Chapter 14

302 2 0
                                    

"Eto nga po father" tinuro ko kay Father Eric ang bahay ko na ipapabless.

Lately ay lagi na akong binabangungot. Palaging siya ang napapanaginipan ko. Minsan nga ay ako pa ang nagmamakaawa kaya eto na ang naisip ko.

"Napabless na ito dati iha, hindi ba?"

"Opo father pero matagal na po kasing hindi natirhan kaya baka po natirhan ng mumu" tumawa lang si father at wala ng nagawa kundi simulan ang dasal.

May kasama siyang dalawang lalaki. Tingin ko ay sakristan ang mga yon. Sinundan ko ang dasal ni father. Nang wisikan niya na iyon ng holy water ay ang saktong pagpasok nila Nanay Esperanza.

"Anong meron anak?" kahit si tatay na nakabaston ay sumisilip sa nangyayari sa loob.

"Pinapabless ko po. Medyo may kakaibang nararamdaman po kasi ako"

"Ha? May multo?"

Multo po ng kahapon nay.

"Opo parang ganun na nga po" tumango lang siya at pinanuod na namin si father. Sunod lang kami ng sunod hanggang sa makarating sa kwarto ko.

Maraming kwarto sa bahay, lahat ay na bless na ni father maliban sa kwarto ko.

"Nakapadlock?" takang tanong ni father.

Huminga ako ng malalim saka binuksan iyon. Pagpasok namin ay agad na sumikip ang dibdib ko. Pag angat ko ng tingin sa chandelier ay parang nakita ko din ang katawan kong nakalambitin.

Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa matapos si father sa pagdadasal.

Nasa labas na kami dahil tapos na din si father.

"Mukhang wala naman sa bahay mo iha. Pero matanong ko lang. Katoliko ka ba?"

"Oo naman po father. Di ko naman to ipapabless sainyo kung hindi" tumango tango lang si father saka tumingin sa malawak na lupain.

"Kailan ka huling nagsimba iha?" napalunok na lang ako at iwas ng tingin.

Kasama siya

"Sige po sa linggo magsisimba ako" pagtatapos ko sa usapan. Umiling naman si father.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo pero ramdam ko ang bigat non. Hindi ang bahay ang may mga dalang bagahe iha, mukhang ikaw yon"

Wow father! Lupet mong humugot a!

Ngumiti na lang ako at inalok na sila mag meryenda. Inuwi nila ang palabok na gawa ko kaya wala akong nagawa kundi ihatid na lang sila pabalik sa bayan.

Kinawayan ko sila father at ang mga sakristan ng maibaba ko. Sinandal ko muna ang ulo sa manibela.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Is it because hindi pa din ako nakakamove on? Kaya ba ako ginugulo ng multo ng kahapon? Pero wala. Tinanggap ko nang talo ako. Tinanggap ko na. Ano ba namang laban ko sa may anak, hindi ba?

Naguunahan ulit ang aking mga luha. Akala ko ay ubos na lahat ng luha ko para sakanya. Hindi pa pala.

Kinuha ko ang cellphone ko. Tama si father, ako ang may problema hindi ang bahay. Kaya dapat harapin ko na yon.

"Ma"

"Oh Atara bakit?"

"Kelan po magpapainom si papa?"

"Ha? Bakit?"

"I'm going home mama"

Hindi agad nakapagsalita si mama kaya paglipas ng ilang minuto ay binaba ko na ang tawag. Nagdadrive na ako pauwi ng makita ko ang paika ikang aso sa daan.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now