chapter 30

60 2 0
                                    

A/N: Mga ilang chapters pa? Hmmmm.... Secret hehehe.

Josephine's POV

2 weeks na simula noong na ospital ako, buti na lang at pinauwi na ako. Pero hindi sa bahay namin, sa bahay ni Zander. Naka leave daw muna siya sa ospital kase aalagaan niya ako, ang daming bawal sa lalaking to.

"I told you, bawal ka nyan. Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" Inis niyang sabi at kinuha ang basket na may lamang mga damit na labahin saka ibinaba.

"Hindi naman ho ako stuffed toy na malambot ang ulo." Pamimilosopo ko.

"Let's eat." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Papunta kami sa dining, medyo malayo kase ang dining at kitchen area ni Zander sa living room.

"Anong ulam?" Tanong ko.

"Your favorite." Sagot niya.

Grabe.. isang tanong, isang sagot talaga siya. Ano yan? Fast talk with Boy Abunda?

Nang makarating kami sa Dining area ay bumungad sa'kin ang hilehilerang mga favorite food ko.

"Sinigang na hipon, adobong manok, deep fried pork chop and ice cream!" Mahinang sigaw ko.

"Niluto mo talaga yan?" Paninigurado ko.

"Yes." Sagot ni Zander the isang tanong, isang sagot.

Zander's POV

I saw eagerness from her. Ang pananabik niya sa mga paborito niyang pagkain ay pinasasaya siya.

"Kumain na tayo." Nakangiting sabi niya.

I can't resist her cuteness when it comes to food.
I smiled back, "sure. Do you like it?" I asked her.

"Gagi anong like?! I really like it! Alin kaya dito ang uunahin ko?" Pabulong niyang sabi.

I chuckled, kinuha ko ang bowl niya at nilagyan ng sinigang na hipon saka ibinalik sa dating kinalalagyan ng bowl, nag-umpisa na siyang kumain. Nilagyan ko na din kanina ang pinggan niya ng kanin na may deep fried pork chop at adobong manok sa gilid. Nag-umpisa na rin akong kumain.

"Ang sharap." She said while her mouth is full.

"Stop talking and eat." Utos ko.

"Grabe ka, ikaw na nga ang pinupuri, eh." Ngumungusong sabi niya.

" you're my adenine in my thymine and guanine in my cytosine." Banat ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at tiningnan niya ako ng nagtataka, "eh? Matalino ako pero hindi ako mahilig sa science."

Sabi na nga ba hindi niya maiintindihan.

"Tss."

"Ano ba ang ibig sabihin nun?" She asked me while she's eating an ice cream.

"You're my perfect piece." When I said that I saw her face gets blushing in red. I automatically smiled.

"Pft." She continued to eat, but her face are still blushing.

Cute.

Josephine's POV

Tahimik lang kaming kumakain ng ice cream nang biglang siyang nagsalita.

"Mi Reina." Tawag niya sa'kin. Taka ko siyang tiningnan. "Hm?"

"Let's get married."  Aniya. Muntik pa akong mabilaukan.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

"Let's get married, Mi Reina."

Aba inulit pa talaga.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now