Chapter 27

58 2 0
                                    

Josephine's POV.

Nagsimula na ang klase namin sa 3rd subject, pansin kong kanina pa panay titig si Professor Lucas kay Anne kaya biglang kumunot ang noo ko. Kakaiba ang pakiramdam ko sa titig niya sa bff ko, cold personality si Professor pero yung mga mata niyang daming sinasabi at para bang may something.

Mukhang may matatanggalan ng lisensya ah.

Habang nagdidiscuss si Professor Lucas ay nakita ko ang palihim nitong pagtitig sa kaibigan ko, kapag kaharap niya ang whiteboard ay umiiling-iling ito at palihim na ngumingiti.

Kinalabit ko si Anne at agad naman itong lumingon sakin. "Bakit?"

"Mag-uusap tayo mamaya." Sabi ko at nag-focus uli sa klase.

Breaktime..

Nasa rooftop kami ngayon ni Anne, nakatingin sa ibaba si Anne habang ako ay nakatingin sa malayo.

"May something ba sa inyo ni Professor Lucas?" Agarang tanong ko na nagpagulat sa kanya.

"Ha?! Siraulo ka ba?! Walang something sa'ming dalawa, tsaka May chismis ako." Sabi niya.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, huminga siya ng malamin bago magsalita uli.

"Nung araw na nawawala ka, umakyat ako dito sa rooftop.." kinuwento niya sa'kin ang dahilan kung bakit siya tahimik, pero alam kong may iba pang dahilan. Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta na kami sa cafeteria kung saan naghihintay sina Vanessa at Levie. Habang naglalakad kami sa hallway ay biglang sumulpot sa harapan namin si Professor Lucas na nakapoker face.

"Let's talk, Anne." Malamig na sabi nito.

"About saan, professor?" Inosenteng tanong ni Anne.

"Mauuna na ako, hihintayin ka na lang namin sa table natin." Sabi ko at iniwan silang dalawa roon.

Sisiguraduhin kong tama ang hinala ko.

Cafeteria...

Pagkarating ko sa cafeteria ay dumeretso ako sa table namin, nakita ko agad sina Vanessa at Levie na nag-uusap kaya nilapitan ko sila.

"Woi! Asan si Anne?" Takang tanong ni Levie.

Umupo ako sa harapan nilang dalawa at kinuha ang strawberry juice ni Vanessa at ininom iyon.

"Hoy akin yan!" Sigaw niya.

Ibinaba ko ang isang bote ng strawberry juice sa table matapos kong inumin yon.

"Kausap niya si Professor Lucas." Sagot ko sa tanong ni Levie.

"Uhmm.. excuse me, sino sa inyo si Josephine Delos Reyes?" Biglang sulpot ng isang lalaking estudyante.

Tinignan ko ng masama sina Vanessa at Levie, bahagyang umiling-iling. Nagthumbs up lang si Vanessa at tumango lang si Levie.

"Naku... Wala pa siya eh, baka padating na yun o baka may tinatapos lang." Pagsisinungaling ni Levie.

Gusto kong matawa sa pagsisinungaling niya, I crossed my legs. Kinagat ko pa nga ang ibabang parte ng lips ko para pigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Gano'n ba? Saan ang room niya?" Tanong ng lalaki.

Pft HAHAHAHAHA

"Hala... Nagtext si Phine, ang sabi sa labas daw siya kakain." Pagsisinungaling ni Vanessa.

"Pakibigay na lang sa kanya. Salamat." Malungkot na ani ng lalake at inilapag ang isang paper bag na may lamang pagkain. Nang makaalis na siya ay tumawa ako ng napakalakas char OA naman nyan.

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

"Ililibre mo kami." Sabi ni Levie.

"Woi May sticky note na nakalagay oh." Turo ni Vanessa sa papel na nakadikit sa paper bag.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now