chapter 19

64 3 0
                                    

Josephine's POV

Miyerkules na ngayon at pumasok na ako sa eskwela, may long quiz sila at excuse sana ako kaso nagpumilit ako sa sumali sa long quiz nila.
Lumipas ang ilang minuto ay nagcheck na kami.

"Tangina... Absent ka ng dalawang araw pero perfect score ka, Phine." Iniabot sakin ni Stefanie ang papel ko.

Oo nga no? Perfect score ako, eh hindi naman ako nagreview.

"Ilan ang score mo beh? Patingin." Sabi ni Anne.
Iniabot ko naman sa kanya at nagulat sa score ko.

"Naknamputcha! 50 over 50?! Kingina, absent ka ng dalawang araw ah. Nagreview ka ba sa isenend kong lessons?" Umiling ako.

"Sus maryusep! Paano?! Prayer reveal ka beh! Baka sakaling tumaas ang score ko!"

Pinagkukumpara niya ang score ko at score niya. 30 ang scores niya.

"Hindi narin naman masama yang score mo." Malumanay kong sabi.

"Beh! Hindi mo ba narinig si Ma'am?! 40 ang passing score! Tapos ikaw ang nakahighest!" Sigaw niya.

"Ang tataba at lulusog ng braincells mo, president!" Sigaw ng Escort namin na si Ashton.

"Prayer reveal naman, ms. President." Sabi ni Dianna, kaklase namin.

"Panigurado si president na naman ang highest honor this semester. Palagi ba namang perfect score." Sabi ni Liam

"Nakakainggit ka, Ms. President." Sabi ni Hazel.

"Magreview kase kayo, wag niyong imememorize instead ifamiliarize niyo. Basahin niyo ng mabuti at basahin ulit para kapag may long quiz or recitation familiar sa inyo ang tanong at alam niyo ang isasagot." Pangaral ko.

"Ahhh.."  silang lahat.

Iidlip sana ako kaso bigla akong kinalabit ni Anne. "Oh bakit?" Umayos ako ng upo.

"Di ba manliligaw mo to?" Iniabot niya sa'kin ang cellphone niya.

Nakita ko sa picture si Zander na may kasamang babae, masaya silang dalawa.

I love you, love.

Yun ang caption na nabasa ko. Parang may kung ano ang tumusok sa puso ko. Nakamention sa si Zander.

"Uy... Okay ka lang?" Tanong ni Anne sa'kin.

H-ha? H-hehehe oo naman." Nasa ig picture parin ang atensyon ko.

Bakit? Kung kailan nagugustuhan na kita sasaktan mo na agad ako.

Binawi ni Anne ang cellphone niya, pinunasan ko ang pisnge ko na basang-basa sa luha ko. Tumayo ako at umalis sa classroom.

"Hoy! Saan ka pupunta?! Phine!" Tawag sa'kin ni Anne.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na umakyat hanggang sa marating ko ang rooftop ng building at humagulgol.

"Alam ko namang wala pang tayo pero nangako kang hihintayin mo ko hanggang sa mahilig na ako sayo. Gusto na Kita pero ang gandang bungad nun." Bulong ko sa hangin.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak, biglang may taong lumapit sa'kin at inabutan ako ng panyo.
"Kunin mo na, nangangawit na ako." Sabi ng kung sino.

Kinuha ko naman gaya ng sabi niya at pinunas yon sa mga pisnge Kong basa. Inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino, si Hades lang pala.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Kung magsisinungaling ako na "Okay lang ako." Paniniwalaan mo ba?" Tanong ko.

Umiling siya at ngumiti. " Hindi."

"Bakit tinatanong mo pa?"

Parehas naming tinatanaw ang buong campus. Masarap ang hangin dahil may mga puno at iba pang halaman.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now