Chapter 26

60 2 0
                                    

Vanessa's POV

Sabay kaming pumasok nina Levie, Anne at Phine papuntang school, naglalakad lang kami kase yun nag trip namin. Napansin ko na kanina pa ma'y sumusunod samin kaya inaya ko  muna silang pumunta sa cafe malapit sa campus.

"Tara doon tayo. Libre ko." Pag-aaya ko, hindi naman sila nakatanggi kase libre. Pumasok kami sa café at naglakad deretso sa counter.

"Welcome to La vie en rose cafe, ma'am! May I take your order?" Bati ng empleyadong nagngangalang Benilda at agad na kumuha ng papel at ballpen.

"Isang frappuccino sa'kin." Sabi ni Levie.

"Isang milktea sa'kin, Okinawa flavor with extra black pearls." Sabi  ko.

"Isang milktea sa'kin, Red velvet flavor with strawberry syrup." Sabi naman ni  Phine.

Sulitin niyo na kase ngayon lang ako manlilibre mga hayup kayo.

"Milktea din sa'kin, Dark chocolate flavor with chocolate syrup and chocolate chips on top." Sabi ni Anne.

"Isang frappuccino, tatlong milktea na Okinawa with extra black pearls, Red velvet with strawberry syrup and dark chocolate flavor with chocolate syrup and chocolate chips on top. Your order will serve in a minutes, ma'am." Sabi ni Benilda.

Umalis na kami sa counter at naghanap ng bakanteng table. "Doon tayo sa may glass wall." Sabi ni Anne.

Kinginang glass wall yan.

Sumunod naman kami sa kanya at umupo.
Nakatingin ako sa isang itim na van na naka-park sa harap ng cafe.

Subukan niyong gumawa ng eksena.

"May problema ba, Bff?" Tanong ni Levie sa'kin kaya napalingon si Phine at Anne sa'kin.

Umiling ako, "wala... May iniisip lang."

"Wushuuuuuu iniisip mo si Mr. Ssg president no?" Tanong ni Anne sa'kin.

"Tanga! Hindi ko siya iniisip!" Sagot ko.

"Weeee? Talaga ba?" Paninigurado ni Phine.

"Hindi nga, ang kulit niyo naman." Sabi ko at nilingon ang waiter na may dalang mga inumin na in-order namin.

"Here's your order, Ma'am. Enjoy your drinks!" Masayang sabi ng waiter.

"Thank you." Sabay naming sabi at tumango lang ang waiter at umalis na.

Kinuha ko ang milktea ko, tinignan ko uli ang van, hindi pa din umaalis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Zander the real one.

"Excuse me, mga bff." Sabi ko at tumayo. Lumabas muna sa cafe at sumandal sa glass wall. Sinagot niya ang tawag ko.

"What?" Bungad niya.

"May sumusunod sa bff ko." Sabi ko.

Well... I'm not a traitor, nakipag-cooperate ako sa kanya para sa kaligtasan ng kaibigan ko simula pa nung una. Kuya Zander is my relative in mother side, mas mag tiwala ako sa kanya kesa sa ibang kamag-anak namin. Ako din ang nagsasabi sa kanya ng mga ginagawa ni Phine, pati yung panliligaw ni Kuya Xavier kay Phine ay ako ang nagbabalita sa kanya.

Obsessed siya sa bff ko.

The reason why kung bakit wala nang nambubully sa kanya ay dahil kay kuya Zander. Sinasabi ko sa kanya ang mga nagaganap sa buhay ni Phine. Ako din ang nagse-send ng stolen pictures ni Phine kay Kuya Zander.

"Give me the plate number." Sabi ni kuya Zander.

Tinext ko sa kanya ang plate number ng van.

"Ako na ang bahalang magcancel ng arranged marriage mo, thank you my princess." Sabi ni kuya Zander.

"Always welcome, kuya." Ibinaba ko na ang tawag at pumasok ulit sa cafe.

"Sino yung tinawagan mo, bff?" Tanong ni Levie.

Umupo ako at ininom ang milktea ko bago sumagot. "Si mommy lang."

"Tara na. Baka malate pa tayo." Pag-aaya ni Phine.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming classroom at nagsimula nang mag-aral.

Anne's POV

Kanina ko pa napapansin ang kilos ni Vanessa. Hindi ko alam kung pansin din ba Nina Phine at Levie. Sa aming apat mas observant ako, kaya maling kilos ng tatlo ay napapansin ko agad na may mali o problema sila. Kanina ko pa din napansin ang itim na van na sumusunod samin or should I say sumusunod kay Phine. Kaya simula nung pag-alis namin sa cafe ay pinagitnaan namin siya ni Vanessa at nasa likuran si Levie na busy sa kaka Facebook at parang walang alam sa nangyayari pero kung ibabase sa instinct ko ay may alam siya sa nangyayari.

Nasa kalagitnaan kami ng klase at palihim kong tinitignan si Phine, nakita kong panay titig si Hades kay Phine, umiwas ako ng tingin at tinuon ang pansin sa klase.

"Mr. Hades Santos! Nakikinig ka ba?!" Inis na tanong ni Ms. Jackielyn. Ngumisi ako, umayos ng upo si Hades at tumango. Inirapan siya ni Ms. Jackielyn at nagturo ulit.

Deserve HAHAHAHA.

Nang matapos ang klase namin ay naging tahimik lang si Phine. Tahimik naman talaga siya pero mas lalo siyang tumahimik ngayon.

"Pandak." Sabi ni Hades.

Hindi ko siya pinansin, mahirap na baka hindi ako ang tinatawag niyang pandak.

"Hoy Anne." Tawag sa'kin ni Hades. Sinamahan ko siya ng tingin, humagikhik naman ang loko.

"Problema mo?!" Mataray na sabi ko.

"Sungit mo naman."

Kinuha ko ang notebook ko at nag-review.

Kinginang lalake 'to walang magawa sa buhay.

Panay ang tawag niya sa'kin pero hindi ko siya pinapansin, busy ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang ginagawa. Samantalang si Phine ay busy sa kakareview habang nakasuot ng earphones.

"Pandak..." Tawag sa'kin ni Hades. Inis kong binaba ang notebook ko at tinignan ng masama si Hades. " Ano ba?! Nakakapikon ka na ha! Ano bang kailangan mo at kanina mo pa ako tinatawag?! Kita mo namang may ginagawa ang tao!"

"Anyare, Ms. Secretary?" Tanong ni Kurt.

Umirap ako at padabog na kinuha ang notebook ko. "Wala." Malumanay na sabi ko.

Binubuwisit talaga ako ng hayup.

Wala kaming klase dahil may meeting na naman ang mga professors, teachers and dean. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari noong isang araw.

Flashback..

Naglalakad ako paakyat sa tambayan naming magbabarkada bubuksan ko na sana ang pinto kaso may narinig akong nagbabangayan kaya nanatili muna ako saglit sa likod ng pinto.

"Layuan mo siya." Malamig na ani ng lalake.

"Bakit ko naman siya lalayuan?! Don't fool me, Sandejas. Alam kong hindi si Josephine ang ibig mong sabihin sa sinabi mong layuan ko siya." Suminghap ang lalaking kasagutan niya at ngumisi ng nakakaloko.

"Alam kong siya ang dahilan kaya ako nagpapanggap kang isa sa professor niya para lang makita at mabantayan ang kilos niya." Sabi pa nito, kumunot ang noo ko.

Sinong "siya" ang sinasabi niya?

Pumihit ko ang pinto at binuksan ng kaunti, nakita ko Hades at si Professor Lucas. Kalmado pero nakakatakot ang awra ni Professor Lucas, habang si Hades naman ay pilit na pinapakalma ang sarili.

Sino ba ang tinutukoy nilang dalawa?

Lumabas ako at nagpakita sa kanila na para bang wala akong narinig at nakita. Nakita ko pa ang gulat na reaksyon ni Hades pero si Professor Lucas ay ningitian ako.

End of flashback.

Sino nga ba ang tinutukoy nilang dalawa?

Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy sa pagre-review.

To be continued...

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now