chapter 29

58 5 0
                                    

Josephine's POV.

Hatak-hatak ako ni Xavier papunta sa itaas na parte ng building. Hindi ko alam kung anong floor kami kanina.

"Kingina ka! Nakakasakit ka ng gago ka ha!" Sigaw ko.

"Shut up! Dahil sa'yo namatay si Zia." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon ay nakalabas na kami sa exit way, nakita ko ang isang sign na nasa 4th floor kami.

Gago?!

"Bobo mo naman! Ano namang kinalaman ko sa inyo ng shota mo?! Aray! Ano ba?!" Reklamo ko, bigla ba naman akong sampalin ng gago. Palinga-linga siya sa likod at sa harap at naglakad ulit sa hallway. Ngumuso ako.

Nagsasalita pa ako eh!

May narinig akong nagkasa ng baril, nilingon ko kung saan nanggaling ang pagkasa ng baril, nasa harapan namin siya. Naka mask siya na kulay silver.

Bakit parang familiar siya?

"Let her go, dumbas*" utos niya.

Ginawa akong hostage ni Xavier at tinutukan ako ng baril sa sintido ko. " How dare you to kill my girl." Malumanay na sabi ni Xavier.

"She deserves it..... At isusunod kita.." pabulong na sabi ng lalaki.

"Bitawan mo ko! Kingina ka, Xavier!" Mura ko.
Nakita kong may nakatutok na baril sa ulo ng lalaki, "h-hoy! May tao sa likod mo!" Sigaw ko.

"Put down your gun, Assh*le." Utos ng lalaki.

"Hades? Hades! Tulungan mo ko!" Sigaw ko.
"Put your gun too, Xavier. She's my girl." Sabi ni Hades.

Luh?! Woi walang tayo!

Agad na hinarap ng lalaking Nakamask si Hades  at sinapak. At ayun... Nagsapakan sila sa harapan namin.

The fudge?! Problema niya?!

"Psst. Xavier." Bulong ko. "Peace na tayo.. wag mo na akong idamay. " Pagmamakaawa ko.

"Manahimik ka." Sabi niya.

Para kaming nanonood ng live boxing ni Pacquiao. Pero dahil tanga si Xavier, kinuha ko na ang pagkakataon kong tapakan ang Paa niya at sikuhin ang t'yan niya para mapayuko  siya. Lumayo ako sa kanya para awatin si Hades at si kuyang silver mask. Nakita kong malapit sa pribadong parte siya nakahawak.

Hala! Shet, sorry.

Hindi pa rin nagpapaawat ang mga ugok. "Ano ba?! Tama na nga yan- AAAAAHH!" Sigaw ko ng biglang nakarinig ako ng pagsabog sa kung saan. Kasabay ng pagsabog ang pagputok ng baril ni Xavier at natamaan ako sa bandang t'yan. Walang kung anu-ano ay pinagbabaril ni kuyang silver mask si Xavier dahilan ng pagkamatay nito.

"Hey... Hold on, baby. Iuuwi na kita." Sabi ni Hades. Tinulak siya ni kuyang silver mask at nilapitan ako't lumuhod.

Zander???

"M-mamaya.. na.. kayo.. mag-away.." putol-putol kong sabi. Binuhat ako ni kuyang silver mask at tumayo. "We only have 10 minutes." Sabi ni Hades.

Anong 10 minutes?

Nanghihina na ako, dali-daling silang naglakad. Lakad-takbo ang ginawa nila. "Don't fall asleep, Mi Reina." Bulong ni kuyang silver mask.
"Zander..." Nanghihinang sabi ko. Unti-unting dumidilim ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

"Josephine!" Rinig kong sambit ni Zander at Hades.

Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung kanino, pilit kong inilibot ang paningin ko sa bawat parte ng kwarto napagtanto kong nasa ospital pala ako. Narinig ko ang mahinang sigawan ni mama at ng isang nasa 30 to 40 years old. Kaya nagpanggap ako na tulog.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now