Chapter 23

256 2 0
                                    

Apat na buwan na. Nakangiti akong lumabas sa hospital, binaba ko na ang tawag nila Catherine sa akin saka kumaway sa sundo ko.

Pagsakay ko ay humalik agad siya sa akin. Sinuot ko na ang seatbelt at maingat na pinatong ang handbag ko sa aking hita.

"Hindi ka ba naiinitan. You're always wearing sweatshirts" akala ko hindi niya mapapansin iyon.

"Bakit? Pangit ba?" pagsusuplada ko.

"Of course not. It looks good on you baby" asus nambola pa.

Palihim na lang akong natawa dahil alam kong pangit na talaga ang mga style ko. Sinasadya ko naman iyon dahil hindi ko na pwedeng suotin ang mga racer back ko, kahit ang mga dati kong dress ay di na din pwede kaya bumili ako ng mga pangit na sweatshirt para asarin siya.

Hindi stylish ang mga sweatshirts na binibili ko. Di rin siya neutral colors. Neon colors at may mga kakaibang designs. Kinagat ko lang ang labi ko saka tumingin sa daan.

"Can I drive?" malambing kong tanong. Simula kasi ng nagkaayos kami ay lagi na akong hatid sundo. Hindi ko na din nagagamit ang sasakyan ko.

"Miss ko na mag drive" pagdadrama ko. Alam ko naman kasing hindi ako matatanggihan nito.

Bumuntong hininga lang siya saka tinigil sa parking lot ang sasakyan.

"Be careful, alright?" hinalikan niya lang ako sa labi ng magkasalubong kami. Ngumiti lang ako at pumalakpak. Inadjust ko na din ang upuan dahil matangkad siya, maliit naman ako.

Nang ayos na ang lahat ay nagdrive na ako. Pati ang side mirror ay inadjust ko pa. Kainis naman kasi tong si tandang!

"Baby this is the wrong way" hinayaan ko lang siya at hindi pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive.

"Baby. Where are we going? Sana sinabi mo na lang sakin na gusto mo ng road trip" ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa pagdadrive.

Pagdating namin sa pamilyar na subdivision ay kitang kita ko ang paglunok niya.

"Are you sure you're okay?" tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Priscilla" nilingon ko siya saka nginitian.

Sabay na kaming bumaba. Alam ko namang lagi niyang dala ang susi ng bahay namin dahil nakakabit iyon sa susi ng bahay niya. Pagbukas ay bumungad sa akin ang malinis na bahay.

"Lagi kong pinapalinis" tanging nasabi niya dahil tinaasan ko siya ng kilay.

I've been thinking about this simula ng malaman ko. Pinursigi ko din ang pagthetherapy at pagpapalakas ng katawan ko. Ang advice sa akin ni doc ay unti untiin lang kaya sa tuwing bakante ang oras ko at nagtatrabaho si Ziah ay pumupunta ako dito. Minsan ay pumupunta ako sa bahay niya.

Nung isang buwan din ay dinalaw ko si Eunice sa mental. Maayos naman ang pag aalaga sakanya. Yon nga lang di na siya makausap. Ang baby naman ni Eunice ay kinamusta ko din sa lola at lolo nito. Nalaman kong suki pala sila ng flower shop ko malapit dito kaya nahanap ko ang address.

Matagal ang proseso na kinailangan ko pero alam kong worth it. Alam ko din naman kasing di lang to para sa relasyon namin ni Ziah kundi para din sa akin. Gusto ko din mabalik ang tiwala ko sa sarili.

"We can leave now" hinawakan ni Ziah ang kamay ko na para bang takot na takot na mag breakdown ako. Ngumiti lang ako sakanya saka umupo sa sofa namin.

"Cook for me Ziah" nakatingin lang siya sa akin na para bang nagtataka bakit ganun ang reaksyon ko.

"Palagi akong nandito. I've faced my fears long ago Ziah. Matagal ko na ding natanggap lahat. They said acceptance is the key and it's true. I'm now okay Ziah. Really okay. Nabuo ko na din ang sarili ko" lumambot ang tingin niya sa akin saka hinalikan ang labi ko.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora