Chapter 11

285 5 0
                                    

"Bakit Shayah?"

"Ang ibig sabihin nun ay woman worthy of God's gift. Sa pangalan pa lang niya alam kong bawat bunga niya ay blessing" umirap lang si Catherine sa akin. Alam kong naninibago pa din siya sa ugali ko.

"Alam mo minsan namimiss ko yung bitchesang Atara na ang sarap sampalin" ngumiti lang ako at pinanatili ang tingin sa mga bulaklak.

Naramdaman ko ang hawak niya sa braso ko. Sinandal niya ang ulo sa aking balikat.

"What happened to you? Hindi kami nagtanong kay Tita kahit na araw araw siyang may inaaway na lalaki. Palaging nakaluhod yung lalaki sa tapat ng pinto mo. Pamilyar siya, alam ko kaibigan siya nila Tito pero ang di ko maintindihan ay bakit ganon na lang ang galit ni Tita"

"Even when you woke up. Walang sinabi si Tita at dali dali kang nilipad sa ibang bansa. We wanted to talk to Tita so much dahil baka pinipilit ka nila but you wouldn't talk. You don't want to talk to us even now" hinawakan ko lang ang kamay niya.

Lumipas ang oras na nasa ganong posisyon lang kami at wala akong sinabi kahit isa. Pinunasan ni Catherine ang pisngi niyang puro luha.

"You are still my maid of honor" hinalikan niya ang pisngi ko at pinuntahan na ang asawa.

Nag usap sila tungkol sa kasal nila at sa kung ano ano pang mga bagay habang nakatanaw sa mga bulaklak.

"Atara sorry pwede bang pa picture?" ngumiti naman ako at tumango. Kinuha ko ang cellphone ni Efren at kinunan lang sila ng litrato. Sobrang dami nilang poses at gustong gusto nila ang mga bulaklak.

"Salamat talaga Atara" hinalikan ko siya sa pisngi. Inantay ko silang pumasok sa sasakyan at umalis bago ako pumasok sa cafe.

"Mam kaibigan niyo po?"

"Oo"

"Wow mayaman pala talaga kayo no mam. Kasi mukhang taga maynila yung kaibigan niyo" ngumiti lang at tinulungan na silang mag ayos.

"Babye mam ingat kayo" kinawayan ko lang sila at nagdrive na pauwi. Napansin ko ang napakaraming tirang tsaa na inuwi ko galing cafe. Di ko naman iyon mauubos kaya kinabig ko ang sasakyan papunta sa tanging kapit bahay ko.

"Nanay Esperanza" tawag ko sa matandang babae. Walang tao kaya naman naglakad na ako papasok. Sinilip ko ang loob sa bintana pero wala akong makita.

"Tatay Simon" sigaw ko dahil alam kong andito lang naman yung mga matatanda. Pumunta ako sa gilid para tignan kung may tao ang bahay. Pagsilip ko sa bintana ay may nakita akong lalaking nakahubad baro na nakatalikod.

"Tay kayo ba yan?" magnanakaw kaya to? Impossible na si tatay to. Payat si tatay sobrang laki nito. Wala ding muscles sa likod si tatay.

"Nay!" bago pa lumingon ang lalaki ay nagtago na ako. Baka pinatay na niya sila nanay!

Napatakip ako ng bibig at dahan dahang naglakad papalabas. Sana di siya lumabas. Ayaw ko pa mamatay.

Papasakay na ako ng biglang may tumawag ng pangalan no.

"Ay patay!"

"Ha? Sinong patay anak?" dahan dahan kong nilingon ang boses. Napahinga ako ng malalim ng makita si Nanay Esperanza na nasa harap ng pinto.

Lumabas siya at inalalayan ako paakyat ng sasakyan.

"Bat ka napadalaw anak?"

"Ay wala nay bibigay ko sana sainyo yung mga tsaa. Wala pong tao?"

Alam kong may tao pero baka binablackmail ng killer si nanay kaya di niya pwedeng sabihin.

Nay pikit ka lang ng tatlong beses tatawag na ako ng pulis.

"Sino yung lalaki sa loob?" diretsahang tanong ko kay nanay. Mukha namang nataranta siya sa tanong ko kaya tumalon na ako sa pickup ko at hinawakan ang kamay niya.

"Mamamatay tao po ba?"

"Ha? Hindi! Susmaryosep hindi anak!" napakunot naman ang noo ko sa reaksyon ni nanay.

"Si ano yon. Ano kasi nagpasibak ang tatay mo ng kahoy para may magamit kami panggatong mamaya"

"Ha? Bat kayo naggaganun nay. May spare akong kalan at gasul. Dadalhin ko. Teka lang" papasok na sana ako sa bahay nila ng harangin niya ako at hilahin palabas.

"Mausok anak. Mausok sige ano. Okay na kami ng tatay mo dito. Magsasaing pa ako" may sasabihin pa sana ako ng itulak niya ako papunta sa kotse ko.

Wala na akong nagawa ng kawayan ako ni nanay at saraduhan ng pinto. Hindi kaya binablackmail nga sila? Pero sino? Bakit? Dalawang matanda lang yon.

Winaksi ko na ang iniisip dahil baka mastress lang ako. Ayaw ko ng ma coma kaya ni uturn ko na ang sasakyan at nagdrive na papunta sa bahay.

Simple lang ang bahay na mayroon ako. Magarbo pa nga sa pangkaraniwang bahay sa probinsya pero wala na akong magagawa dahil regalo ito nila papa. Pinatong ko na ang tablet sa counter at nagsimula ng magluto.

"Sinasabi ko na nga ba" bungad ni mama ng mag connect ang call namin. Video call kaya kita nila ang ginagawa ko.

"Ang utos ko tuwing ala singko ka tatawag. Ala sais na Atara!" napangiti na lang ako sa walang kasawaang sermon ni mama.

"Sorry ma" nawala naman ang galit sa mukha ni mama at natahimik.

"Ay busy ka ba? Sorry din nak" ngumiti lang ako bilang sagot.

Alam kong may parte rin na kasalanan ko kung bakit lumayo ang loob ko kina mama at papa. Si papa ay may malaking tampo sa akin dahil hindi niya akalaing kaya kong mag suicide. Syempre nag iisang anak nila ako tas ganun ang nangyari. Isa pang malaking impact kay papa ay ang siya ang nakakita sa aking nakalambitin sa kwarto. Kung hindi siguro sakanya ay wala na ako dito. Si mama naman ay tumahimik na. Sa tuwing sesermonan niya ako gaya ngayon at di ko siya nasuklian ng kasupladahan ay titigil na lang siya.

Maraming nagbago sa amin, siguro ay mabuti na din yon. Ayokong makita silang nasasaktan pag nakikita nila akong depressed.

"Okay ka lang ba dyan anak?"

"Opo"

Nag kwento lang si mama tungkol sa letsunan. Pili lang din ang mga kwento niya dahil alam niyang ayaw ko naririnig ang tungkol sa mga kaibigan ni papa. Nang dumating si papa ay sabay sabay na kaming kumain. Malayo man ako sakanila ay sabay sabay pa din kami kung kumain.

Naghuhugas na ako ng makarinig na pamilyar na boses.

"Hoy Alberto" napahakbang ako paatras at nagsimula na manginig ang aking mga kamay.

Nakita ko ang pagsilip ni Ninong Rham sa screen kaya agad ko itong inend. Pumikit ako at dinantay ang mga kamay sa counter.

Pilit kong pinapractice ang paghinga na tinuro sa akin ng psychiatrist ko pero hindi ko magawa. Natatarantang hinawakan ko ang leeg ko para makahinga. Nagmamadali akong tumakbo sa cr para kunin ang gamot ko.

Naguunahan ng magpatakan ang mga luha ko dahil hindi ako makahinga. Pagkakuha ko ay agad kong ininom iyon. Nanatili ang tingin ko sa bote ng gamot ko.

Umupo lang ako sa toilet bowl at hinayaang kumalma ang nanginginig kong kalamnan.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nasa cr basta ang alam ko ay kalmado na ako. Inayos ko na ang mga kalat sa kusina at lamesa. Hindi ko na din kinuha ang tablet at hinayaan na lang doon. Umupo na ako sa sofa para ayusin na ang tulugan ko.

Simula ng mag attempt ako ng suicide ay hindi na ako nakakatulog sa kwarto. Feeling ko kahit tulog ay kaya kong wakasan ang buhay ko pag sa kwarto ako natulog.

Pinatong ko na ang bote ng gamot ko sa Coffee table na katabi ng sofa. Minsan lang ako magkapanic attacks gaya kanina pag may nagtritrigger lang sa akin doon lang ako inaatake.

Kaya hindi na rin pwedeng banggitin o makita ang mga ninong o ibang tito ko ay dahil isa sila sa mga trigger ko.

Bago humiga ay sinarado ko muna lahat ng pinto at binuksan ang lampshade ko. Bago matulog ay nakaugalian ko ng magbasa ng mga libro tungkol sa halaman. Marami pa akong hindi alam kaya patuloy pa din ako sa pag aaral tungkol sa mga to. 

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now