Chapter 25

323 3 0
                                    

Amoy na amoy ko ang mabangong simoy ng hangin. Kitang kita ko ang mga best friends kong di mapakali at mukhang sila pa ang kinakabahan.

Lumapit sa akin si Nanay Esperanza at inabot sa akin ang isang tangkay ng sunflower.

"Ang sabi ng batang iyon ay eto daw ang huli niyang regalo sayo bago kayo magkahiwalay. Kaya rin daw ayaw mo ng itatanim ang bulaklak na iyan. Pero dahil ngayon ay alam kong umusbong na ulit ang pagmamahal sa iyong puso, ito ang regalo ko"

Ngumiti ako kay nanay na naging parte ng buhay ko sa probinsya. Wala si mama at papa kaya naman sakanila ako nakahanap ng pamilya.

"Nabubulok iyon at alam kong marahil ay hindi mo na maiuwi yan sa inyong tahanan pero ang mensahe ng bulaklak na iyan ay magpakawalang hanggan. Gaya ng pag iibigan niyo"

Siguro ay dahil buntis ako kaya madali akong maiyak. Pinunasan ni nanay ang mga luha ko sa pisngi. Si mama naman ang umasikaso kina nanay at tatay. Si Catherine naman ay nilapitan ako at umangal dahil ireretouch nanaman daw ako.

Tapos na ang photoshoot, ang gift giving at ang pag video shoot sa akin. Nag aantay na lang kami sa cue ng organizer na magsisimula na.

Sa flower garden ko, sa Shayah ko napili ang kasal namin. Balak ni Ziah ikasal pa kami sa simbahan malapit sa bahay namin nila mama dahil gusto daw niya alam ng buong lugar namin na kasal na kami. Pumayag naman si papa dahil gusto daw niya imbitahan lahat ng nasa letsunan at mga suki niya. Wala na akong nagawa kundi pumayag dahil gusto nanaman magyabang ng magaling kong ama.

Si mama ay naisip na gawin na lang itong intimate wedding kung saan mga close ko lang ang invited. Lahat ng mga ninong ko at tito ko at mga asawa nila ay invited. Kahit ang pamilya nila Tito Louie na tinirhan ko sa America ay ininvite ko. Pati na din si Ninang Anne na pinagselosan ko dati ay invited dahil tropa siya ni mama.

Ang pinakanakakatawa ay ininvite ni Ziah pati mga kaklase ko para sa kasal namin sa simbahan. Lalong lalo na si Dominic na hindi ko matandaan. Hindi ko alam bat gigil na gigil siya doon pero ininvite pa din niya.

Sinipulan ko si Raptor na pormang porma. Mamaya ay kakagatin niya ang unan na dala ang mga singsing. Tinerain na siya ni Ziah para doon dahil gusto ko siya ang maging ring bearer namin.

Wala din akong maid of honor pero may tatlo akong matron of honor. Puro kasal na kasi sila kaya wala akong makuhang maid of honor. Si Ninong Alfred naman ang napili ni Ziah na maging best man. Dapat si Ninong Bryce kaso nagtampo sila Ninong Rham kaya walang nagawa kundi si Ninong Alfred na lang.

"You look so beautiful anak" inirapan ko naman si papa na kanina pa iyak ng iyak. Magmula noong makita niya akong nakasuot ng wedding gown hanggang sa picture taking namin ay panay ang iyak niya.

Si mama naman ay kalmado lang na nakataas ang kilay sa akin. Tinaasan ko din siya ng kilay kaya naman natawa siya.

"Sa dami ng araw na titigyawatin ka. Ngayon pa talagang kasal mo" angil niya sa akin.

Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil hindi kami pwede mag tabi ni Ziah. Sa gitna ako ni mama at papa natulog pero hindi ako makatulog dahil hinahanap ko yung amoy ni Ziah.

"Ano ka ba hon, ang ganda ganda nga ng anak natin" sabat ni papa na kina angil ni mama. Natawa lang ako at parehas silang hinalikan sa pisngi.

"I am so thankful and happy na kayo ang mama at papa ko. I love you so much mama. I love you so much papa" lalong lumakas ang hagulgol ni papa. Si mama naman ay yumakap lang sa akin.

May tumapik sa akin kaya napalingon ako. Nakita ko ang naggwagwapuhan kong Tito. Sila Tito Louie at Tito Gallen ay maghahatid din sa akin sa altar. Bale paghawi ng kurtina ay ako muna ang maglalakad saka ako ihahatid nila Titos kina mama at papa. Sila papa at mama naman ang maghahatid sa akin kay Ziah.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now