Chapter 2

759 7 0
                                    

Naunang bumaba si Ziah kaysa sa akin dahil kailangan ko pang ayusin ang sarili ko bago bumaba.

Naiinis ko namang sinuot ang bra ko na tinapon niya lang sa kung saan. Gaya ng napag usapan namin ay hindi siya naglagay ng kahit na anong marka sa leeg ko pero ang dibdib ko naman ang pinagkaabalahan niya.

Napairap na lang ako sa karupukan ko. Matapos ang aming makeout session ay pinaliwanag niya kung bakit sila magkasama ni Anne. Medyo nakakahiya pa nga dahil nagselos pa ako sa sarili kong katangahan.

Noong nasa Batangas kasi ay sumama ako sa mga kumare ni mama na kinabibilangan nung bruhang Anne na yon. Kaya lang naman ako sumama ay para matikman yung special Goto ng Batangas kaya rin sumunod si Ziah. Medyo nalimutan ko lang iyon dahil nga sa pagyakap yakap ng Anne na yon sa Ziah ko.

Nang maliwanagan na ako na kaya pumunta si Ziah sa batangas ay dahil sa utos ko ay kumalma na ako at nakipagbati.

Wag na din siyang magreklamo noh! Halos papakin niya na ako kanina kaya bawing bawi na din yon. Matapos kong mag ayos ay bumaba na din ako.

"Oh anong masamang hangin at naisipang mong bumama aber?" sermon ni mama na hawak pa ang sandok.

"Edi aakyat" pabalang kong sagot. Napahiyaw ako sa sakit ng batuhin ako ni mama ng takip ng kaldero.

"Hoy prinsesa. Marami ka pang gagawin tapos aakyat ka?"

"Eh ang sabi mo bakit ako bumaba? Tapos ngayo-"

"Aba't sumasagot ka pa" hahampasin sana ulet ako ni mama ng humarang na si papa sa gitna namin.

"Hon tama na. Andito na si Atara o" paglalambing ni papa. Nakatalikod si mama kaya naman sinenyasan ako ni papa na umalis na.

Patakbo akong pumunta na sa labas dala ang konting beer. Tatlo lang ang nadala ko dahil ayun lang ang kaya ko.

"Oh eto na ba ang nag iisang anak ni Alberto?" napairap na lang ako ng marinig ang malakas na sigaw ng isa pa sa mga Ninong ko, si Ninong Rham na mukhang lasing na kahit wala pang naiinom.

Wala akong nagawa kundi lumapit sa lamesa nila at ibaba ang mga dala kong beer. Nahagip ng mata ko ang mapaglarong mata ni Ziah. Hindi ko magawang landiin siya dahil nasa harap kami ng mga kaibigan nila ni papa.

"Ilang taon ka na iha?" tanong naman ni Ninong Bryce.

"21 na po" nahihiya kong sagot dahil ramdam ko ang mainit na tingin ni Ziah sa akin.

"Jusko may bente uno na pala akong ina anak. Kung di lang kasi nag anak ng maaga tong si Alberto" naiiling na sabi ni Tito Louie na pinsan ni papa.

"Ilang taon nga ulit ang papa mo non?" tanong ni Tito Gallen na pinsan naman ni mama.

"14 po"

"Lupet ng lodi ko" malakas na halakhak ni Tito Louie.

"Atara palamigin mo muna ulo ng mama mo. Kung di ka ba naman kasi sumagot sagot pa" pinitik ni papa ang noo ko at kinurot ang ilong ko.

Naiinis kong inalis ang kamay niya dahil ang baho. Tumawa lang siya at umupo na sa kanyang pwesto.

"Bakit kayo nagtatawanan?" tanong ni papa na walang ideya sa pinag uusapan ng mga kumpare niya.

"Bente uno na pala tong si Atara. Naalala ko kung paanong yung uhugin kong pinsan ay nakabuo ng ganito kaganda" natatawang asar ni Tito Louie.

Umiling lang si papa at inakbayan pa ako "Syempre mana sa papa" umirap lang ako at inalis ang akbay ni papa.

At ayun na nga po ang simula ng payabangan nilang magkakaibigan. Si papa ay walang ginawa kundi iyabang ako dahil bata pa ang mga anak ng iba kong Ninong at Tito. Si papa lang naman kasi ang malandi at umanak ng maaga.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon