Chapter 47

56 3 0
                                    

Author's note expect typographical errors, incorrect grammars and vulgar words.

Josephine's POV

Kakauwi lang namin galing sa gala, nasa garden ako ngayon.. nagpapahangin. Next week ay ikalimang buwan ko na sa pagbubuntis, halata na din ang tyan ko. Napasapo ako sa tyan habang tumitingin sa malawak na hardin.

"Baby.... Do you like the view? Ang ganda 'no? Nakaka-relax ng isip... Pasensya na kayo , you won't able to see your father. It's too complicated. Maiintindihan niyo din naman kapag lumaki na kayo kase aaminin at ipapaliwanag ko naman sa inyo. Miss ko na ang daddy niyo kahit na pinaplano niya akong patayin. Stay with me, okay?" Sabi ko sa kawalan.

"Bff, okay ka lang ba?" Tanong ni Vienna mula sa likuran ko. Kanina ko pa nararamdaman na nandyan siya sa likuran ko.

"Yes, I'm fine." Sagot ko.

"Nandito lang pala kayo." Sabi ni Vanessa na kakadating lang kasama si Anne.

"Nagpapahangin lang naman kami." Sabi ko sa kanila.

Paano nga kung malaman nila? Itutuloy kaya nila ang plano nilang pagpatay samin?

"Ang lalim ng iniisip ah." Sabi ni Katriel.

"Nasisid mo ba?" Pabalang kong sagot.

"Naneto." Mura niya sakin.

Tumawa naman sina Vanessa at Levie. Nanatili muna kami sa isang bench at nagkukwentuhan tungkol sa mga magiging anak namin. "Ikaw, Phine? Anong ipapangalan mo?" Tanong nila sa'kin.

Sky and Cloud...

"Sky and Cloud kapag parehong lalake. Sky and Heaven or Cloud and Heather kapag babae at lalaki. Kapag parehong babae naman ay Asteria at Astra." Sagot ko.

"Related sa nature at space, huh." Sabi ni Vanessa.

"Oo, alam niyo naman na mahilig ako sa astronomy." Sagot ko.

"Pero mas maganda yung Sky and Cloud. Pakiramdam ko parehong lalake ang mga anak mo." Suhestiyon ni Levie.

"Mas trip ko yung Sky and Heaven. Pero sang-ayon ako kay Vienna. Feel ko din lalake ang kambal mo." Gatong naman ni Anne.

Sana nga wala silang mamanahing ugali ng daddy nila.

"Bff. What if makuha ng anak mo ang ugali ng tatay nila?" Natatawang sabi ni Vanessa. Kita ko namang nagpipigil ng tawa sina Vienna at Katriel.

"Wag naman sana.." sabi ko na halos pabulong.

"Grabe magdadalawang buwan na pala tayo dito." Pang-iibang usapan ni Anne.

"I can't wait to see each other with our dreams. Ako na magiging mommy and fashion designer, Si Anne na magiging mommy na rin at magiging Architect, Si Vienna na magiging mommy and Engineer, tapos si Phine na ilang buwan na lang ay manganganak na at magiging Abogada. Ang saya ko dahil kayo pa din ang kasama ko." Nakangiting sabi ni Vanessa.

"Oo nga eh, hindi ko nga rin inakalang aabot tayo sa ganito." Sabi ko naman.

Sana kayo pa din ang magiging kaibigan ko kahit anong mangyari.

"Tara, roll call." Sabi naman ni Levie.

"RED. MOON!" Sabay naming sabi.

"Liliene Vienna!" Tawag namin kay Levie.

"Artemis!" Sambit nito sa codename niya.

"Anne Katriel!" Tawag naman namin kay Anne.

"Selene!" Sambit nito sa codename.

"Athena Josephine!" Tawag nila sakin.

"Eclipsé!" Sagot ko.

"Vanessa Trisha!" Tawag namin kay Vanessa.

" Luna!" Sagot niya.

Nagtawanan kami. Ang dating apat lang na miyembro ng Red Moon ay unti-unti nang dumarami. Pero wala pa ding makakatalo sa orihinal na miyembro, at kami iyon. At ang mga anak namin ang susunod na mamumuno ng Red Moon at ng iba pang grupo na hinahawakan namin.

Ramdam ko ang presensya ng tao na papalapit samin kaya lumingon ako sa likuran namin.
"Lady Athena, someone what's to meet you." Sabi ni Butler Hans nang makalapit siya sa'min. Agad akong tumayo, gayundin ang mga kaibigan ko.

"Who?" I asked him.

"It's me, baby." Biglang sumulpot sina Kuya Lawrence at Kuya Alas.

"Kuyaaaa!" Sabi ko at agad silang nilapitan.
Niyakap nila ako ng mahigpit.

I missed them so much.

"So, totoo ang sinabi samin ni Tito Alfonso. You're pregnant, baby." Sabi ni Kuya Lawrence.

"Binuntis ka pala ng gagong yun." Dinig kong bulong ni kuya Lawrence.

"Kayo lang ba ang pumunta dito kuya?" Tanong ni Levie sa kanila.

"Kasama ko ang kuya ni Vanessa, pati na rin nakakatandang pinsan niyo." Sagot ni kuya Alas.

"Ang mga gagong yun... They impregnated y'all." Inis na sabi ni kuya Lawrence.

Pumasok kami sa loob at pumunta sa receiving area. Nang makita sila ng mga kuya nila ay agad silang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"I missed you so much, my Princess." Dinig kong sabi ng kuya ni Vanessa na si Andrius.

"I miss you too, kuya." Sabi naman ni Vanessa.

Pinaupo nila kaming apat at nagkwentuhan. Sinabi nila samin ang mga nangyayari sa pamilya namin at doon sa apat. Alam kong kilala niyo na kung sino sila.

"Magkakaroon na pala kami ng pamangkin." Sabi ni kuya Miko, nakakatandang pinsan ni Anne.

"Nagpaalam kami sa mga magulang natin na dito kami titira sa London para maalagaan namin kayo." Sabi ni Kuya Dark, nakakatandang pinsan ni Levie.

"Po? Dito mismo?!" Sabay naming tanong.

"May penthouse si kuya Ace mo dito, Phine. Doon kami titira. Kumbaga, pupunta lang kami dito sa mansyon mo para alagaan kayong apat. At may trabaho din kase kaming lima dito sa London kaya naisipan na din naming tumira dito sa London para makasama kayo." Pagpapaliwanag ni kuya Andrius.

Napatango kaming apat, sinabi nila samin kung ano ang trabaho nila dito sa London si Kuya Ace at Alas ay may kompanyang aasikasuhin dito na minana nila sa daddy nila, Si Kuya Andrius naman ay inalok ng isang unibersidad dito sa London para magturo, Si kuya Miko naman ay mag-aaral ulit ng business administration, tapos si kuya Dark ay may aasikasuhing negosyo at mag-aaral daw siya ulit ng engineering.

Magkakaibigan silang lima simula noong mga bata pa daw sila hanggang ngayon, dahil din sa kanila ay nakilala ko sina Vanessa, Levie at Anne. Na ngayon ay mga kaibigan ko. Sinabi din nila kuya na ikakasal na daw si Kuya Andrius sa girlfriend niya, mag-aanim na taon na sila ng girlfriend niya ngayon. Si kuya Ace ay puro trabaho daw ang inaatupag niya habang si kuya Alas ay may girlfriend na.

Sana maging kagaya nina Kuya ang mga anak ko. Kahit nagkakasakitan at palaging nag-aasaran ay nariyan sila para sa isa't isa.

🥀

Road to season 2

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now