Chapter 17

299 2 0
                                    

Ang sabi nila words are mightier than swords. Dati ay hindi ako naniniwala doon pero ng mabasa ni mama ang sulat ni Hezekiah ng araw na iyon ay napatunayan ko ngang masakit, ngayon ay ganun din ang nangyari.

Nakokonsensya ako dahil alam kong sumosobra na ako. Pero nakonsensya din ba siya sa nangyari dati? Kung nakonsensya nga siya bakit hindi man lang niya ako nagawang kausapin matapos ng ilang taon? I didn't expect to talk to him noong nangyayari lahat ng yon but after a year? Nung pag graduate ko? Nung lumipat ako sa probinsya? Noong nakatira ako doon? Ano ba naman yung puntahan niya ako? Sila Catherine nga nakakapunta. Si Martina nga na may anak nakakapunta sa akin? Siya pa kaya? Siya pa na nagsilbing lakas ko ng ilang taon?

Bakit ngayon ako pa ang nakokonsensya? Bakit ngayon nasasaktan ako dahil alam kong nasaktan ko siya? Nasaktan din kaya siya noong panahong nacoma ako? Nasaktan din kaya siya ng malaman ang ginawa ko? Nasaktan kaya siya o bulag lang akong umaasa?

Sinandal ko na lang ang ulo sa upuan at hindi inalis ang tingin sa labas. Trapik kaya nakahinto pa din kami. Gustong gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

"There are pineapples in the area. Gusto mo bang bumili?" napalingon ako sa sinabi niya. May mga nasa gilid ng kalsada na puro prutasan. Nakagat ko ang labi ko dahil paborito ko ang mga yon.

Nilabas niya ang kamay niya at kumaway sa nagbebenta.

"Magkano?"

"Tatlo 100 sir"

"Kukuha kami ng limang tagtatlo" pumalakpak ang ale at nagmamadaling tumakbo sa tindahan niya. May tumulong din sakanya dahil ang dami nitong binili. Inaabot sakanya ang dalawa kaya kinuha ko na iyon at nilagay sa backseat. Patuloy ang pag abot sakanya kaya patuloy din ako sa pagkuha at pag lagay sa backseat.

"May balat na?"

"Opo sir, sobrang tamis po ng pinya namin"

"Kuha kami ng dalawa" nagmamadaling tumakbo muli ang ale at kumuha ng dalawa. Napangiti pa ako dahil may dala pa siyang asin.

"Naglilihi po ba yung asawa niyo sir?" akmang kukunin ko na ang pinya sa kamay nung ale ng marinig iyon. Napairap na lang ako at di na inabot iyon. Kaya niya na naman yon, matanda na siya.

Nakita kong binayaran niya ang ale. Nilagay niya ang isang balot sa ilalim ko.

"Ano ba?" angil ko. Sinipa ko ang kamay niyang natamaan ang hita ko dahil sa pagpatong niya ng supot.

"You want to eat?" nilingon ko siya at nakitang binubuksan niya na ang balat ng pinya na nakaplastic. Naglaway naman ako sa itsura niya. Mukhang napakatamis.

Pinatong niya iyon sa cup holder na walang laman saka humawak na sa manibela.

"Eat first. I'm still driving" wala na akong pakealam sa sinabi niya at kinuha na iyon. Nilantakan ko iyon agad. Sobrang tamis.

Naghuhum pa ako kasabay ng tugtog na nilagay niya. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito katamis na pinya. Para siyang nagmemelt sa bibig ko.

"Ang sarap sobra" masigla kong sabi dahil talagang masarap siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay saka nag focus sa pagdadrive.

"Kanino yung binili mo?" nilingon ko ang backseat na puno ng mga pinya.

"Kina Bryce"

"Oohh bigyan mo din sila papa a" tumango naman siya. Nauuhaw na ako kaya kinuha ko na lang ang hydroflask na nasa isa pang cupholder at ininuman na iyon.

Nananatili lang siyang nakatingin sa daan kaya pinakealaman ko na din ang phone niya para makapili ng music. Nag disney princess naman akong playlist. Wala naman kasi siyang angal sa kung anong patugtugin ko.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now