Epilogue

403 6 2
                                    

"My love pwede bang bumaba ka dyan? Sweetie don't eat that..... Princess, wag yan masusugatan ka"

Umagang umaga pa lang ay rinig na rinig ko na ang mga sigaw ni Ziah sa baba. Bumangon na ako at binati si Raptor na nag aantay na gumising ako.

"Hi Raptor namin, did you sleep well?" naglalambing naman na humiga si Raptor kaya pinugpog ko ng halik.

"Halika na. Baba na tayo. Baka maubusan na ng dugo ang daddy mo" sumunod sa akin si Raptor at nauna pang bumaba.

Narinig ko ang pagtahol niya na parang pinapaalam na gising na ako. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin ang makalat na salas at puno ng harinang kusina.

"Good morning baby" lumapit sa akin si Ziah at hinalikan ako sa labi. Hahalikan ko na sana siya pabalik ng makarinig ako ng tilian.

"Mommy" malalakas na tili at mahigpit na yakap ang salubong sa akin ng tatlo naming prinsesa.

Si Sapphira Magdalene ang panganay naming anak, na ngayon ay puno ng harina at may hawak na gunting. Hinalikan ko siya sa pisngi saka kinuha ang gunting sakanya.

"Mommy kiss" binuhat ko naman si Zipporah Cilicia. After 2 years ay nasundan na namin ang panganay at ayun naman si Zipporah. Gaya ng ate niya ay napakakulit din at mukhang pumapak nga ng milo dahil puro chocolates ang gilid ng labi.

"Momi tampo na ko" tumawa lang ako saka binaba si Zipporah. Lumuhod naman ako para magtama ang paningin namin ng bunso kong anak, si Chastity Jedidah. 3 years naman ang pagitan nila ng ate niya.

"Daddy" tili ng mga prinsesa namin. Buhat na ni Ziah sila Sapphira at Zipporah kaya binuhat ko na din si Chastity.

"Good morning mga prinsesa ko" bati ko sakanila.

"We're making pancakes" anunsyo ni Sapphira.

"Wow really? Luto na ba? I wanna taste it"

"Momi charap" masayang sabi naman ni Chastity.

"I help daddy mommy" pagbibida naman ni Zipporah.

"Ang very good naman ng mga princess namin. Oh baba na kayo para makaeat na tayo" tumalon naman si Zipporah sa pagkakabuhat sakanya ng papa niya. Si Sapphira naman ay hinalikan muna sa pisngi ang papa niya.

Si Chastity naman ay tinapik ang pisngi ko.

"Momi I'm tired. Buhat mo ko there" papagalitan ko na sana siya ng makita ang puppy eyes niya. Lumambot naman agad ako kaya buhat buhat ko siyang dinala sa kusina.

"Wow" yun na lang ang nasabi ko dahil total disaster ang itsura. Parang hindi na siya kusina.

"Don't worry, I'll clean it up"

"Thank you" ngumiti lang ang asawa ko sakin saka hinalikan ako sa labi.

"Ewwww!! Daddy kissed Momi" sabay na lang kaming natawa ni Ziah.

Inalalayan ni Ziah si Zipporah sa pag upo dahil medyo di pa niya kaya. Ako naman ang umayos kay Chastity. Inasikaso din ng asawa ko si Sapphira na kayang kaya na ang sarili.

"Let's pray" anunsyo ko kaya humawak na sa kamay ko ang dalawa kong prinsesa. Nasa magkabilang gilid kaming dalawa ni Ziah. Si Sapphira naman ay katabi si Chastity habang si Zipporah ay mag isa lang.

Pang animan kasi ang lamesa namin. Sapat na sa aming lima.

"Go lead the prayer Chastity"

"Papa Lord, please bless our food and please give food to hungry tao. Amen"

"Amen"

Si Ziah ang umasikaso sa panganay namin at sa pangalawa. Ako naman ang kay Chastity na medyo makalat pa kumain. Marunong na siya kumain mag isa dahil natrain ko na siya sa BLW o mas kilalang baby led weaning. Ganun din ang iba kong mga anak, kaya bata pa lang ay independent na sila. Kaso syempre kailangan pa din asikasuhin.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora