Chapter 3

664 7 0
                                    

R18

Nagising ako ng may humahalik sa pisngi ko. Pagdilat ko ay bumungad sa aking ang malaking damulag na nagbababy babyhan sa ibabaw ko.

"Good morning baby" ngumiti lang ako at hinalikan siya sa labi. Sinagot niya iyon ng isa pang masuyong halik. Iisa pa sana siya ng pigilan ko.

Napaka aga pa ang harot na!

Aalis na sana ako sa pagkakahiga ng ayusin niya ang pagkakapwesto ng braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko at nagsimula ng mag push up.

Sa bawat baba niya ay papatakan niya ng halik ang labi ko. Syempre dahil malandi din ako, minsan ay dinidilaan ko pa ang labi niya.

Umiiling lang siya sa tuwing ipapasok ko ang dila sa labi niya. Tumatawa lang si gago hanggang sa magsawa siya at maka 50 na push ups sa kama.

Nang mapagod ay binaon niya ang mukha sa aking leeg at inamoy amoy iyon. Hinayaan ko lang siya habang pinaglalaruan ang buhok niya.

Dahil sweet siya ay nabored ako at naisip kong asarin siya sa bagay na alam kong ikapipikon niya.

"Babe may puting buhok ka na pala" seryosong sabi ko habang nilalaro ang buhok niya.

Agad agad ay umalis siya sa pagkakaibabaw sa akin at nagwalk out. Pumasok siya sa cr ng kwarto niya. Humalakhak naman ako ng makita kung gaano siya kapikon.

Hanggang ngayon kasi ay insecure pa din siya sa edad niya. Issue pa din sakanya na baka makahanap ako ng kaedad ko o sakto sa edad ko. Isa pa mag tatatlong taon na din kami pero iyon pa rin ang kinatatakutan niya at kung talagang ayaw ko naman sa matanda ay una pa lang sana tinanggihan ko na siya.

Hindi naman sa akin mahalaga ang age gap namin pero sakanya ay big deal iyon. Lagi niya iyong kinaiinis kaso para sa akin ay asset niya iyon dahil mas lalo lang siyang nagiging hot sa paningin ko dahil sa edad niya.

Rinig ko ang tunog ng shower tanda na siya ay nagpapalamig na ng init ng ulo. Bumangon na ako ng may ngiti sa labi at pumasok sa cr. Kitang kita ko ang paglandas ng tubig sa katawan niyang oh so yummy.

Hinubad ko na ang mga damit ko at dahan dahang binuksan ang shower glass. Nakatalikod siya at nakaharap sa shower kaya di niya ako pansin.

Ramdam ko ang pagkagulat niya ng yakapin ko siya sa likod. Humarap siya sa akin at ganun na lang din ang takot sa kanyang mga mata ng makita ang kabuuan ko.

Magtatatlong taon na kami pero ngayon pa niya lang nakita akong nakahubad. Marahil ay lagi kaming nagmamakeout pero hindi pa siya nakakahomerun dahil lagi niyang sinasabi na mataas ang respeto niya sa akin.

Masarap iyon sa pandinig pero minsan ay gusto ko ding bastusin niya ako. Eme!

"Why are you naked Priscilla?" hinila ko siya papalapit sa akin pero pilit siyang lumalayo. Nababasa na din ang buong katawan ko dahil sa napapatapat na ako sa shower.

"Am I not beautiful Ziah? Kaya ka ba lumalayo?" lumambot naman ang mga mata niya at lumapit sa akin.

"No baby. You're beyond beautiful. It's just that. I don't want to pressure you" umiling naman ako.

"Hindi mo naman ako pinepressure. I want it too Hezekiah. I am nearing 22, bakit ba bata pa din ang tingin mo sa akin" inis kong tanong.

"Because you are, baby. It's okay that you are still young"

"No, it is not okay Hezekiah! Magtatatlong taon na tayo pero hindi mo pa rin ako magawang hawakan. Dahil ba bata lang ako? Dahil ba hindi ko mapupunan ang mga pangangailan mo? Dahil ba baguhan lang ako?" hindi ko alam kung bakit nagsimula ng magpatakan ang mga luha ko.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now