Chapter 12

287 3 0
                                    

Nagising ako ng may malakas na katok sa pinto ko. Wala pa sa sariling binuksan ko iyon.

"Ay nagising ka namin anak" pinaningkitan ko lang ng mata sila nanay at umiling.

Syempre nagising! Ano bang tingin nila sa akin nagbabato bato pick?

Pinapasok ko na sila tatay at nanay na may dalang basket. Inabot nila sa akin ang isang pirasong sunflower. Hindi ko naman masabi na ayaw ko sa bulaklak na yon dahil alam kong nag effort pa sila.

Matapos kong malaman na pinataniman pala ni papa ng sunflower ang lahat ng lupa ko at anihin iyon ay pinagbawal ko na ang pagtatanim ng sunflower o kahit pagbigay nito sa akin. Matagal tagal ng walang nakakatapak na sunflower dito kaya sigurado ako na sa kabilang bayan pa to.

Pinatong ko lang sa lamesa malapit sa pinto ang sunflower at di na yon binigyan ng pansin. Itatapon ko na lang yon mamaya.

"Maagang nag bayan si Simon kaya may dala kaming almusal" napangiti lang ako. Niyaya ko na sila sa kusina. Hindi ko na naman kailangan mag ayos dahil sila naman ang gumising sa akin.

Nilabas ko na ang mga bowl para ihain ang dala nila.

"Nakain ka naman nito no? Sikat daw kasi ang pares dito sa atin"

Pares? Nanlamig ang kamay ko ng marinig ang salitang yon. Pagkasalin ni nanay ay wala na akong maalala kundi ang madilim na kapaligiran.

"Hindi pwede to. Kawawa naman siya"

"Trust me. She's my wife"

Hindi ko alam kung sino ang nag uusap pero parang nasa malapit ko lang. Umiikot pa din ang paningin ko kaya wala akong makita. Alam kong tinaas ko ang kamay ko para may maramdaman.

Hinawakan ko ang humawak sa kamay ko. Nahihilo pa din ako kaya hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

"I'm here baby. I'm here"

Pagdilat ko ay nakita kong nakahiga pa din ako sa sofa. Napabalikwas ako sa kama at tinignan kung totoo bang pumunta sila nanay dito.

Wait panaginip ba yon?

Wala akong nakitang sunflower pati ang mga nilabas kong plato ay nasa cabinet pa din. Napabalik ako sa sofa para huminga. Nandun pa din ang bote ng gamot ko.

Siguro nga naghallucinate ako kagabi dahil sa gamot ko. Naghanda na lang ako ng almusal at nag ayos na.

Walang ani ngayon kaya sigurado akong nag aayos lang ang mga tauhan ko. Ala una na ako umalis ng bahay dahil inuna ko munang maglaba. Di naman busy ang araw ko kaya di ko kailangan magmadali.

Naglalakad lakad na ako sa lupain ng makita ang mga tauhan. Kumaway ako sakanila ganun din sila. Hindi na kasi nakakapag usap kung minsan gaya ngayon dahil busy na sila sa ginagawa nila.

Naka boots, jeans at halter back ako gaya ng lagi kong suot. Papunta na sana ako sa mga gulay ng may boses na sumisigaw.

"Baby" lumingon lingon ako sa paligid. Sa tagal ko dito ay wala akong tauhan na nagngangalang baby, wala ding bata dito.

"Baby" umalis na ako sa lupain para hanapin ang boses. Sinundan ko iyon at nakita ang isang binatilyo na nakangiti sa akin.

"Manang" tumango siya sa akin bilang paggalang. Ganun ang tawag nila sa ate.

"Sino yung tinatawag mo?" napakamot naman siya ng ulo. Walang kahit isang tao dito maliban sa akin. Malayo na ang mga tauhang nadaanan ko kanina.

"Po? Si baby po" tinaasan ko ng kilay ang binatilyo.

Kumamot ulit siya sa batok niya. Bigla naman nanliwanag ang mga mata niya ng may makita sa likod ko sabay turo duon.

"Yun po. Si Manang Baby" pag lingon ko ay may nakita nga akong babae na naka daster. Di pamilyar ang mukha niya sa akin kaya nilapitan ko siya.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now