Chapter 20

60 3 0
                                    

Hades POV.

Kanina pa iyak nang iyak si Phine, nandito kami ngayon sa isa sa property ng mama ko, wala pang nakatayo na bahay, at kitang Kita ang buong syudad. Bago kami nagtungo dito ay dumaan muna kami sa convenience store at bumili ng snacks at drinks. Sa kakaiyak niya ay nakatulog siya. Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong iiyak lang siya ulit.

I hate seeing girls crying.

She's peacefully sleeping inside of my car, while I'm outside. Dinadama ang sariwang hangin. Bumalik na ako sa loob ng kotse at pinagmamasdan ang babaeng gusto ko. I saw her tears fell down into her cheek, pinunasan ko agad iyon. I'm staring at her face down to her lips. I gulp.

I feel like I want to kiss her but I can't.

Wala sa bokabularyo ko ang magnakaw ng halik ng babae, kung gusto kong halikan ang babae ay hihingi muna ako ng permiso niya kung pwede ko ba siyang halikan.

Hinalikan ko na lang siya sa noo, "sleep well."
Someone's knocking on my window, lumingon ako at wala namang tao. Lumabas ako ng kotse at may biglang humablot sa kwelyo ko.

"Don't you fucking dare to kiss her." He said coldly.

Nakaitim siyang lahat, napangisi ako. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong laging sumusunod kay Phine.

"I already kissed her-" he punched me.

Ngayon Kita ko na ang mukha niya.

"Ikaw..." Bulong ko.

"How dare you to kiss her! Gusto mo bang makasama ang tatay mo sa langit?!" Sigaw niya.

Si... Zander... Retrouville..

Tinutukan niya ako ng baril sa ulo. "Isang halik mo pa sa kanya, didiretso ka sa langit." Pagbabanta niya.

"Bakit mo siya sinusundan?" Nagtatakang tanong ko.

"Because she's mine. Not yours, but mine." He answered.

"Kukunin ko kung ano ang sa'kin. Kapag nakita ko ang katawan mo na dikit nang dikit sa kanya,   I won't hesitate to kill you." Dagdag niya.

Ibinalik niya sa gun holster ang baril at pumunta sa passenger seat ng sasakyan ko at binuksan ang pinto ng kotse. Dahan-dahan niyang binuhat ang katawan ni Phine natutulog at sumakay sa kotse niya.

Zander Retrouville... Hindi ko hahayaang kunin mo siya sa'kin. A psychopath Mafia boss...

Josephine's POV.

Nagising ako dahil sa bango ng paligid, amoy lavender ang buong kwarto. Tinignan ko ang buong paligid at napansin kong hindi Ito ang kwarto ko.

"Tangina.. nasan ako?" Tanong ko sa sarili ko.

"Good morning, young lady." Bati ng lalaking medyo may katandaan na.

Ang huling natatandaan ko nasa kotse ako ni Hades. Lumapit ito sa'kin.

"S-sino ka po? At nasaan ako?" Tanong ko.

"I'm butler Giovanni, young lady. At nandito ka sa mansyon ni master." Sagot niya.

Ehh???????

Ano daaaaaaaaw?!

Mansyon? Butler? Master?!

Gago, Phine. Baka kinidnap ka! Tumingin ako sa labas at nakita kong sikat na ang araw. Mapapatay ako ni kuya Lawrence!

"K-kailangan ko na pong umalis baka po hinahanap ako sa'min. At.. at.. may pasok pa po ako." Dali-dali akong tumayo at doon ko na lamang napansin na iba na pala ang damit na suot ko.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now