Chapter 10

330 6 0
                                    

Ang kahilingan ay hindi palaging natutupad. Ang mga pangako ay kayang kayang mapako. Ang mga binitiwang salita ay hindi palaging totoo. Patunay ang dati kong relasyon sa mga katagang yan.

"Atara!" I waved at Catherine. Nasa cafe ako kanina pa. I want to get mad at her dahil kanina pa niya ako pinag aantay.

"Sorry na. Ang tagal kasi nitong si Efren" tinuro niya sa akin ang lalaking papasok na nakapolo shirt.

"Marino?" yun lang ay alam ko na agad ang buong istorya nila. Tumawa lang si Catherine at hinampas ako sa braso.

"Marupokpok e" umiling na lang ako at ngumiti. Umorder si Efren ng drinks nila at cake naman para sa akin dahil may tsaa na ako kanina pa.

"Hindi ko na patatagalin to mamsh! I'm getting married" tili niya sabay pakita sa akin ng simpleng engagement ring.

Tumayo ako at niyakap ng mahigpit ang matalik na kaibigan. Isa si Catherine sa mga naging kamay ko noong hindi ako makagalaw. Kung wala siya ay baka hanggang ngayon hindi pa ako okay.

Saktong pagdating ni Efren dala ang orders ay naghahampasan na kami ni Catherine.

"Congratulations" kinamayan ko si Efren na masaya niyang tinanggap.

"Maid of honor ka" tumango lang ako at bumalik na sa best friend kong napakadaming kwento.

Ako ang kinuha niyang mag aayos ng flowers niya, natutuwa naman ako na susuportahan niya ang small business ko.

"Hindi ko nga maintindihan bakit mas pinili mong tumira dito" tinignan pa niya ang labas na para bang diring diri siya.

"Ganyan talaga ang amoy ng lupa. Buti nga hindi nahirapan si Efren sa daan"

"Anong di nahirapan? Ang hirap kaya! Ang putik pa. Buti na lang malaki sasakyan namin. Ewan ko ba sayo! Dati ikaw ang pinaka maarte ngayon ikaw pinakamahinhin" tumawa lang ako sa sinabi ni Catherine at humigop ng tsaa.

Sino nga bang mag aakala na ang spoiled brat ng hari ng letsunan ay mas piniling tumira sa ganitong lugar. Ang inaasahan ng lahat ay ako ang magtatakeover sa business namin pero mas pinili kong talikuran iyon at umalis.

"Bumalik ka na kaya? You know tumatanda din parents mo" umiling na lang ako at ngumiti.

Hindi alam ni Catherine ang tunay na dahilan. Tanging si mama lang. Noong naconfine ako sa hospital ay sinabi lang ni mama na di kinaya ng utak ko ang stress. Tinago ni mama ang lahat dahil ayaw ko ding sabihin.

Ang mga ninong at tito ko naman ay sinabihan lang na may sakit ako. Si papa naman ay hindi matanggap na ang nag iisa niyang anak ay mas piniling magpakamatay kaysa makapiling sila. May tampo pa din siya hanggang ngayon kahit na tatlong taon na akong magaling.

Nang araw na iyon, nagkamental breakdown ako. Hindi kinaya ng utak ko ang sobrang daming emosyon kaya bigla itong tumigil sa pag function. Ang sabi ng doctor ay nagkaroon ako ng Psychiatric coma due to depression ko. Halos anim na buwan akong nasa hospital. Walang kahit na anong cause kundi ang trauma na naranasan ko.

Sobrang daming test na ginawa sa akin pero ayon nga ang final diagnosis. Dahil sa severe depression ko na meron na pala ako dati pa at prone din ako dahil sa PCOS ko ay hindi na kinaya ng brain ko at ayun pinatulog ako ng matagal.

Buong anim na buwan ay sila Catherine, Genevieve at Martina ang nag aalaga sa akin. Si mama naman ay nagtrabaho na din sa letsunan dahil distracted si papa.

Nang magising ako mas pinili kong tapusin na lang ang buhay ko pero napigilan ako ni papa. Sa takot nila na ulitin ko ulit yon ay pinagdesisyonan nila mama na sa America ako patirahin kung nasan ang pamilya ni mama. Si Tito Gallen naman ay pumayag at siya na ang sumama sa akin pa America.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя