi ng tawad ng personal. Wala akong ideya kung nasaan si Kia pero susubukan kong mag tanong  sa may salon, marahil ay kilalang kilala ng matandang babae si Kia.

Hindi din kalaunan ay natapos na ako sa pag ligo at pag suot ng damit. Agad akong lumabas ng kwarto nang makuntento sa pag aayos. Naabutan ko naman pag kababa ko ng hagdan si mommy na abala sa pag lilinis. Kahit na may katulong kami ay natulong pa din si mommy sa pag lilinis. Gawain lang kasi ng dalawa namin kasambahay ay mag linis ng bahay, garden, mag plantsya, mamalengke at mag laba ng mga damit. Sa pag luluto naman ay si mommy na. Ayaw din kasi ni daddy kumain ng luto ng iba.

"Mag iingat ka anak, sana maayos niyo iyan." Paalala ni mommy.

Ngumiti ako dito ng matamis at muli ay niyakap ko siya.

"Opo, maraming salamat po mommy." Tugon ko.

Tumango si mommy habang nakangiti. Lumabas na ako ng bahay. Mabuti na lang at nandito si Mang George kung kaya't may mag hahatid sa'kin. Mabuti na lang rin at wala si daddy, masyadong abala kasi ito sa office niya, kung kaya't talagang kami na lang halos ni mommy ang nag sasabay sa may hapag kainan.

Sinabi ko kay Mang George kung saan kami pupunta. Mabuti na lang naala ko pa ang lugar ng salon na pinuntahan namin nila Kia.

Ilang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa may salon. Agad akong bumaba. Bali mag hihintay muna si Mang George sa'kin sa may labas dahil siya rin ang mag hahatid sa'kin kung nasaan man si Kia at sa pag uwi ng bahay.

"Good morning po." Bati ko.

Mabuti na lang at nandito din yung matandang babae. Prenteng nakaupo lang siya ng abutan ko. Nakalimutan ko  ang kaniyang pangalan.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Where stories live. Discover now