chapter 40

58 2 0
                                    

Josephine's POV

Matagal na naming pinagplanuhan to, nung araw na pumasok kami ay kinuha namin ang mga school records namin at sinabi naming wag ipaalam sa iba. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagpapakita sa iba, nagpalit din kami ng phone numbers, at binura lahat ng social media accounts.

"Bukas aalis na tayo, sinabihan ko ang secretary ko na ihanda ang private plane." Sabi ko sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila, tahimik pa rin si Levie.

"Levie, speak up." Sabi ko. Tiningnan niya ako, kasalukuyan kaming nasa salas. "I... I'm pregnant." Halos pabulong na sabi ni Levie.

Ano daw?

"Can you repeat it?" Tanong ni Anne. Bumuntong hininga si Levie. "S-sorry... Hindi ko sinasadyang magpabuntis." Umiiyak na sabi ni Levie. I held my forehead sighed heavily. Agad naman na niyakap ni Vanessa si Levie.

"Bff... Tahan na.. Hindi naman kami galit eh, disappointed kami, oo. Pero, matatanggap naman namin yan. Tsaka walang kasalanan ang batang dinadala mo. Tahan na..." Vanessa comforted her.

Ano pa ba? Andyan na, eh.

"We will help you to take care of your child, Bff. Basta wag mong lang iisipin na ipalaglag ang bata." Sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako, "H-hindi ka galit? Eclipsé- I mean Phine, Hindi Ka galit?" She asked me while sobbing.

I nodded, " Oo." I answered shortly. Niyakap niya ako. "Akala ko magagalit ka eh." Para siyang bata sa inaasta niya ngayon. I tapped her back. "Hindi ako galit." Sabi ko.

"Saan nga pala ang punta natin?" Pang-iibang usapan ni Anne. "States... But I changed my mind, we will go to London." Sagot ko.

"Don't worry, may matitirhan tayo doon."  Dagdag ko.

For sure, may inutusan na silang mga tauhan nila na maghanap samin.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising para makaalis na. Nasa pribadong eroplano na kaming apat kasama ang sekretarya ko, ilang oras pa ang lumipas ay bumiyahe na kami papuntang London. Doon na rin naming naisipang ipagpatuloy ang pag-aaral namin at palakihin ang magiging anak ni Levi. Pero pakiramdam ko, hindi lang si Levie ang buntis.
Alam ko ang mga sign kapag buntis ang isang babae, at nakikitaan ko ng sinyales ang dalawa pa naming kaibigan.

"Aminin niyo nga samin, Vanessa, Anne. Buntis ba kayo?" Diretsahang tanong ko.

"H-huh?! Anong klaseng tanong yan, bff." Vanessa.

Ako pa ang pinagloloko niyo.

"Aamin ka o hindi?" Tanong ko, bakas sa tono ng boses ko nag awtoridad.

Yumuko si Vanessa habang si Anne at umiwas ng tingin. "Ayieeeeeeee.... May pamangkin na rin ako sa inyo." Natatawang sabi ni Levie.

Maya-maya iiba na naman ang mood nitong buntis na to.

"M-manahimik ka nga." Nahihiyang sabi ni Vanessa.

"Kelan pa?" Tanong ko, tulaley na naman ang lola niyo. "Woi! Sabi ko kailan ka pa buntis? Kase itong babaeng to, isa't kalahating buwan ng buntis. Eh kayong dalawa?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Ngumuso si Vanessa, "Dalawang buwan na.." sagot niya. "Eh ikaw, Anne? Buntis ka ba o Mabubuntis pa lang?" Tanong ko.

"Pinapakaba mo ko eh! Hindi ko nga alam kung buntis ba ako o hindi." Sagot ni Anne.

Napasapo ako sa noo. "Jusko.... Sabay pa talaga..." Tinawanan naman ako ng mga bruha.
"Ako'y wag niyong tinatawanan nai-stress ako sa inyo. Dios mio."

"Eh ikaw?" Nakangising baling sakin ni Anne. Tiningnan ko siya, " Anong ako?" Tanong ko.
"Pansin kong tumataba ka eh.." sabi ni Anne.
"Kase hindi naman ako payat at malaman lang ako." Pabalang kong sabi.

"Ang sarap manapak ng kaibigan ngayon." Nanggigigil na sabi ni Anne na ikinatawa naming tatlo. "Oo nga naman, bff. Pansin ko ngang tumataba ka." Sabi naman ni Levie.

Tumataba na ba talaga ako????

"Wow... Porque tumataba buntis agad, pagsasapakin ko kayo diyan eh!" Sabi ko.

"Iiwan na talaga natin sila...." Biglang pang-iibang usapan ni Vanessa.

"Magsi-move na tayo, pareho lang naman tayong niloko ng mga hayop na yun." Sabi ko.

Oo, tama kayo ng pagkabasa. Alam ko lahat-lahat ng plano nila, ang mga motibo nila samin. Ginamit, ginawang panakip-butas, at niloko kami. I almost forgot, promises are meant to be broken. And not all I love you are true, some of it is fake or should we call it lie.

"Hey... Baby, sorry ah.. need nating lumayo kasama sina tita mo eh." Bakas sa boses ni Levie ang kalungkutang nararamdaman niya, mapait siyang ngumiti habang tinatanaw ang kalangitan. May nakita akong butil ng luha na tumulo sa mga mata niya. "I'm sorry, Jameson.." dinig kong bulong ni Levie.

"Levie." Tawag ko sa kanya para lingunin niya ako. "Bakit?" Tanong niya. "Kaya natin to. Kinaya nga natin ang mga pakikipaglaban, ito pa kayang laban natin sa tadhana." Nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya at ginantihan ako ng ngiti. "Oo nga, bff. Kaya natin to!" Pangkukumbinsi nina Anne at Vanessa. Tumawa ng mahina si Levie. "Mga siraulo talaga kayo." Aniya samin.

"Mas lamang nga lang si Phone kase siya ang leader natin." Sabi ni Anne.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano kamo?!"

"HAHAHHA! Yung mukha mo Phine, epic!" Tumawa ng malakas si Vanessa.

"Kingina niyong tatlo." Mura ko sa kanilang tatlo.

"Phine.." biglang tawag sa'kin ni Vanessa. Tiningnan ko siya. "May nangyari na ba sa inyo ni Zander?" Tanong ni Vanessa. "Oo." Sagot ko.

Oo, may nangyari sa'min kaya nga hindi ko nasagot ang tanong nila kanina kung pati din ba ako ay buntis. Yumuko ako at huminga ng malalim tsaka ibinuga. "Naaalala mo ba kung kailan?" Tanong ni Anne. Umiling ako. "Hindi ko na matandaan."

"Magpa-ultrasound ka pagkadating sa London o Kaya ay kinabukasan." Suhestiyon ni Levie.

"Grabe naman to, sa Wattpad ko lang nababasa ang taguan ng anak, eh! Tapos eto tayong apat, tinataguan ang mga ama ng dinadala natin." Natatawang sabi ni Vanessa.

"Hoy! Kayong tatlo lang, hindi ako kasali. Naneto." Mura ni Anne kay Vanessa.

I crossed my arms and legs. "Baka sa susunod na Linggo o buwan ay malalaman na lang namin na buntis ka rin." Sabi ko at umiling-iling.

Tumawa naman si Levie, "Oo nga no, kase sabi mo may nangyari sa inyo ni Lucas noong araw na hindi ka nakasama sa misyon natin." Sabi ni Levie.

"Lah?! Woi! Bakit hindi ko alam yan?! Ang daya niyo!" Reklamo ni Anne.

"Tanga! Ilang beses ka naming tinawagan pero hindi mo sinasagot!" Iritableng sabi ni Vanessa.

"Kailan ba nangyari ang misyon na yan?" Tanong ni Anne.

"3 weeks ago. Nung Biyernes ng hatinggabi." Sagot ni Levie.

"Ang daya naman eh!" Reklamo niya ulit.

"Pero atleast, may basic mathematics tutorial Ka. HAHAHAHAHA" humagalpak ng tawa sina Vanessa at Levie, maging ako ay napatawa din dahilan para mapalingon ang mga plane crew, ang sekretarya ko at ang mga bodyguards namin.

"Nakakainis kayo. Bahala nga kayo d'yan." Dinig naming bulong ni Anne at umirap.

🥀

Author's note: expect typographical errors, incorrect grammars and vulgar words. Each chapters aren't edited,

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now