Chapter 22

275 4 0
                                    

R18

"It's alright" kanina pa kinakabahan si Ziah kaya natatawa na lang ako.

Mag dadalawang buwan na niya akong hinahatid sa mga therapy ko pero ngayon pa lang siya pumasok. Usually kasi ay dinadrop at pinipick up niya na lang ako sa labas.

"It's for couples" paliwanag ko. Hindi ito ang pangkaraniwan kong therapy. I applied for a couple's therapy kasi alam kong may mga bagay na hindi pa din namin kayang pag usapan ni Ziah. And there's nothing wrong with having a session naman kaya pinush ko na.

"Baka di tayo makapasa" pagkasabi niya non ay di ko na napigilang humalakhak.

"Gago di to exam" siniksik niya lang ang mukha sa aking leeg. Tawang tawa lang ako habang hinihimas ang malapad niyang likod.

"I don't know shit about this. Kaya baka bumagsak ako" tinapik ko lang ang balikat niya.

Wala ng pag asa.

Hinayaan ko na lang siyang mag inarte. Pagtapos namin ay agad siyang bumuntong hininga saka hinalikan ang noo ko.

"Thank you" ngumiti lang ako at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"This is why I wanted this" tumango naman siya saka inalalayan na ako paakyat.

"How are you feeling?"

"Much better" binuksan niya na ang makina ng sasakyan saka nag drive na papunta sa restaurant na pinagreservan namin.

Nung unang mga linggo na nagpapatherapy ako ay hindi ko siya pinapansin. Ayaw ko sakanya. Alam kong maayos na kami pero hindi ko magawang pagkatiwalaan ulit siya. There is still doubt and fear. Takot akong masaktan niyang muli kaya parang ayaw ko na ulit. But he remained patient. Tuwing pumupunta siya sa bahay ay tinataboy namin siya ni mama pero hindi siya sumuko.

Tuwing gabi ay magpapadeliver siya ng kung ano ano. Siya rin ang naghahatid sa akin sa therapy. Siya rin ang nagbabayad dahil yun ang gusto niya. Kaya ko naman bayaran dahil may pera naman ako sa cafe, flower shops at sa mga bulaklak ko pero mapilit pa din siya.

Ang rason niya palagi ay it's my way of saying I'm here for you. Syempre sinong hindi rurupok dyan diba? At dahil malandi ako nandito nanaman ako sa piling ng tandang to.

"Are you okay?"

"Yeap" masaya kong sagot.

Two months na akong wala sa probinsya kaya pinakiusapan ko na sila Nanay Esperanza at Tatay na bantayan na muna at sila na muna ang mag manage. Sila Catherine naman ay willing na mag manage ng mga cafes ko, si Martina naman ang sa mga flower shop. May mga mapapagkatiwalaang tauhan din sila mama at papa na pinahiram kaya sila ngayon ang nakatira sa bahay ko sa probinsya.

Si Ziah naman ay pinalitan ko na ng pangalan. Raptor ang naisip naming pangalan sakanya. Inapply na din namin siya sa parang NSO ng mga aso. Hindi ko alam yon pero si Ziah na ang nag ayos non. Kami ang legal paw parents ni raptor. Kumpleto na din siya sa bakuna, thanks to this yummy ninong.

Si papa naman ay naging busy sa letsunan dahil umalis na ang favorite niyang sekretarya. Si Sir Jaymar kasi ay halos isang dekada ng secretary ni papa. Kaya ganun na din ang tiwala sakanya nila papa kaso nga lang namatayan sila ng anak at unstable ang misis kaya walang nagawa si Jaymar kundi mag resign. Nalungkot din kami sa balita kaya nakiramay din kami kasama sila Tito.

Ayaw pa din ni mama kay Ziah, given na yon. Pero wala siyang magawa dahil unti unti ko na ding natatanggap si Ziah. Though mahal na mahal ko talaga siya. Kinailangan ko munang mag heal at ayusin ang sarili ko kaya medyo natagalan ang proseso. Si mama naman ay mukhang matagal tagal pang proseso.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now