Chapter 24

252 4 0
                                    

"This is our baby"

Pagkabigay ko sakanya non ay nanginginig niyang kinuha iyon, para bang ang papel na yon ay isang ginto.

Sunod sunod na nagpatakan ang mga luha niya. Nanatili naman akong nakatayo. Niyakap niya ang tiyan ko at hinalik halikan iyon.

"I'll love you and our baby till my last breath" niyakap ko lang ang kanyang ulong nakasubsob sa aking tiyan.

"I love you too Ziah" umiyak lang siya ng umiyak habang maingat na hawak ang ultrasound. Ang mukha naman niya ay hinahalik halikan ang tiyan ko.

Tumagal kaming nasa ganung posisyon hanggang sa maabutan ni Ninong Bryce. Nakayakap lang ang kamay ko sa ulo ni Ziah. Nginitian ko si Ninong Bryce saka kinuha kay Ziah ang ultrasound.

"You're my ninong so it makes you his/her lolo" natatawang pang asar ko kay Ninong Bryce.

Napangiti naman ako ng makitang hindi siya nainis sa asar ko kundi namula ang kanyang mga mata habang nakatitig sa ultrasound ko.

"I'm so happy for you" yun lang ang mga salitang sinabi ni Ninong Bryce pero sobrang gumaan na ang pakiramdam ko.

Andun siya noong mga panahong umiiyak ako dahil nalaman kong may PCOS ako. Alam ko din na kinukwento ni papa sakanila kung gaano ako kalungkot ng malamang baka hindi ako magkaanak.

Kaya ngayon alam kong masaya din siya para sa akin.

"Congratulations" niyakap ko si Ninong Bryce na tinapik tapik lang ang likod ko.

"Kahit na gago ang ama niyan. Mahal ko na yang baby na yan" hinawakan niya ang tiyan ko saka umaktong kinakausap iyon.

"Pag lalaki ka, wag kang gagaya sa papa mo. Pag babae naman wag sana magmana sa mama" binatukan ko ang siraulo na tumawa lang.

Tinapik niya ang ulo ko saka lumakad papalapit kay Ziah.

"Wala pa yan sa gagawin ni Alberto sayo" akala ko ay sasapukin ulit ni Ninong si Ziah pero nag bro hug silang dalawa at cinongratulate ni Ninong si Ziah.

"Masaya ako para sainyo" ngumiti lang ako saka lumapit na kay Ziah.

"I'm happy for us too"

****

"Sasabihin na ba natin?" tanong ko habang hawak ang kamay ni Ziah. Umuwi na si Ninong Bryce dahil tinatawagan na siya ng asawa niya.

Papunta naman kami sa bahay dahil tumawag si mama. Totoong galit siya kaya naman naisipan namin ni Ziah na ipaliwanag na sakanilang dalawa ang relasyon namin. Oras na din para malaman ni papa.

"Are you okay?" ngumiti naman ako saka tumango.

Masaya na ako dahil bumili na si Ziah ng siomai na galing sa Hen Lin. Ayaw ko ng ibang siomai gusto ko Hen Lin lang kaya medyo byumahe pa kami.

Hinayaan lang ako ni Ziah. Bumili na din siya ng mga frozen na siomai ng Hen Lin dahil alam niyang maghahanap ako nun. Bumili na din siya ng ketchup sa 7/11 dahil ayun ang gusto kong sawsawan.

"Is it delicious?" tumango naman ako saka nag thumbs up.

May malaking lalagyanan ung order namin dahil sobrang dami niyang binili. Siomai lang ang gusto ko kaya ayun lang ang binili namin.

"Careful. Wag masyadong madami. Walang aagaw niyan baby" inirapan ko lang siya saka pinanuod ang mga kotse.

Ubos na yung siomai ng makarating kami. Gusto ko pa sana kaso kailangan muna namin kausapin sila mama. Ang pangit naman kung utusan ko agad si Ziah na magluto habang nanggagalaiti si mama.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon