Chapter 9

306 2 0
                                    

Nanatiling tahimik ang lahat. Kinuha ni Ziah ang bata sa babae at hinawakan ang braso nito.

"Mag usap tayo" ayun lang ang tanging narinig ko bago sila lumabas sa pinto.

Hindi ko alam kung anong irereact ko o kung may karapatan ba akong mag react.

"Siguro hindi yon anak ni Hezekiah. Alam mo naman yon maaawain sa pulubi" biro ni Ninong Alfred na alam kong sa akin nakatingin pero wala akong pakealam.

Nanatili lang akong nakatayo don. Sinilip ng ibang mga tsismoso kong ninong kung ano ang nangyayari sa labas kahit si papa ay nakisilip din.

"Mukhang kilala Alfred. Hawak niya yung kamay eh" napapikit na lang ako ng marinig iyon.

"Hindi nga! Baka pinaaalis lang" angil naman ni Ninong Bryce.

"Bat kayo nagagalit?" angil ni Tito Gallen dahil sumigaw si Ninong Bryce sa tenga niya.

"Ay basta di yan bubuntis si Hezekiah" malakas na sabi ni Ninong Alfred na para bang gusto iyon iparating sa akin pero wala akong pakealam.

"Akyat tayo" naramdaman ko ang hawak ni mama sa braso ko. Umiling naman ako at tinignan siya.

"Aantayin ko siya" tumango lang si mama at hinawakan ang kamay ko.

Bumalik na din sila Ninong at Tito sa labas. Si papa naman ay tinapik lang ang balikat ni mama bilang pagpapaalam. Nakatayo pa din ako sa kung saan ako iniwan ni Ziah kanina.

"Dun na natin siya antayin" tumango na lang ako kay mama at hinayaan siyang hilahin ako.

Nagpatuloy sa kasiyahan sila papa. Maingay ulit na para bang walang nangyaring eksena kanina.

Napa angat ako ng tingin ng abutan ako ni Ninong Bryce ng alak.

"Trust him" yun lang ang sinabi niya at sumali na kina papa. Hindi na lang ako umimik at kumain na lang ng cheesecake.

Lumipas ang isang oras at si Manang ang lumabas sa pinto hindi si Ziah.

"Mam ser sabi po ni Sir Hezekiah. Aalis lang daw po muna siya" nagthumbs up lang si papa bilang sagot. Si mama naman ay tumayo.

"Wala bang ibang binilin?"

"Po? Wala naman po. Sabi niya lang sabihin sainyo na aalis na siya" nanatili lang ang tingin ko sa cheesecake habang nag uusap sila manang at mama.

Lumipas ang maraming oras at lasing na sila Tito at Ninong. Si papa naman ay natutulog na sa lamesa.

"Aantayin mo pa ba?"

"Opo"

Tumango lang si mama at hinawakan ang kamay ko. Nagpahanda siya kina manang ng tsaa ko at pina alalayan na sila papa kina kuya driver dahil hindi namin kaya ang bigat.

Nanatili lang kaming nasa labas ni mama kahit wala na sila papa. Patay na din ang karaoke. Ang tanging nasa harap na lang namin ay isang takure ng mainit na tubig at basket na puro tsaa. May dalawang slice din ng cheesecake.

"Alas tres na" yun lang ang sinabi ni mama. Nilingon ko siya at nakita ang awa sa kanyang mga mata.

"Ma, hindi anak ni Ziah yun diba?" hindi ko alam kung bakit ganun ang boses ko pero parang hindi ako yon.

"Hindi natin alam anak" pinikit ko lang ang mga mata at hinayaang lumandas sa pisngi ko ang mga luha.

"Ang sabi niya. Ang sabi niya di niya ako lolokohin"

Tahimik lang si mama na hawak ang kamay ko. Nag antay pa kami hanggang sa makita na namin ang pagsikat ng araw. Doon na bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now