Chapter 8

364 3 0
                                    

Dalawang linggo. Ganun katagal na wala na kaming komunikasyon ni Ziah. Umalis siya papuntang New York at gaya nga ng hula ko ay para iyon sa importanteng deal.

Ang alam ko ay bumili ng malaking lupa si Ziah at tinaniman iyon ng mga grapes at iba pang prutas. Ayon kina Tito Louie ay pumunta si Ziah sa New York para ioffer ang mga ani na prutas for exportation. Tuwang tuwa ako ng marinig na naiclose nga ni Ziah iyon. Malaki laki iyon at sabi nila Tito at papa ay magiging successful iyon.

Masaya ako sa kanyang mga achievements kaya naman habang wala siya ay nagsikap ako sa pag aaral. Kung dati ay tamad na tamad ako, ng mga araw na iyon ay halos ma memorize ko ang libro. Cover to cover.

I've also aced the test dahil gusto kong may sabihin na good news kay Ziah. Ayaw ko naman na sabihing umiyak lang ako buong dalawang linggo na wala ka. Ang panget naman nun!

Kaya ayun mas sumipag ako. Nag aral din akong magluto ng sisig dahil marami namang baboy sa bahay. Syempre babuyan at letsunan ang business namin kaya madaming baboy!

Ngayon ay nag iinuman ang mga Ninong at Tito ko. Base sa nasagap kong balita ay ngayon din ang uwi ni Ziah kaya nag dress ako at nag konting makeup.

"Dalagang dalaga na talaga to. Baka may manliligaw ka na" tukso ni Tito Louie. Ngumiti lang ako.

Di lang manliligaw Tito, boyfriend pa. At di lang kung sino yun, tropa niyo pa. Natawa na lang ako sa naisip.

Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ko ang mataray na tingin ni mama. Hindi siya nagluto ngayon ng pares o ng kahit ano. Basta ay umorder na lang siya at kahit ang mga juice namin ay di niya pinagagamit. Sila Ninong Bryce ang pinabili niya ng mga inumin.

"Ano pong ilalabas ko?" masigla kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang nakapameywang na tinitignan ang kabuuan ko.

"Sa kwarto ka namin matutulog. Si papa mo ay kasama ang mga Tito mo sa guest room kaya tatabi ka sa akin" sisimangot na sana ako ng makita ang mapanuring tingin ni mama.

"Okay" maikli at suplada kong sagot.

Nanatili lang ang tingin niya sa akin habang naglalabas ako ng pitsel ng tubig para kina Ninong at papa.

"May binili sila Alfred na tubig. May tubig na sila don wag kang maglabas ng atin" napanganga naman ako sa sinabi ni mama.

"Pero di yon malamig"

"Pakealam ko! Sino ba nagsabing dito maghanda?" inirapan ko lang si mama.

Ngayon lang nagkaganito si mama. Kahit si papa ay nagtataka kaninang umaga dahil simula ng mag asawa sila ay palaging si mama ang naghahanda at maalaga sa mga bisita. Ngayon lang.

"Umakyat ka na. Malamok sa labas" napairap na lang ako dahil hindi naman yon ang dahilan kung bakit niya ako pina aakyat.

"Hezekiah!!" malakas na sigaw ni papa.

Mukhang hindi sa salas dumaan si Ziah kundi sa garden namin. Lalabas na sana ako ng hilahin ako ni mama.

"Sinabing wag lumabas!" nilabas ko lang ang dila ko para belatan siya ng pitikin niya ang noo ko.

"At ikaw pa talaga ang pupunta. Bakit hindi siya ang pumunta dito aber?" napasimangot na lang ako dahil alam kong seryoso na si mama at di na namin ito joke time.

Wala akong nagawa kundi mag antay sa kusina. Nainom lang ako ng tubig habang nakatitig kay mama ganun din si mama na nakasandal sa may lababo at tinitignan ako.

"Bigay ko lang to" narinig ko ang boses ni Ziah kaya napaayos ako ng tayo. Tinaasan ako ng kilay ni mama kaya napanguso na lang ako.

"Good afternoon Amara" sabay naming nilingon si Ziah na may dalang dalawang bouquet. Isang halo halong kulay ng rosas at isang kumpol ng pulang rosas na may sunflower sa gitna.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Where stories live. Discover now