chapter 18

71 3 0
                                    

Josephine's POV

Ang weird sobra! Bakit?! Ikaw ba naman itext at  may kasamang stolen pictures na hindi ko alam kung saang panig ng mundo galing chos.

Nakaupo ako sa kama at niyakap ang snorlax stuffed toy ko habang nagcecellphone. Panay scroll lang ang ambag ko sa socmed, from Facebook to Twitter. Lumipat ako sa Twitter at nagscroll, sa kakascroll ko nagnotif sakin na may nag follow sa'kin. Chineck ko yun or stalk kung baga. Private account yun, wala gaanong posts at followers. Ang creepy pa ng username.

Private account
Rtrvll

Nagnotif din sa'kin sa FB ko na may nag-add sakin kaya lumipat ako sa FB at tangerine.... Pinagtitripan ata ako ng mundo.

Lord, matagal pa po ang April para sa April fools Day.

Kagaya sa Twitter, ganon din ang name ng nag-add sa'kin.

Naknamputcha.

Ilang oras pa ang lumipas ay wala talaga akong ginagawa. Hilata, luto, kain, linis, cellphone repeat. Napag-isipan kong magml na lang para malibang ako.

Dumiretso ako sa rank mode ng game, at sinimulan ang laro. Pinili ko ang character ni fanny, isang assassin. Ilang segundo pa ay nagsimula na nga ang laro.

"Welcome to Mobile Legends. 5 seconds until the enemies reaches the battlefield, smash them. All troupes deployed." Anunsyo ng laro.

Nagfocus ako sa laro, I turned on the voice speaker at natatawa ako sa pinagsasabi ng kasamahan ko.

"You have slain an enemy! Double kill! Triple kill!" Anunsyo ng laro.

"Name reveal fanny." Sabi ng kalaro ko.
"Pustahan tayo, pre. Lalake yan HAHAHA." Natatawang sabi ng isa pang kasamahan ko na kaibigan ata niya.
"Imposible naman kaseng may babaeng ganyan kagaling magfanny." Tugon ng isa.

Napailing na lang ako. Prejudice.

"Enemy has been slain! Allied has been slain. Monster kill! Double kill! Triple kill! Maniac! Launch attack!" Sunod-sunod na anunsyo ng laro.

"Grabe, napakagaling mo fanny!" Sigaw nung Gusion.

I turned on the mic. "Salamat."

"Tangina, sino Yun?" Mura ng Chou.

"Allied has been slain. Our team destroyed a turret. Request back up. Legendary! Double kill! Triple kill! Monster kill! Enemy has been slain." Sunod-sunod na anunsyo ng laro.

"Ang galing mo talaga fanny, laro ulit tayo." Pag-aaya ng Miya.

"Babae ho ako."

"Huh?" Sabay nilang sabi.

Good luck sa next game."

"Victory!" Anunsyo ng laro.

MVP pa ako.

Naglaro pa ulit ako and this time mage naman ang role ko. Si Luo Yi. Aware naman ako na paiba iba ang main hero ko pero kung papipiliin ako, si Luo Yi ang main hero ko. Halos lahat naman ng hero sa mobile legends kaya kong gamitin at kapag may bagong hero ginagamit ko kaagad at sinasabak sa classic o rank.

Napipikon nga minsan sina Kuya o ang mga pinsan ko, bakit daw ang bilis kong matuto sa paggamit ng mga hero.

Kasalanan ko bang advance learner ako.

Ilang minuto ang lumipas ay nanalo ako sa laro.
Panay trashtalk pa yung nag-angela kesyo my turn daw kaya ayun na wrong turn HAHAHAHA. Bronze ang nakuha nung Angela, puro yabang kase ayan tuloy.

Nasa legend na ako, binuhat ko pa talaga yung pabigat na Angela.

Pipindutin ko na sana yung start kaso biglang tumawag yung number na panay text sa'kin na may kasamang stolen pictures. Sinagot ko iyon.

"H-hello??"

"Hmm?" Tugon niya.

"Napatawag ka?" Tanong ko.

"Ay hindi ka pala makakapagsalita."

Nagtext siya sa'kin.

From: 09*********
I want to hear your voice.

From: 09*********
Please continue.

"Ang creepy mo, alam mo ba yun?" Panimula ko.

Huminga ako sa kama at niyakap ang snorlax stuffed toy ko.

"Panay text ka sa'kin tapos isesend mo pa sa'kin ang stolen pictures ko na hindi ko alam kung kanino at saan galing. Hindi ako overthinker na tao pero dahil sa pinaggagawa mo nag-ooverthink na ako. Pakiramdam ko bawat galaw ko ay pinapanood ng kung sino, pakiramdam ko may  nakatingin sa'kin kahit na mag-isa lang ako o kaya ay kapag may lakad ako may sumusunod sa'kin. Tapos ngayon pakiramdam ko may nanonood sa'kin. Ayokong sabihin kina kuya kase baka paghigpitan nila ako. At yung pinsan ko may nagsesend daw sa kanya na death threats. Natatakot ako... Sobra.."

Hindi ko namalayang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

"Pati ang mga kaibigan ko napapansin nilang may nakasunod sa'kin at may nanonood sa'kin mula sa malayo. Nag-offer pa nga yung mga kaibigan ko na maghahire daw sila ng bodyguards pero tinanggihan ko. Kinausap ko rin sila na huwag ipagsabi sa kahit sino. Hindi ko alam ang gagawin ko.." Hindi ko na napigilan pang umiyak.

From: 09*********
Don't worry, everything will be fine.

"Nakakatakot at natatakot akong sabihin kina kuya, lalo na kay kuya Lawrence. Dahil kapag nalaman niya ipapaimbestiga niya at hindi siya titigil hanggat hindi nahuhuli ang taong yun."

From: 09*********
I'll try my best to help.

"Salamat sa pakikinig mo kung sino ka man. At least may nasabihan ako sa nararamdaman ko."

From: 09*********
Anytime.

"Sige, salamat. Ibababa ko na." I hung up the call.

"Tangina, phine. Cheer up." Sabi ko sa sarili ko.

Zander's  POV

"Oh yes, I can't wait to see my brother begging for his girl's freedom." I smirked.

"You're using her as a bait. Make her fall for you and break her heart, what's next?" My friend asked me.

"Kill her." I said boredly.

"What? Tangina dude, hindi ka palalampasin ng kapatid mo. He's a fucking psychopath who's obsessed with that girl named Josephine! Baka ikaw ang maunang mamamatay bago ang babaeng yun!" Hindi makapaniwalang sabi ng kaibigan ko.

"Dude, alam ko namang aware Ka na hindi makatao yang gagawin mo. Pero, tama si Jameson. Baka mauna kang mamamatay bago mo patayin si Josephine, at alam nating Mafia boss ang kapatid mo. A psychopath Mafia boss, Dre. Think about it. And mas mababa ang ranggo mo sa kanya, hindi lang yun yung mga kapatid ni Josephine, mga Mafia heirs yun." Sabi ni Tyler.

Nandito kami ngayon sa hideout namin, umiinom ng alak.

"Sina Lawrence Ace at Limuel Alas Montreal, ang dalawang yun ay ang tagapagmana ng Montreal, Dre. Ang tatay nila ay isa ding Mafia."
Sabi naman ni Drake.

"Love, think about it again. Ayokong mawala ka sa'kin dahil sa paghihiganti mo sa kapatid mo, please." Pagmamakaawa ng girlfriend ko.

"Kailan mo balak tumigil sa pagpapanggap bilang kapatid mo? Dre, nasa rank 6 to 10 tayo. Samantalang ang kapatid ay Mafia boss at ang grupo niya ay nasa rank 1 to 4, at yung kapatid nung Josephine na yun ay nasa rank 5 pareho." Halata sa tono ng boses ni Jameson ang pag-aaalala.

My twin brother is a Psychopath Mafia boss who's obsessed with his girl. Let's see if you can't resist your girl being in my hands.

"Tuloy pa rin ang plano." I seriously said.

Inaasahan ko na ang violent reaction nila.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now