kabanata 1 : Blind date?!

222 4 0
                                    

Nakaupo lang ako dito sa bench ng People's park, pinapakiramdaman ang simoy ng hangin habang ang iba ay masayang nagdedate kasama ang mga jowabels nila ang iba naman ay kasama ang mga pamilya o kaibigan nila.

Sige lord, bring it on. Wa pako nasuya sa ilaha.( Hindi pa ako naiinggit sa kanila)

Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pinsan kong pabago bago ang takbo ng utak.

Lagi na lang akong nakakatanggap ng text mula sa unknown number, yung iba scam texts pero iba ang isang to. Alam niya ang bawat galaw ko.

"Beh, irereto kita." Sabi ni Angela. Porqué nasurething na eh!

"Ayoko." I declined her offer. Umupo Siya sa tabi ko. Yung mga pinsan namin ay busy sa paglalaro ng mobile legends sina kuya Angelo,Walter, Alas at Lawrence naman ay umalis para bumili ng makakain.

"Bahala ka, tatanda kang dalaga beh." Pananakot nito sakin.

" As If I care. " Pagtataray ko.

"Hayaan mo yan insan. " Natatawang sabi ni Kian.

"Bakit pa magjojowa kung maghihiwalay lang rin naman." Sabi ni Janna.

"Bakit pa magjojowa kung lolokohin lang rin naman 'di ba Janna?" Sabi ko.

"Tama, sa una lang masaya tignan niyo si Clark. 1 month ago kilig na kilig sa jowa niya ending iniwan lang rin pala na para bang trial card sa ML." Sabi ni Janna.

Grade 11, ABM students sina Angela, Janna, Forester, Kian at Gian( oo kambal sina Kian at Gian halata naman sa name)
Sina Zander at Clark naman ay grade 10.
Si kuya Angelo ay Engineering student
Si kuya Walter ay Architecture Student
Sina kuya Alas ay Education student
At si Kuya Lawrence naman ay Nursing student.

Ang gaganda ng mga pinagaralan diba?

Ako gusto ko na lang maging patatas.
-,-

Si kuya Austin? HAHAHA ayun happy na sa hubby niya -,-

Pinapakiramdaman ko lang ang lamig ng conversation niyo char of course ng simoy ng hangin.

"Ate Phine,pwede bang ikaw na lang ang pumunta sa Blind date ko." Sabi ni Janna.

Ano daw?? Pakiulit nga.

"Huh?" Nagtatakang Sabi ko.

"Bungol amputa." Janna murmured.

"HAHAHAHAHAH" Natawanan ng mga kalog kong pinsan.

Aba, pagsasapakin ko kayong lahat eh.

"Sabi ko, pwede bang ikaw na lang ang pumunta sa Blind date k-" Hindi ko siya pinatapos. "Blind date?! Siraulo kaba?! Ayoko nga!" Pasigaw kong sabi.

"Malay mo siya na pala ang magiging shota mo." Sabi ni Forester.

"Ewww. I can treat myself for better than anyone else." Sabi ko at kinuha na ang libro ko't nagbasa.

"Owwws? Sure ka dyan ah?" Nakakalokong sabi ni Gian.

"Baka isang araw malaman na lang namin may jowa ka na." Sabi naman ni Zan.

"True HAHAHA" natatawang sabi ni Angela.

Sige lang, mga peste.

"Sige na insan, puhleeeeeaase.." pagpapacute ni Janna.

"Ayoko." Pagmamatigas ko.

"Sige ate, puhleeeeeaase. Ililibre kita ng kahit anong libro. Promise." Pagmamakaawa niya.

"Pumayag kana kase." Pangungumbinsi ni Angela.

"A. Yo. Ko. Ayoko." Pagmamatigas ko ulit.

"Bakit ayaw mo ate?" Pagpapacute niya.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now