KABANATA 13

3 1 0
                                    

Ang hirap

Hindi ko alam ang sasakyan kong bus pero sumakay na lang ako sa may nakapaskil  sa harapan ng bus na Sta. Cruz Laguna. Wala akong idea sa buhay na akin haharapin pero titibayin ko na lang ang sarili ko.

Mabuti na lang may pera ako kahit papaano. Susubukan ko na lang mag hanap ng trabaho para may pang tustos pa rin ako kahit papaano.

Pagkatapos kong mag bayad sa kondoktor ay pinikit ko na lamang ang akin mata dahil ako'y nakakaramdam ng antok. Anong oras din kasi ng ako'y umalis ng bahay kung kaya't ako'y inaantok pa.

Ilang oras ang lumipas at nagising ako nang nag babaan na ang mga pasahero.

"Miss, baba na po Sta. Cruz Laguna na po ito." Aniya ng kondoktor.

Napatango ako sa kaniya at kinuha ko ang bag kong dala. Inayos ko pa ang scarf ko bago ako bumaba ng bus.

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Ngayon nga lang ako nakatapak dito. Nakita ko ang magandang tanawin, ang hangin na sariwa na siyang dumadapi sa'kin balat. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng maalala ko ang hangin kung saan ako lumake at nag karoon ng isip. Wala na akong magagawa kailangan ko na lang tatagan ang loob ko. 

"Ano po sayo ate?" Tanong ng batang babae.

Ngayon ay nasa may karinderya ako para kumain. Kumakalam na kasi ang akin sikmura sa gutom. Hindi kasi ako kumain ka gabi ng hapunan.

"Isa pong order nitong sinigang na bangus at isa pong order ng kanin." Nakangiting saad ko.

Tumango naman ang batang babae at tumalikod na ito para kumuha ng inorder ko.

Mabuti na lang din kahit papaano ay may alam ako sa mga ganito dahil doon sa Manila kapag badtrip si tita, hindi niya kami pakakaininin kung kaya't sa karinderya kami nakain. Doon ko din naranasan kung paano sumakay sa mga jeep, tricycle at bus.

Pagkatapos ibigay sa'kin ng batang babae ang akin order ay binayaran ko na kaagad ito. Humanap pa ako ng pwesto na akin pagkakainan dahil madami din kasi ang nakain. Hindi din naman kalaunan ay nakahanap rin ako. Nag simula na akong kumain. Ngayon ko lang na appreciate kung gaano kasarap ang pagkain, marahil ay sa'kin gutom. Hindi din nag tagal ay natapos na akong kumain. Sunod kong ginawa ay nag hanap ng matutuluyan na sana ay pasok sa budget ko.

"Pwede ka naman mag-down muna para sa kalahating bayad iha." Suhestiyon ng may ari ng uupahan kong bahay.

Mabuti na lang din talaga  ang pera ko ay limang libo kung kaya't kahit papaano ay hindi ako mahihirapan mag hanap  ng matutuluyan. 

Ang mahal ng upa. Malake kasi ang kwarto. Kada buwan daw ay tatlong libo ang upa. Gusto ko sana tumanggi at mag hanap pa ng iba na mura. Ngunit magtatakipsilim na kung kaya't no choice ako, kaya ko naman bayaran kahit kalahati muna 'o buo pa. Ang matitira na lang sa pera ko ay gagamitin ko na lang pang gastos sa pagkain, pag hahanap ng trabaho at iba pang gastusin.

Mabuti na lang din na may alam ako sa pangungupahan ng bahay dahil naranasan ko, no'ng pinalayas ako ni tita sa kanilang bahay.

FLASH BACK

Prenteng nakaupo ako sa'kin higaan nang may kumatok sa may pintuan. Agad akong nag tungo para pag buksan kung sino man ang nakatok. Pagkabukas ko ng pintuan, si tita na nakasimangot ang mukha ang akin nakita.

"Mag usap nga tayo Sora." May diin niyang sambit.

Napatango naman ako at binuksan ko ng malake ang nakaawang na pintuan, para makapasok siya. Agad naman siyang nag tungo sa may higaan ko at umupo ito. Bago ako lumapit sa kaniya ay ni lock ko na muna ang pintuan.

"Ubos na ang pera ko, kailangan ko ng pera Sora." Seryosong niyang saad.

Wala akong maisagot dahil, malay ko ba sa pera niya? Bakit ako sangkot kung wala siyang pera.

"Madaming pera ang daddy  mo. Sa katunayan niyan ay maniniwala na talaga ako sa pinagsasabi niya na swerte talaga ang peklat mo sa mukha kaya hindi niya iyan ipapaayos." Paliwanag niya.

Tahimik lamang ako at nakaramdam ng awa para sa sarili. Tunay ang kaniyang sinabi, ayaw talagang ipaayos ni daddy ang peklat ko sa mukha dahil iniisip niyang swerte ito, lumago ang negosyo niya dahil sa peklat ko daw. Gustong gusto ko man maayos ito ngunit alam kong malalagot lang ako kay daddy.

"Tutal naman ay ikaw dahilan ng paglago ng negosyo niyo, nakawan mo ang daddy mo ng pera at ibigay mo ito sa'kin, para naman may pakinabang ka." Nakangisi niyang utos.

Napangiwi naman ako sa kaniya at kalaunan ay nakaramdam na naman ng awa para sa sarili. Mag kapatid nga sila ni daddy. Pera lang ang mahalaga.

"Wala po akong alam, at ayoko po mangeelam sa pera ni daddy." Sagot ko.

Tumaas naman ang isang kilay nito at nakasimangot nang nakatingin sa'kin.

"Susunod ka 'o masasaktan ka?!" Sigaw na sambit nito.

Napaatras naman ako sa kaniya dahil alam kong pag bubuhatan na ako nito ng kamay.

"P-pasensya na po tit——"

"Walang hiya kang bata ka! Wala kang kwenta, ayoko ng pasensya mo gusto ko pera! Natalo ako sa sugal." Sigaw nito sa'kin at sabay hila ng buhok ko kung kaya't natanggal na ang scarf ko sa'kin ulo. "Kung ganiyan din na wala kang pakinabang lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw niya.

Agad akong tumakbo sa labas sa takot na nararamdaman. Tumutulo na din ang luha ko sa akin pisngi. Tumakbo ako nang tumakbo kahit hindi ko alam ang pupuntahan ko. Gabi pa naman din. Hanggang sa makarating ako sa may bayan. Napakapa ako sa'kin bulsa at mabuti na lang may dalawang libo ako. Uupa muna ako ng bahay sa ngayon dahil malalagot ako kay tita kung babalik ako sa kanila ng mag isa.

END OF FLASH BACK

Kinabukasan. Bumangon ako ng maaga para makapag asikaso dahil mag hahanap ako ng trabaho.

"Hello." Nakangiting bati sa'kin ng babae na mukhang kaedad ko lang.

Hindi ko siya kinibuan. Maiksi ang buhok niya na hanggang leeg, matangkad ito, maganda ang pangangatwan, maputi, matangos ilong at medyo chinita ang mata.

"Ako nga pala si Camilla, kapit bahay ninyo." Nakangiting saad nito.

Muli ay hindi ko siya kinibuan. Tumango lang ako at tinalikuran ko siya.

Sa mag hapon na nangyari ay walang tigil kakalapit sa'kin si Camilla kahit na hindi ko siya kinikibuan. Nalaman niya din na nag hahanap ako ng trabaho, kung kaya't may suhestiyon siyang trabaho na tiyak na makakapasok ako agad ngunit  tinaggihan ko.

Ang hirap mag tiwala, natuto na ako sa nakaraan ko kaya sa mga taong lalapit sa'kin pa lamang ay alam kong hindi sila totoo, at kalaunan ay  mag babago, malalaman ang tunay na kulay.

BEHIND THE MASK [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu