chapter 14

79 3 0
                                    

"Ginagawa niyan dito?" Tanong ko, "Para kang nanghahamon ng away, Baby." Sabi ni Kuya Lawrence, inismidan ko lang siya, mas matino pang kausap si Kuya Alas. "Wag kang bulag, Prinsesa ko. Ikaw na nga itong binisita eh." Sagot ni Kuya Alas.

Binabawi ko na pala -,-

"Grabe, ang tino niyong kausap." Inis kong sabi.
"Don't you want me to visit you?" Tanong ni Zander. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo, at tsaka wala ka bang trabaho ha?!"

"May dalaw yan, Dre." Bulong ni kuya Alas.
"Narinig Kita, kuya Alas!" Sigaw ko, tinawanan naman nila ako. "Kakapal ng mukha! Ma! Sina Kuya oh, inaasar ako." Sumbong ko at pinuntahan sina mama at papa sa kusina, narinig ko pang nagtatawanan silang tatlo.

Mga walang hiya.

"Ayos lang yan, nak. Maganda ka naman." Sabi ni Papa, syempre ayokong maniwala, char totoo naman na maganda ako. Tatahol na ang mga beloved dogs ko.  HAHAHA

"Saang parte, pa?"sarkastikong tanong ni Kuya Lawrence, tinignan ko siya ng masama, I was about to throw him the glass na hawak-hawak ko pero kinuha iyon ni mama.

Pesteng kuya!

"Napakabrutal mo talaga, bunso." Sabi ni Kuya Lawrence.

"LETSE!" Mura ko. Ginagalit talaga ako ni kuya Lawrence.

Nagpipigil pa ako, oo.

"Kumalma Ka nga, Anak." Sabi ni papa.

Galing! Napakagaling talaga nilang mang-inis!

"Andito ang mga friends mo, baby." Anunsyo ni Kuya Alas. Napatingin naman ako sa pintuan na kakabukas lang at iniluwa nito ang mga chismosa at backstabber pero academic achiever na kaibigan ko sina Vanessa, Anne, At Levie.

Pinaggagawa nila dito?!

"Hi po! Good morning!" Bati nilang sabay.
"You're here pala Zander." Conyong sabi ni Vanessa. Normal lang yan, oo.
Tumango lang si Zander, "Pinaggagawa niyo dito?! Umagang umaga susugod kayo dito." Walang gana kong sabi.

"Pigilan niyo si me, yayakapin ko siya neck ng napakahigpit." Sarkastikong sabi ni Vanessa.
"Hindi ka namin pipigilan, good luck na lang sayo." Natatawang sabi ni Levie.
"Samahan niyo na kaming kumain ng agahan, girls." Sabi ni Kuya Lawrence, binatukan ko naman siya.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" Daing ni Kuya Lawrence. "Ang laswa pakinggan." Sabi ko.
"Saluhan niyo na kami." Pag-aaya ni mama sa mga kaibigan ko.

Mama, kung alam mo lang kung gaano Ka takaw ang isa sa kanila baka magsisi ka.

Ngumiti naman ng malapad si Vanessa.
"Yieeee! You really love me, Auntie! May pasalubong ako galing Kay mommy, she told me na ibigay ko raw sa'yo." Iniabot niya ang dalawang paper bag.

"Pakisabi sa mommy mo, maraming salamat." Sabi ni mama. "Hoy, wag mong pairalin ang katakawan mo dito." Bulong ni Anne Kay Vanessa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Vanessa.

"Auntie oh! Ang sama nila!" She pouted, nagsumbong pa talaga. "Magsi-upo na kayo at kakain na. Namayat ka Vanessa, kumakain ka ba ng madami sa mansyon niyo?" Tanong ni Mama. Umiling naman siya, "Hindi po, hindi ko trip yung mga hinahain nilang pagkain."

Kaya pala..

"Dito ka na kumain ng agahan samin." Sabi ni papa, para namang nabuhayan ang loob ng impakta dahil sa narinig nito. "T-talaga po?"
Tumango naman sina mama at papa. "Okay po, thank you po talaga." Sabi niya

Katakawan talaga ang talent nito.

Napailing na lang ako sa inisip ko.
Isusubo ko na sana ang sandwich pero napansin kong nakatingin pala sa'kin si Zander kaya tinaasan ko siya ng kilay.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now